"A-Anong ibig mong sabihin? Bakit mo sinabi 'yan?" kinakabahan ako, grabi.
Huminga ako ng malalim bago ko matapang na sinalubong ang tingin niya. Kahit naiinis ako dahil sa sinabi niyang tanga at manhid ako, natigilan ako sa mga sinabi niya.
"G-Gusto mo ba ako?" Nahihirapan akong makahanap ng lakas ng loob para tanungin siya. Mukhang makapal na talaga ang mukha ko, pero wala akong pakialam. Hanggang hindi niya sinasagot ang tanong ko, hindi ako titigil.
Hindi siya nagsalita at mariin lang ang tingin sa akin.
"Bakit hindi ka makapagsalita, Draven? Ang tapang-tapang mo kanina, pero ngayon, natitiklop ka na." Huminga ako ng malalim. "Naputol ba ang dila mo dahil sa sinabi ko? Tinanong lang naman kita kung gusto mo ba ako o hindi. Simpleng 'Oo' o 'Hindi' lang yung sagot."
"Paano kung 'Oo'? Anong magagawa mo?"
Napatigil ako sa sinabi niya. Akala ko nagbibiro lang siya, pero kitang-kita sa mga mata niya na seryoso siya.
"H-Hindi ko alam." Talagang hindi ko alam. Ano bang pwedeng gawin kapag may umaamin na gusto ka niya?
Narinig ko ang malalim na paghinga niya bago siya umikot at tumingin ng direkta sa aking mga mata.
"Para kang bituin; nagniningning nga, pero ang hirap abutin. Hanggang tanaw lang kita mula sa langit." Ani niya, nagpakaba sa akin.
Teka, bakit ako kinakabahan?!
"Or maybe you're not just a star shining at night; you're a moon. A moon that's too far for me to call you mine because I'm just a wolf howling at you every night."
Napalunok ako. Parang ang puso ko ay nag-uumpisa ng tumibok ng mabilis. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. Baka pagka nagsalita ako, magtanan ko na lang ang nararamdaman kong hindi ko maipaliwanag.
Bakit parang ang dali lang ng mga sinasabi niya? Bakit parang alam na alam niya ang gagawin sa sitwasyong ito? Parang pinaghandaan na niya ito. Bakit hindi man lang siya nahiya na sabihin 'yon?
Sometimes, I don't understand him. Oo, isang buwan na kaming magkakilala, pero hindi ibig sabihin noon ay kilala ko siya ng husto. Kasi sa unang pagkakataon, hindi ko siya kilala nang mabuti. He just seems too good to be true.
"Tulala ka diyan?"
Napakurap ako ng ilang beses bago ko napatingin kay Abigail, na nakatingin rin sa akin.
Ngumiti ako ng nag-aalinlangan. Ganun na ba ka lalim ang iniisip ko? Nakalimutan ko na may kailangan pa akong tapusin at nasa harap ako ng mga kaibigan ko ngayon.
"Ah. Masyadong maraming problema. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin." Nasabi ko na lang. That's the safest answer to her question.

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomanceTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...