CHAPTER 25

424 33 4
                                    

"Hindi mo naman kailangang suklian 'yun. Sapat na sa akin na nasabi ko sa'yo, Ty." umawang ang labi ko, hindi alam kung ano ang sasabihin ss kaniya.

Mapait siyang ngumiti sa akin bago niya pinisil ang ilong niya at natatawang napatingin. Ngunit kahit na ganun, ramdam ko parin ang lungkot niya.

"Jace," tawag ko sa pangalan niya.

"Ano ka ba! Gusto lang naman eh. Ititigil ko naman kung masyado nang hassle."

Napamaang ako sa sinabi niya. Ititigil niya raw kung masyado nang hassle? Ano ang ibig niyang sabihin doon?

"Gusto kita, Tyrell, matagal na. Nakakatawa nga eh, dahil ang tagal ko nang nahuhulog sa'yo, pero hindi rin naman ako umaasang sasaluoin mo." Mapait na sabi niya. "Matagal na akong nagbakasakaling lumingon ka sa akin at tignan mo ako gaya ng pagtingin ko sa'yo."

"Jace, I didn't know," nauusal ko na lang.

"Ano ba! Parang gago naman! Syempre hindi mo alam kasi inakala mong kaibigan lang rin ang tingin ko sa'yo."

"Pero dapat naramdaman ko, diba? Kasi—"

"Naging manhid ka, Tyrell. Oo, pero hindi ka naman tanga, eh no?" Natawa siya. "Ikaw, gusto kita. Ramdam ng iba, ngunit hindi mo ramdam. Ganon ka kamanhid. Pero, hindi ka naman tanga para hindi isiping baka posibling may gusto ako sa'yo, diba?"

Hindi ako sumagot kasi tama siya. Minsan ko nang inisip ang bagay na yun. Maraming "paano" sa utak ko noon. Paano kung mahulog ako kay Jace? Paano kung hindi ko talaga masyadong kilala si Jace? Paano kung matagal ko na palang gusto si Jace ngunit hindi ko lang maamin? At isa na dun ang kung paano pala gusto ako ni Jace? Ang dami, pero itinigil ko na lang ang pag-iisip tungkol rito.

Dahil natatakot akong aminin, natatakot na baka mawala ang pagkakaibigan namin.

"Diba?" Ulit niya. "Pero kung hindi nga nasagi sa isip mo 'yun, eh di hindi ka lang manhid; tanga ka pa."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya, pero tumawa lang siya.

"Minsan ba, naisip mong gustohin ako?" tanong niya bigla na nagpatigil sa akin. "Minsan ba, Tyrell, sumagi sa isip mo na subukang gustohin ako? Minsan ba, pumasok na sa isip mo na baka gusto mo ako? O baka ako lang ang nakaisip ng ganung idea?"

Umiling ako. Kasi totoo naman, hindi naman talaga sumagi sa isip ko na gustohin siya.

"Ouch, sakit pucha."

"Yung unang tanong at dalawang tanong, hindi sumagi sa isip ko, pero sumagi naman sa isip ko na baka gusto na pala kita, pero di ko lang maamin sa sarili ko. Baka hindi ko lang matanggap na nagustuhan kita dahil natatakot na mawala ang pagkakaibigan natin," pagpapaliwanag ko.

Maliit siyang ngumiti sa akin.

"I guess I'm already late," nahihiyang sabi niya. "But I'm glad that you will choose a guy who can make you feel you deserve."

I chuckled. "Wala pa nga, excited ka pa naman."

"Seriously? I know you very well, Tyrell. I know if you fall for or like someone, you may not be like others who always deny their feelings for a guy. Pero ikaw, you're a girl who always accepts everything but remains calm at the same time."

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Alam kong gusto mo na si Draven. Alam ko na sa sarili ko, kahit anong laban ko pa sa nararamdaman ko sa'yo, siya pa rin ang pipiliin mo," dagdag niya.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now