Two - lovers

40 3 0
                                    


"May kailangan ka 'no?" Tanong ko kay Axl dahil halata naman sa tingin at ngiti nya. "Sabihin mo na anong kailangan mo," pag-ulit ko dahil nakangiti pa rin sya. "Ano ba, assignment? Patulong sa code? O baka naman patulong para sa girlfriend mo? Surprise?—"

"May dayo," maikli nyang sagot. Napabuntong hininga ako. Ang dami ko ng nasabi, dota lang pala.

Sinabi ko na kasi sa kanyang hindi na ko masyadong maglalaro dahil fourth year college na kami, mahirap ng bumagsak. At may thesis at defense na kaming dapat pagkaabalahan at problemahin. Pero mukhang walang talab sa kanya ang mga pinagsasabi ko at walang pake at di nagwo-worry sa future. Sana all.

Pero pumayag din ako para kahit papano ay mawala sa isip ko si Kion.


**********


"Boss!" Napalingon ako sa lalaking tumawag ng boss. Nasanay kasi ako sa tawag ni Mac. Si Axl pala ang tinawag na boss ng lalaking nandito sa computer shop.

"Kumpleto na tayo—partner ko." Sabay akbay ni Axl sakin at pagpapakilala nya sa mga magiging ka-team namin. 'Di ko sila mga kilala pero mukhang schoolmates naman namin sila, galing lang sa ibang colleges. Yung usual na mga nakakalaro namin dito eh mga busy daw. Mga fifth year na kasi sila ng engineering. Understandable.

"In life ba yan?" Biro nung Chan ang pangalan na magiging ka-team din namin sa laro.

"Syempre in crimes," sagot naman ni Axl. "Dito ka sa tabi ko mahal na reyna." Turo ni Axl sa upuan katabi ng kanya para doon ako maupo. Di ako umimik dahil immune na ko sa mga banat ni Axl. Kahit na panay ang asar samin ng mga katropa nya at mga tao sa com shop, dedma lang. Tulad nga ng sinabi ko, nasanay na ko.

Dumating ang mga dayo galing sa ibang school pero parang tropa tropa lang naman ang labanan. May konting pustahan lang. Bukod sa kapag may ganito kang hobby, be ready dahil parte nito ang green jokes, trashtalkan at malulutong na murahan. Halata ang discrimination sa mga mata ng ilang makakalaro namin. Hindi siguro nila ineexpect na may makakalaro silang babae. Nilibot ko ang tingin sa buong com shop at mukhang ako lang ang babaeng naglalaro ng dota. Alam kong bihira lang ang babaeng naglalaro ng dota sa ngayon. Pero sa tingin ko, dadami na din ang mga babaeng mahihilig sa computer games. In the future.

"Ang tahimik mo naman Ten," sabi ni Chan habang nasa kalagitnaan kami ng laro at busy ang iba sa sigawan at trashtalkan. Wow. Ito yung isa sa mga dahilan bakit mas mabilis kong maging tropa ang mga lalaki. Hindi awkward. Para bang ang tatagal na naming magtotropa. Kahit na hindi ko alam kung paano nya nalaman ang pangalan ko dahil hindi pa naman ako nagpapakilala. "...para kang si Iyut—hahahaha!"

Nakarinig na lang ako ng isang malutong na 'tangina mo' sa isa sa mga kalaro namin. Sya siguro si Iyut. Natawa na lang ako nang ma-realize na sa mga ganitong pagkakataon mo maririnig ang pinakamalulutong at iba't-ibang klase ng mura. Basic? Tangina, gago, inamo, tarantado, hayop at marami pang iba. Lahat ng kaya mong maisip na mura. Tama na, nadadagdagan pa ang mga kasalanan ko. Pero pinakapaborito ko ang "Pashnea!" Napasigaw ako nang mamatay ang hero ko kaya natawa sila.

Nakita kong umiilaw ang phone ni Axl na nasa tabi lang ng computer monitor nya.

"Babe," basa ko sa caller ID nang tumatawag sa kanya.

"Bakit?" Tanong ni Axl kahit na hindi kami lumilingon sa isa't-isa at busy paglalaro. Ang ibig kong sanang sabihin eh tumatawag sa kanya yung babe nya.

"Gago," sagot ko. Hindi ko alam kung hindi nya napapansing may tumatawag sa kanya o sinasadya nyang hindi sagutin. Sabagay paano nya nga naman masasagot?

A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon