Four - Hi

35 2 0
                                    


"Lalaaaaaaabs~" Kahit nasa labas pa lang ay rinig ko na ang boses ni Axl. Napangiwi ako. Nakakahiya talaga sya kahit kailan. 

"Tristen─ay andito ka din Lance?" Tanong ni Axl pagpasok ng clinic. Eskandaloso. "What happen to you my favourite friend?" I gave nurse Sy an awkward smile dahil sa mga pinagsasabi ni Axl. At isa pa, sya ang bakit nandito gayong si Lance lang naman ang itinext ko.


**********


"Okay, Lance ihatid mo sya," sabay turo ni Axl kay Gian. "Ako ng bahala kay Tristen." Anong ako ng bahala eh wala namang masakit sakin, hindi naman ako ang injured. "Sabay na kami uuwi at ikaw Iyu..." Napatingin din ako kay Iyu, kasama pa nga pala namin sya. "...umuwi ka na." Gago Axl.

"Kaya ko namang umuwi mag-isa, wala namang masakit sakin," sagot ko kay Axl though talagang magkakasabay kami pauwi dahil pareho kami ng way.

"Dapat lang, unless... may pupunta dito para makipag-high five sayo." At saka ako nginitian ng nakakaloko. Naramdaman kong nanginit at namula hindi lang pisngi ko kundi buong mukha pati na tenga ko sa sinabi nya. Halata namang confused ang mga tao sa paligid namin.

"Gagu," sabi ko na tinawanan nya lang ng malakas.



Nag-vibrate ang phone ko kaya nagising ako at nakitang 10PM na. Hindi ko namalayang maaga pa lang ay nakatulog na 'ko. Masakit ang ulo ko maghapon dahil sa sipon, puyat at dahil na rin sa girls' monthly bullshit. Hay, kailan ba matatapos 'tong OJT ko? Iniisip ko tuloy paano na kaya kung totoong nagtatrabaho na 'ko, baka lagi akong may sakit. Hindi ko inaasahang maka-received ng text galing kay Kion─

"Shit!" Bigla akong napabangon. Magda-dalawang oras na ang nakalipas sa unang text ni Kion na nandito sya sa tapat ng apartment at naghihintay sa baba. At itong huli kong na-receive ay aalis na sya at babalik na lang sa ibang araw. Hindi ko na naisip pang mag-ayos ng sarili o tumingin man lang sa salamin. Tumakbo ako palabas ng apartment. Gusto ko syang makita. Pero lumingon ako sa kaliwa at kanan pagbukas ko ng gate, wala akong nakitang Kion. Naupo ako sa hagdan at napabuntong hininga. Bakit kasi ang himbing ng─

Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. Nakita ko syang nakatayo at nakasandal sa sasakyan. Tumayo ako, lumabas ng gate at saka nya lang ako napansin at kinawayan. He smiled. He's still waiting. Paano ako hindi mapapangiti? Paano ako hindi mahuhulog? Kion, the man that you are.

Tumawid ako ng kalsada nang wala ng dumadaang sasakyan. Hindi pa 'ko nakakalapit ay itinaas nya ang kaliwang kamay nya para makipag-high five kaya lalo akong napangiti. Inapiran ko sya and he suddenly interlocked his fingers with mine. Inilagay sa likod nya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko at iniyakap naman sa likod ko ang isa nya pang braso.

Hindi ko alam kung ramdam ba nya but my heart pound like a drum in my chest.



Kahit na naaalala ko lang yon ay bumibilis at lumalakas pa rin ang tibok ng puso ko. Mahirap aminin. Paano 'to? Ako?

"Tara na nga," aya ko kay Axl pauwi. Sa pagmamadali kong lumabas ay nakalimutan ko ng magpaalam sa iba at kay Nurse Sy.


**********


Nakapatong ang siko ni Axl sa desk nya habang ang baba naman nya ay nakapatong sa palad. Pinagmasdan ko sya, medyo gulo-gulo talaga ang hairstyle nya, mapungay ang mga mata kaya mukha syang laging bagong gising, medyo matangos ang ilong, ang cool nya talaga tingnan lalo na siguro kapag naka-headphone, para syang astig na myembro ng isang banda. Pero kapag nagsalita na... nevermind.

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon