CHAPTER 34

363 26 32
                                    

"Is it legit? Hindi ka ba nilalagnat?"

Napatawa ako sa sinabi niya, sabay yakap sa kanya. Hinigpitan niya ang yakap, dahilan para hindi mawala ang ngiti ko.

"You really love me, right?" tanong niya ulit, seryosong nakatingin sa akin.

I chuckled. "Did you just doubt my love for you?" biro ko, saka kumalas sa yakap niya.

Nanlaki ang mata niya at sunod-sunod na umiling, parang batang pilit na pinapawalang-sala ang sarili.

"No! It's not like that. It's just too good to be true, that's why," mabilis niyang paliwanag.

Ngumiti ako, saka hinalikan siya sa pisngi. Halos manlaki ang mga berdeng mata niya sa gulat, at natawa ako nang malakas sa reaksyon niya.

"Cute," bulong ko.

"Now, it's me who will doubt your love," sabi ko, seryosong nakatingin sa kanya. Napakurap siya nang ilang beses bago napabuntong-hininga. Yumuko siya, at nagtagal bago sumagot. Akmang babawiin ko na ang sinabi ko nang tumingin siya sa akin nang diretso—seryoso pero puno ng emosyon ang mga mata niya.

Ngumiti siya nang dahan-dahan, matamis. "Love is too weak a word for the way I feel."

We are all waiting for fresh starts—hoping for new beginnings, clinging to the idea of drawing new chapters in our lives. Yet deep down, we are terrified of the very beginning we wish for.

We are afraid of leaving our comfort zones, of failing again, of reliving feelings we despise. But more than anything, we fear the things we might lose—the people we may let go of. When new paths open, others inevitably close. That's the most terrifying truth of all.

But the scariest question is: are we ready to let go?

For me, the answer has changed—from no to yes. Because of him, I've learned there's nothing wrong with holding on to someone again, even after everything that's happened.

"Bakit ang tagal niyang magising, Kuya?" tanong ko habang nakatingin sa aming ama na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Kakapasok ko lang sa kwarto, at iyon agad ang sinabi ko.

"Let's just pray he wakes up, Lex," sagot ni Kuya.

"Ang tagal na, Kuya!" reklamo ko, may halong inis. Napaangat siya ng tingin sa akin, walang emosyon sa mukha, saka ibinalik ang tingin sa mga papel na nakapalibot sa kanya.

"I'm tired, Lex. Stop arguing with me right now."

"Then stop killing yourself with all that studying!" sigaw ko.

Umiling siya. "I can't. Go home, Lex."

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa kanya, nasasaktan sa lahat ng nangyayari. Gustuhin ko mang umiyak, parang bato na ang mga luha ko—ayaw nang lumabas. Gusto kong sumigaw, magtanong sa Diyos kung bakit ganito ang buhay ko.

As someone struggling with mental health, I wake up every day feeling heavy. It's hard to distinguish whether it's sadness or emptiness. Just getting out of bed is a battle.

I sat beside Papa's hospital bed, silently watching his face. He looked so peaceful, pero alam kong nasa gitna siya ng laban—isang laban na hindi ko alam kung paano siya matutulungan.

"Kuya, paano kung hindi na siya magising?" tanong ko, halos pabulong.

Sandaling tumigil si Kuya sa pagsusulat ng kung anuman ang iniintindi niya. Hindi siya agad sumagot, at ramdam ko ang bigat ng tanong ko sa katahimikan ng kwarto.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now