Four - What a typical day!

14 1 0
                                    


"Life is like a cup of coffee.

No matter how bitter it may be,

it is always enjoyable."


***


"Alam mo ba..." Teka, ide-date nya nga ako?! "Lakas mo kay Lord." At saka pinat ang ulo ko.

"Ha?"


Nagulat ako ng sabihin nyang parang himala daw na pumasok si doc ngayon at ipinapatawag ang guardian ko para i-discuss ang result ng CT scan. Akala ko pa naman... nevermind.

Ayaw yata ni Lord na i-date ako ni nurse.

Pumasok ang dalawang anghel este si nurse kasama ang napakagwapong doctor (sa paningin ko) at tinanong kung ano ang mga nararamdaman ko. Muntik ko ng isagot ang 'lungkot' dahil akala ko ay wala ng pag-asa at 'tuwa' dahil bigla syang dumating sa buhay ko. Hindi pala 'yon ang ibig nyang sabihin, kung nahihilo o nasusuka daw pala ako kaya sinabi kong maayos na ang pakiramdam ko. 

Ipinaliwanag nya din ang resulta ng CT scan, normal naman daw ang lahat at wala na kong naintindihan sa mga sinabi nya kundi kailangan pa daw akong obserbahan pa sana ng ilang araw kahit na maayos na ang lagay ko. Pero papayagan na daw nya akong ma-discharge ngayong araw para makaattend ng graduation day kinabukasan pero kailangan ko pa ring bumalik para sa follow up check up at lalo na kung may maramdaman akong hindi maganda at oo, ganito talaga 'ko 'pag na-e-excite, tuloy tuloy magsalita at minsan hindi ko alam kung san dapat maglagay ng tuldok sa pangungusap.


**********


Graduation day. Isinuot ko ulit ang sapatos kong muntik ng maging dahilan ng maaga kong pakikipag-meetup kay satanas sa lugar na laging summer kung hindi man ako tanggapin sa itaas. Sa huling pagkakataon. Bago ko sya itapong punyeta sya.

Sa wakas, naranasan ko din isuot ang itim na toga at ang maroon naming hood. Kung hindi siguro ako nalaglag sa hagdan ay hindi ko ma-a-appreciate ang mga bagay na 'to pati na ang pag-martsa sa red carpet, ang mga bulaklak sa aisle at ang mga ngalay ng cadets at usherettes.


Tinawag na ang pangalan ko kasunod ni Axl na kadaldalan ko kanina lang habang hindi nakikinig sa speaker. Pag-alalay pa lang ng usherette sa'kin paakyat ng stage ay ramdam ko ng pagti-tripan ako ng mga kaklase ko. Nang makaakyat sa entablado ay bukod sa maroon na diploma jacket ay nakatanggap ako ng masigabong palakpakan na may pagsigaw at pagsipol pa galing sa kanila. Everyone applaud dahil nakapagmartsa ako ngayon sa kabila ng enggrande kong pagkalaglag sa hagdan, kahit na ang dean ko ay nakisali rin. Kaya sinakyan ko na lang din ang trip nila, kumaway naman ako ng bahagya na parang artistang ngayon lang nila nakita. Daig ko pa yung cum laude matapos nyang mag-speech. Sabi ko na nga ba, hindi matatapos ang buhay kolehiyo ko ng ganon lang—hindi rin makukumpleto ang buhay nila ng di nila 'ko napagtitripan. And that was the most memorable moment in my graduation day.


Typical graduation ceremony. Picture taking, smiling, laughing, not listening, singing, picture taking, thanking everyone, and again endless picture taking. I guess everyone cried or crying, but I'm not. Yes, I'm happy, meron bang grumaduate ng 'di masaya? Malungkot? Kaunti. They say it was the happiest day on college. Well, I think it's not but still, I'm glad.

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon