"Magpaalam ka na sa inyo na bukas ka na makakauwi."
"Ha?!" Teka, nabibingi ba ako? Tama ba ang pagkarinig ko sa sinabi─I mean sa utos sakin ni Axl. "Anong magpaalam?"
"Sabihin mo gagawa tayo ng thesis─overnight. Sunday naman bukas." Hindi ako makapaniwala, inuutusan nya ba talaga akong magsinungaling sa mga magulang ko? Anong gagawa ng thesis eh kaya ko namang tapusin ang capstone project namin mag-isa at isa pa hindi ko naman sya kagrupo. "Basta magpaalam ka na lang."
"Ayoko." Hindi nya pa nga ako binibigyan ng rason.
"Walang mangyayaring masama sayo, akong bahala sayo." Ikaw bahala, ako kawawa?
"Malapit na defense─"
"Sus maka-react, di mo naman 'to first time gagawin." Oo, hindi naman 'to ang unang pagkakataon na magpapaalam ako na mag-o-overnight kami kuno sa bahay ng classmate namin para gumawa ng walang kamatayang thesis.
"Eh─"
"'Wag ka munang mag-isip ng kahit ano, mag relax ka naman." Napatigil ako. He knows? Masyado na bang halatang marami akong iniisip na problema?
**********
Nag-overnight kami ni Axl kasama ang tropa sa isang computer shop para maglaro, kumain ng cup noodles sa balcony ng shop, manood ng mga nakakatawang videos at isang anime movie na iniyakan naming lahat at magkwentuhan na parang walang bukas. Ang pinakamasarap na parte ay kumain kami ng pandesal at nagkape sa plaza nang madaling araw. Inabot na kami ng umaga pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin kami umuuwi. Baka mamaya ay may makakita saking kakilala ko at kung ano ang isipin dahil puro lalaki ang kasama ko.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko kay Axl dahil tirik na ang araw at isa pa, inaantok na rin ako.
"May pupuntahan tayo," sagot nya kaya sinundan ko lang sila. Isinuot nya bigla sa'kin ang cap nya. Masasabi ko talagang kilala na 'ko ni Axl. Hindi ko din alam kung bakit ako nagtatago at sobrang concern sa masasabi ng iba.
Napatigil ako sa paglalakad. "Sisimba talaga tayo?" Tanong ko dahil nasa harapan nga kami ng simbahan. Linggo nga pala ngayon. Hindi ako relihiyosa tulad ng lola ko pero hindi naman ako masamang tao. Hindi ko lang lubos maisip na sisimba kami ngayon. Matapos kong magsinungaling kahapon...
"Pray all your worries." Nagulat ako sa ibinulong ni Axl. Bakit nga ba─ "Tristen masyado kang matalino para makalimutan Sya." Parang biglang na relax ang buong katawan ko, hindi ko inaasahan. Bakit ko nga ba Sya nakalimutan? Parang biglang natunaw ang puso ko sa sinabi ni Axl. Gusto kong maiyak─
"Wag kang iiyak, nakakahiya. Tara na bilis," sabay hila nya sakin papasok ng simbahan. Kahit na wala naman akong sinasabi sa kanya, how did he know that my mind is in chaos?
"Dun tayo sa medyo unahan," sabi ni Nador. Akala mo manonood kami ng movie para pumili pa ng pwesto. Kita naman tayong lahat ni Lord kahit saan umupo.
Nawala ang antok ko nang makita si Chan, bahagya akong napanganga, si Chan sakristan?! Kaya pala hindi sya sumama kagabi paglalaro. Lumingon ako sa mga kasama ko at nakitang nakangiti silang lahat. Napangiti din ako habang nakatingin kay Chan. Hindi ko alam kung taimtim talaga syang magdasal dahil nakapikit sya o iniiwasan nya kaming makita dahil baka bigla na lang syang humagalpak ng tawa. Kaya mo yan Chan!
Nakalimutan kong magpasalamat sa tropa at kay Axl kaya nag-chat ako agad pag-uwi ko sa bahay.
Ten: Axl
BINABASA MO ANG
A Coffee Story
Teen FictionThey say if it stays, then it is love. But if it ends, it's a love story. But this one, this is not a love story. It is a bittersweet story. This is... a coffee story.