"Okay lang yan. Ilaro na lang natin yan!" Umupo si Fritz sa tabi ko, umakbay at saka itinaas baba ang kilay habang nakatingin sakin at nakangiti ng nakakaloko. Umupo din sa kabilang tabi nya yung boyfriend nya na kasama dito.
"Pwede ba Fritz, wag mong idamay si Ten sa mga kalokohan mo—"
"Pwede ba Lance wag mong isama si Ten sa library? Nawawalan kami ng magaling na carry e!" 'Di ko na napigilang matawa, para silang angel at devil. At si Fritz ang devil, pero kahit pa bitch syang ituring ng iba, she's my friend. True friend.
"Pass." Kailangan ko pang ayusin yung documents para sa capstone project namin dahil hindi ako nakapag-focus kanina.
"What the?! May sakit ka ba?" Hinawakan ni Fritz ang noo ko para i-check kung may lagnat man ako dahil sa pagtanggi ko maglaro.
"Ah! Napaso ako." Akto ni Axl na parang napaso nang hawakan din ako.
"Nako, pa-confine ka na sa mental, Ten," sabat ni Fritz.
"Ha? Hindi naman ah," sabi ni Lance nang hawakan nya din ang noo ko.
"Alam mo Lance, lumayas ka na nga lang dito, panira ka lagi e. Ang KJ mo!" Sabay hampas ni Fritz sa braso ni Lance. Yeah, magkakaiba kami ng personalities, marami kaming madalas 'di pinagkakasunduan but we all know our boundaries. And still... we're all friends.
**********
"Wala pa ba si Axl?" I've heard that question from one of our professor for the nth time at sa totoo lang naririndi na 'ko. "Ang usapan ay 4 o'clock—e anong oras na, 4:30 na!" Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang 4:11 pa lang, tss exag. Itinext ko si Axl kung nasaan na sya, dahil isang tanong pa ng prof namin ng 'wala pa ba si Axl?' ay talagang babatukan ko na 'to, as if kaya ko.
Ibinalik ko sa pagkakasandal ang ulo ko sa upuan ng van, ihinalukipkip ang mga braso at saka ulit pumikit. Ganito kasi yung mga pose ng mga detective at feeling detective sa mga nababasa kong manga kapag nag-iisip sila. Pero ang totoo, inaantok lang talaga 'ko. Halos dalawang oras lang ang naging tulog ko, dahil 4 o'clock ng umaga ang call time namin dito sa campus ay kailangan kong gumising ng 2:30 am dahil may kabagalan akong kumilos. Ganito kaaga ang alis namin papunta sa isa sa pinakasikat na university sa Manila dahil dalawang oras ang byahe mula dito sa province namin hanggang doon. Wala akong balak umattend sa seminar na 'yon pero required daw sumama dahil graduating na kami, tss. Magandang opportunity din daw 'to para makilala namin ang mga personalidad sa cyber world at makipagkaibigan na din since maraming computer or techie students ang a-attend from different universities.
Ilang minuto na ang lumipas pero walang paramdam galing kay Axl. Hindi kaya hindi na sya sasama? Or baka tulog pa?
"Wala pa ba—"
"Andito na sya sir!"
Arigatou gosaimasu Kamisama, hindi naituloy ng prof namin ang tanong nya ng sabihin ni Lance na dumating na si Axl.
"Sorry sir, napasarap ng tulog."
'Ay nako Axl' na lang ang naging sagot ng Prof namin sa dahilan nya. Naramdaman kong may naupo sa tabi ko dito sa pinakahuling row na upuan. Umusod pa ko ng kaunti para maging komportable sa pagkakaupo.
"Ayaw kitang katabi!" Napamulat ako nang marinig ang sinabi ni Axl.
"Ayaw din kitang katabi! Lumipat ka sa kabila," utos ni Lance dahilan para lumipat sa kaliwang tabi ko si Axl kaya napaggigitnaan nila 'ko. Ang likot nila, parang mga bata.
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.