CHAPTER 28

397 28 0
                                    

"Yung away niyo, naging trending sa Twitter!" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ng pinsan kong si Agatha. Ito na naman siya.

"What really happened, Ty? Hindi naman kasi masyadong detalyado ang nasa video dahil puro cut naman," ang sabi pa niya. "I just want to know kung sinaktan ka ba ng pangit na yun kasi ako na ang mananakit sa kaniya pabalik."

"Stop it, okay? Tapos na yun, at wala akong pakialam dun," inis kong sagot.

"Hindi sapat ang marealize niya na pangit siya! Dapat ipinagmumukha yun sa kaniya!"

"Pwede ba, Agatha?" napahilot na lang ako sa sintido ko. "Tapos na yun, wag mo nang patulan dahil lalala lang ang away."

"Since pinalala niya naman ang sitwasyon, bakit hindi ko na lang sagarin, diba?" ani nito. Mukhang may naisip na naman siyang kademonyohan.

"Agatha!" sabi ko sa kaniya. Kailan ba siya magbabago?

"Ano ba, Ty! Hindi ako santo para patawarin siya sa ginawa niyang kademonyohan. Hindi rin ako si Maria Clara na hahayaan na lang ang ginawa niya, at mas lalong hindi ako anghel para hindi na lang siya patulan!" Sigaw nito sa kabilang linya dahilan kaya mailayo ko ang cellphone sa tenga ko. "Sino siya para pagsabihan ang pinsan kong malandi? Okay lang na ako ang magsabi, pero siya? Wala siyang karapatan sabihan kang malandi kung siya naman ang numerong unong mas malandi pa sa mundo! Naiintindihan mo? Kaya wag mo akong pipigilan sa balak ko, baka maisipan ko pang gawin sa'yo ang kalokohan pag sinagad mo ang pasensya ko, Tyrell Lex!"

Bagsak ang balikat ko sa narinig mula sa pinsan ko. "Agatha, mas pinalala mo lang ang sitwasyon."

"Tyrell, labas ka naman talaga dito. Kung ako ang pinagsasabihan niya na malandi, matatanggap ko pa. Pero ikaw? Kakalbohin ko siya, makikita mo."

Napangiwi ako. "So, tinatanggap mo ngang malandi ka?"

"Tyrell naman!"

"Bakit? Ikaw ang nagsabi nun!" agad na sabi ko.

"Hindi naman sa ganun!"

"Ano kung ganun?"

Rinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya. "Basta, labas ka na sa away naming dalawa, okay? Hindi mo deserve masabihan ng malandi dahil hindi naman yun totoo."

"Oo na, ibaba ko na ang tawag. Bye." paalam ko. Bago pa siya makapagpaalam, binaba ko na ang tawag. Alam kong nainis siya sa ginawa ko, pero hinayaan ko na lang.

All I want is peace. Kailan ko kaya mararansan 'yon?

Napaupo ako sa kwarto ko bago malalim na bumuntong hininga. Ang daming nangyari kahapon na hindi ko na lang ikinabahala dahil hindi naman yun importante sa akin. Pagod rin naman akong umuwi kahapon at buti na lang hindi nadatnan ni Draven ang away namin ni Camillie. Ayoko ng malaking gulo, masyado akong pagod sa lahat ng nangyari sa buhay ko at ayaw ko ng dagdagan pa.

I only wanted to be happy, that's all I set out to find. I didn't have a plan other than to listen to my heart and chase my dreams. But I didn't end up where I planned to go; I did arrive exactly where I needed to be. I didn't choose to be strong—that never even crossed my mind.

Sometimes, I find my strength when being strong is my only option. I stumbled and fell flat on my face so many times that I often wondered if I should even keep getting back up. But that's just who I am. I have fire in my veins and embers in my heart, and I always will.

I don't know how to quit and I'll never stay down for long. I don't care what brings me to my knees; I will always stand back up and keep moving forward.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now