Two - stiff neck and sunburn

9 1 0
                                    


"I like coffee
because
it gives me the
illusion
that I might be
awake."
—Lewis Black


***


"Tristen..."

"Hm?"

"Pwede kayang h'wag tayong magbago sa isa't-isa?"

I just shrugged. Sa totoo lang, hindi ko alam. Pwede nga kayang maging magbest friends kami habambuhay? Pwede nga kayang ganito pa rin kami kalapit sa isa't-isa kahit na pagdating ng araw may sari-sarili na kaming buhay? Malabo. "Tingin mo?" Tanong ulit nya.

"Bakit hindi." Liar. Malay nga naman natin sa future. Pero sa ngayon, gusto ko syang kaibigan. Gusto ko sya bilang bestfriend.


"Alam mo ba—"

"Hindi pa."

"Gago."

"Nung third year tayo, nahirapan talaga 'ko... buti na lang talaga naging close tayo."

"Kelan pa tayo naging close?" Pambabara ko sa pagsesenti nya.

"Nahirapan talaga 'kong mag-adjust n'on kaya... thank you." Pero walang nagawa ang pambabara ko.

Gustung-gusto ko ring sabihing 'thank you' kasi wala akong malapit na kaibigan ng panahong yon pero salamat sa pangungulit nya, nagkaron ako. We lean on each others' shoulder without realizing it. Hindi ko alam pero naiiyak ako sa usapan namin, pakiramdam ko ay nagpapaalam kami sa isa't-isa kaya nag-excuse muna ako para pumunta sa cr. Dahil baka kung hindi, ngumalngal na lang ako bigla dito.


**********


Nakita ko syang gamit ang phone ko pagbalik sa tambayan namin matapos kong mag-cr.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya dahil ang tagal nyang nakatingin sa'kin. "May itatanong ka ba?"

"Tatlong kanta lang yung nandito sa 'favorites' mo sa music, Superman, Your Guardian Angel tsaka Time After Time? Ba't favorite mo yon?" Tanong nya. Hindi ko masagot dahil 'pag sinagot ko ay papunta sa lovelife ko o kay Kion ang pag-uusap namin.

"Superman is special... it's my favorite song," sagot ko. Gustung-gusto ko ang lyrics ng kanta na 'yan.

"Ahh... huhulaan ko, yung isa dito theme song nyo ng ex mo, eh yung isa?"

"Basta 'pag pinapakinggan ko yung dalawang kanta, sya yung naaalala ko. Haha!" Pag-aalangan kong sagot.

"Ang swerte nya sana sayo." Napatawa 'ko sa sinabi nya. I know he's just trying to console me. "Kalimutan mo na 'yon." At the same time nagulat. "Ibig kong sabihin marami namang lalaking mas pahahalagahan ka—si Iyou." Tsaka sya tumawa at nang-asar. Bwiset!

"Ikaw ba talaga si Axl?"

"Alam ko naman hindi tayo masyadong nag-uusap ng mga seryosong bagay, pero Tristen, kaibigan mo pa rin naman ako. Pwede kang magkwento."

"Naks!"

"Seryoso—ang gago naman oh!"

"Hahahahaha!" Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Hindi kasi bagay!

"Pero seryoso, kaibigan kita, tropa ko sya, syempre gusto ko kayo parehong maging masaya." Ngumiti ako sa sinabi nya. Sorry Axl. I feel sorry for him and Iyou.

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon