"Okay class dismissed!"
Joke lang, walang ganon. Nasitayuan na lahat matapos magpaalam ang prof namin at magsabi ng 'see you next meeting'. Humikab, nag-inat ng katawan at buto, nagtabi ng gamit sa bag kahit na wala namang gamit na inilabas, nagpabango, nag suklay, nagpolbo at nag makeup kahit na alam na bawal yan gawin dito sa computer lab, nagpaganda ang mga kaklase ko at nabahing lang naman ako ng mga anim na beses.
"Tara sa mall," aya ni Axl sa'kin dahil wala na kaming next subject at 4 pm pa lang, sabi nga nila masyado pang maaga para umuwi.
"Sama ko," sabi ni Lance habang palapit samin.
"San kayo pupunta? Sama din ako!" Sigaw ni Fritz.
"May lakad ako," sagot ko sa kanila. He-he! Nagpapasama sakin si Jorie sa isang store sa bayan, ngayon nya daw babalikan yung sapatos na nagustuhan nya para bilhin. Minsan lang ako yayain ng solo ni Jorie—
"Samahan na lang namin kayo tapos mall tayo," suggest ni Angelica. Sasama pala sya?
Napatingin na lang ako kay Jorie na sumagot na lang ng 'kayo bahala'. Akala ko pa naman kami lang.
**********
"Picturan mo 'ko!"
"Nakakahiya ka!"
"Bilis na!"Natawa ako sa view na ginawang photographer nila Fritz at Angelica si Lance habang nagtatry ng shades at hats. Nakisama pa sa kalokohan si Axl at Mike na nagsusukat din ng kung ano-ano. Hay, kawawang Lance.
"Ikaw? Wala kang bibilin?"
"Ah wala," sagot ko kay Jorie. Wala akong nakitang interesanteng bagay. Sa mga ganitong pagkakataon, minsan napapatanong ako, 'how could I have a hundred things I hate, but not have a single thing that I like?'
Isaw, betamax, mga cute na siopao asado, bugok (sometimes eggpie, minsan bulok na itlog) at pineapple juice na pinag-ambagan namin ang nakahain at nakapatong sa 20/60 at 35/70 na exam paper ni Mike. Food trip habang nakaupo sa damuhan dito sa plaza at pinapanood ang mga estudyanteng nagpa-practice mag-bartending, may mga naggigitara at magbabarkadang kumakanta at mga batang tumitira ng pandikit sa sapatos. Pero wag kang lingon ng lingon sa kung saan kung ayaw mong makakita ng R-18.
"Uy minsan McDo tayo dito," sabi ni Axl sabay tapik sa braso ko. Tumango lang ako dahil sanay na 'ko sa pag-aaya nya. Tuloy lang sya sa pagkain at pagsa-sightseeing, ganon din ako pero di ko sinasadyang mapatingin sa mga kasama namin, hindi ako komportable sa mga tingin at nakakalokong ngiti ng mga classmates ko maliban kay Lance. Iniisip na naman nila na may 'something' talaga sa'min ni Axl. Hindi na 'ko nagulat sa pag-aya ni Axl, nasanay na 'ko, ganyan talaga sya at ewan ko ba sa kanila eh hindi lang naman ako ang niyayaya ni Axl ng ganyan.
Hindi ko itatangging naging hang-out namin ni Axl ang maglaro at kumain sa mall kapag wala kami sa computer shop para maglaro. Masaya din naman, ida-dubbed namin yung mga taong nagkukwentuhan, ire-rate ang physical appearances ng makita namin at magkukwentuhan ng mga out of this world na bagay. Sa totoo lang ay inaabot kami ng ilang oras sa pagkukwentuhan ng kung ano-ano. Madalas pa nga ay 'di namin namamalayan ang oras. Pero kahit kailan ay di ko 'to nilagyan ng malisya. Walang malisya ang pagyaya nya sa'kin o kahit ang pagkakaibigan namin. Simula ng maramdaman kong magkaibigan kami, never ko 'yong nilagyan ng malisya at never kong kinuwestyon ang friendship namin. (Ulit ulit?)
Sunday. Day off. Yung iba kong classmates, umuwi sa mga bahay nila at yung iba naman ay may kanya-kanyang lakad. Gusto kong medyo linisin ang apartment namin, kahit yung kwarto namin at itong sala lang pero... gusto kong magpatugtog. Naglagay yung classmate ko ng speaker sa may sala at naisip ko na i-connect ang phone ko kung...
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.