Six - temptations

36 1 0
                                    


"Gusto mo?" Umiling lang ako sa tanong ni Gian at ngumiti sa alok nyang banana-q bago sumama sa mga kaibigan nya pabalik sa loob ng campus. Ang gusto ko kasi ay kamote-q. Hindi ako pala ngiti pero para bang ang light ng mood ko kay Gian kaya napapangiti ako pag kausap sya. Hindi ko din alam kung bakit. Yung para bang pakiramdam ko kay Lance.

"Nanliligaw ba sayo 'yon?" Bahagyang natulala ako sa tanong ni Iyou. Napaturo pa ako sa sarili ko kung ako ba talaga ang tinanong nya dahil parang hindi naman kami ganon ka-close.

"Bakit?" Bakit ko kailangang sagutin ang tanong nya.

"Gusto ko lang malaman." Tatanungin ko pa sana sya ng isa pang bakit pero bigla na syang tumayo at umalis. Bakit gusto nyang malaman? Sakto namang pagdating ni Fritz at ng boyfriend ang pag-alis ni Iyou. Kaya pala.


Nakatambay kami ngayon sa terrace ng computer shop sa labas ng campus.

"Lalabs," tawag ni Axl. Kanina pa sya nangungulit habang busy lang ako sa pag-aayos ng docu namin para sa thesis. Ayokong magpaistorbo dahil second to the last phase na 'to ng paghihirap ko. Ang revision. Hindi ko sya pinapansin dahil sa ginawa nyang pag-utos kay Iyou na hintayin ako noong defense day namin. "Sorry na, may pinuntahan lang akong importante." Hindi ko alam kung bakit hindi nya masabi sakin ng diretso. Hindi naman ako naiinis dahil kailangan nilang magkita ng girlfriend nya. "Sorry na"

"Pero bakit kailangan mo pang utusan si Iyou?" Tanong ko at lumingon sa kanya.

"Ha? Na ano?" Tanong nya na halatang naguluhan sa tanong ko.

"Na hintayin ako."

"Ha? Saan? Kailan? Hinintay ka nya? Bakit?" Sunud-sunod nyang tanong. Naghihintayan kami ng sunod na tanong at sagot pero sa itsura nya ay anytime ay ready na syang mang-asar. Kung di nya inutusan si Iyou, bakit...

"Nevermind. Bakit ba kanina ka pa nangungulit?"

"Di ako gagraduate," sabay sad face na hindi naman bagay sa kanya.

"Talaga," sagot ko at ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko.

"Totoo. May incomplete ako."

"Hm..." Good for you Axl.

"Samahan mo ko dun sa prof."


Napatigil ako nang marinig ang pangalan ng Prof kung saan daw sya incomplete at kinumpirma ang hula ko kung sino sya. Teacher ko din sya noong 4th year high school at 'di ko akalaing magkikita ulit kami sa College. Nagpa-part time teaching pala sya dito sa university na pinapasukan ko.

"Kaya mo na yan. Siguro mag-e-exam ka lang or may project na gagawin para sa kanya, kaya mo yan." Kilala ko ang prof na yon, mabait sya pero istrikto pagdating sa subject nya. Kahit pa minor 'to. Porke minor subject kasi binabalewala nyo, ayan tuloy. At sa pagkakaalam ko, pangatlong ulit na 'tong tine-take ni Axl. Ang Filipino.

"Ang totoo may pinagawa na syang project, kailangan ko na lang ipasa. Samahan mo na ko," pangungulit ni Axl habang tinatapik ang braso ko.

"Ayoko." Sa totoo lang, nahihiya ako sa prof na yon.

"Bakit ba ayaw mo ko samahan? Siguro may kasalanan ka sa kanya 'no?"

"Wala 'no!"

"Eh ba't ayaw mo? Sige na samahan mo na ko."

"No." Ayoko. Baka makita ko pa sya. Nahihiya ako.

"Edi failed ko na lang 'to, re-take ko na lang, next year na lang ako ga-graduate." Nasabi ko na ba kung gaano ka stubborn at idiot si Axl? Napabuntong hininga ako at saka sya nilingon. Ngiting tagumpay? "Di mo 'ko matitiis."


A Coffee StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon