Pupunta ka sa birthday ko diba?
Napabuntong hininga 'ko matapos mabasa ang text ni Mac. Paano 'ko pupunta? Dahil best friend nya si Kion, alam kong pupunta din sya. Ang awkward naman kung magkikita kami don. Babatiin ko ba sya or papansinin? Pero kaibigan ko din naman si Mac, bakit hindi ako pupunta? Kung magkita man kami, chance ko na din siguro yon para makausap sya.
**********
Birthday greetings ang sumalubong kay Mac at kamustahan naman sakin pagdating namin sa venue. Tsaka ko lang napansin na gabi na pala dahil sa mga Christmas lights at decor dito sa resort na mga nakabukas na, ang ganda. Ang dami pa kasing preparasyon ni Mac sa bahay nila bago kami nakaalis. Sabay kaming dumating dahil nga galing ako sa bahay nila na malapit lang sa bahay ng mga tita ko kung san ako nag-s-stay dito sa Manila ngayong Christmas break. Marami kaming common friends ni Mac at isa pa since elementary ay magkakaibigan na kami kaya lagi kaming magkakasama tuwing birthday nya. At nasabi ko na bang isa sya sa mga rich kids kong kaibigan kaya bongga lagi ang celebration nya.
Habang busy ang iba pagkanta, pakikipagkwentuhan, pagkain at pakikipaglandian ay balak kong maglibot sa resort nang may iabot sa'kin si Mac. Isang lalagyan na may lamang tatlong boiled eggs. Oo, hindi chocolates, pizza or kahit ano kundi nilagang itlog.
"Favorite mo." Napangiti ako. "Tirhan mo ko ha." Tumango lang ako. Kumuha ako ng isa bago umalis sa kinauupuan ko. May natatanaw akong garden sa isang corner na may mga upuan pero lalampasan ko ang isang pool na may mag-boyfriend-girlfriend na may milagro yatang ginagawa sa gitna ng swimming pool bago ako makapunta don. Nakatalikod naman yung lalaki sa direksyon ng dadaanan ko at hindi ko naman kita yung babae dahil mas matangkad yung lalaki sa kanya kaya natatakpan sya. Kita lang ang mga kamay nyang nasa balikat ng lalaki. At buti na lang talaga ay hindi ako naka salamin at dim ang mga ilaw na may iba't-ibang kulay na nanggagaling sa garden. Hindi sila masyadong pansin.
Nagdahan-dahan akong maglakad dahil baka maistorbo ko sila. Pero hindi pa ko nakakalampas sa kanila nang mapatigil ako. Bigla akong kinabahan, sana mali ako. Parang naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Nasabi ba ni Mac na private ang resort na 'to ngayong gabi? Sana isa sya sa mga kaibigan ni Mac na hindi ko kilala. Sana hindi pa sya dumarating kasi busy sya.
Babalik na lang sana ako nang sa sobrang kaba ko yata ay biglang dumulas sa kamay ko ang nilagang itlog at gumulong papunta sa pool. Napalingon sa'kin yung mag-jowang nag─timing rin na lalong nagliwanag ang mga ilaw sa garden na kanina lang ay dim. Parang biglang ayaw gumana ng utak ko. Nagulat sila pero mas nagulat ako. Si Kion at... Bakit sya? Bakit sila?
Tangina, yung itlog nahulog!
*****
"Wait!"
"Bitiwan mo 'ko, ano ba?"
"Please, let me explain—"
"Shut up!" Kasabay ng malakas na sampal mula sa babae."Ang bobo naman ayaw muna pakinggan yung explanation! Tsk," nasabi ko at tsaka napahampas sa inuupuan ko na may nakapatong pa lang piatos kaya ayun natapon. May pinapanood kasi akong movie na isinulat ng kakilala kong writer.
"Kaya ayoko ng mga ganitong istorya e!" Pagrereklamo ko.
I chuckled. Naalala ko yung reaksyon ko nang mapanood ang scene na 'yon, so bakit ako tumatakbo ngayon? Nakakatawa. I used to hate this kind of scene... this kind of story. Dapat bang pinag-explain ko muna sya? Magpapaliwanag ba sya kahit na nakipag-break na sya sakin? Wala ng kami. Ano bang dapat kong gawin?
Ngayon alam ko na, ang cliché na scene na 'yon, alam ko na ang pakiramdam bakit sila tumatakbo, kung bakit hindi nila magawang makinig muna. Kasi... masakit. Hindi gagana agad ang utak mo, isa lang ang sasabihin nito—masakit. Sobrang sakit. At sa tingin ko, mas lalo kong kamumuhian ang ganitong istorya.
Nakatitig lang ako sa bintana ng taxing biglaan kong napara paglabas ng resort. Ang gaganda ng mga nagniningning na Christmas lights sa daan, natutuwa ako kapag nakakakita ng mga Christmas decorations, it's my favorite season. Pero hindi ko kayang lokohin ang isip ko, hindi ako masaya sa mga oras na 'to, hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. Unti-unti akong naiyak. At kasabay ng paghagulgol ko ang pagbuhos din ng malakas na ulan. What a cliché scene! Funny. I hate it.
"It's ten!" Sambit sa radyo ng taxi. Nakuha ng mga naglalakihang pulang numero ang atensyon ng mga mata ko. 10:00 PM.
"Ten o'clock in the evening! Listeners, let's have a wonderful time with our loved ones while—"
"Ten," I whispered. My world stops with my name. I smiled bitterly.
End of Christmas break.
Salamat sa malamig na Pasko.
+++
Mac
"Boss!" Tawag ko kay Ten nang matanaw na tumatakbo at nagmamadaling lumabas ng resort. San sya pupunta? Anong nangyari?! Ito na nga ba—puta!! Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Ten. "Sagutin mo boss, please." Naglakad ako papunta sa kung saan sya gaIing bago sya umalis. Hindi ko inaasahan, nasa pool yung nilagang itlog. "What—" Bigla kong nakasalubong si Kion na salubong ang kilay at siguradong galing sa pool dahil basa sya. Nagkita na sila? Tinulak ba sya ni boss? Nag-away ba—bigla ring dumating si Mari na basang basa rin at kasunod lang ni Kion. Fuck me. This is not what I'm expecting.
"Nandito sya? Dumating sya! Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin Mac?!" Pasigaw na tanong ni Kion. Gago!
"Bro..." Sinabi nya naman talagang 'wag kong sabihin kay Kion.
"Dati naman—argh!! Fuck!" Napasabunot sya sa sarili nya malamang ay dahil sa inis at galit. Tumalikod na sya at umalis para siguro magbihis at sundan si Tristen. Dapat lang, asshole! Napabuntong hininga na lang ako. Wala pa 'kong ginagawa but... I'm done.
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.