TRIGGER WARNING: VIOLENCE
"Paalisin mo yan dito." galit kong sabi.
Ang masayang ngiti ng lalaki ay unti-unting nawawala ng ituro ko siya at hindi man lang pinansin dahil ang buo kong atensyon ay nasa mama lamang.
"Tyrell! Wag kang bastos!"
Napataas ang kilay ko. "Ako? Bastos? Gayong ikaw naman ang nagdadala ng lalaki sa bahay ni Papa. Sino sa atin ang bastos ngayon?"
"Wag mo akong ginagalit, Tyrell! Mag-sorry ka sa Tito Aron mo!"
"Bakit ko naman gagawin yun?"
Natawa siya ng sarkastiko bago niya ako dinuduro. "Yan ba ang tinuro ng teacher mo sa'yo? Ang maging bastos, ha?!"
"Bakit mo pinapasa ang kasalanan mo sa mga teacher ko? Wag mo akong pagalitan na para bang may ginawa kang tama simula nang na-hospital si Papa." Tinapik ko ang kamay niya. "At wala kang karapatan na duruan ako na para bang hindi mo rin kami, si Kuya at si Papa, binabastos."
But as I got older, I realized something. It's exhausting to live your life for someone else.
To twist and contort. To dull and minimize. To bend and bend and bend on the verge of breaking just to fit what you think someone else wants you to be.
Only to have to start all over again when the next set of eyes decides they don't like what they see.
"You okay?"
Nangatog ako ng tingin at nakita si Draven na nasa harapan ko. May hawak pa siyang folder na hindi ko alam kung ano ang laman at nakasabit ang bag sa kabilang balikat.
I answered him, "I'm fine."
Nakatitig siya sa akin ngunit agad na nag-iwas ng tingin at umupo sa harapan ko. Nilapag niya ang folder sa harapan.
"Anong laman niyan?" Tanong ko sa kaniya bago ko kinuha at binuksan, ngunit agad ko rin itong sinara dahil wala akong naintindihan.
He laughed because of what I did. "That's all about business works and staff," he answered.
"You want to be a businessman?" gulat kong sabi.
Nawala ang ngiti niya ngunit agad rin niyang pinalitan ng maliit na ngiti kaya bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Bakit? May problema ba?"
Nagiwas siya ng tingin. "Maybe I will be a businessman someday," mahina niyang sabi ngunit halatang napipilitan lang sabihin yun. "What are you doing, by the way? Kanina ka pa nakatulala dito sa waiting shed."
"Marami lang iniisip." Napalabi ako dahil sa sinabi ko.
"Talaga? Why do you look... wasted?" Mahina ngunit maingat niyang sabi.
"H-Huh? Baka pagod lang sa school!"
Ayan na naman ang mga berdeng mata niya na nakatulalang natitig sa akin na tila ba malalim ang iniisip ngunit agad na nag-iwas ng tingin pag natatauhan.
"Anyway, I'm sorry if I said something that offended you last time."
"Oh that? It's okay; nabadtrip lang talaga ako dahil nawala yung kilig sa pick-up lines ko." Natawa pa ako dahil sobrang baba ng rason ko. "Sobrang childish ko ba? Sorry, meron ako nung araw na yun eh. Madali lang mabadtrip."
Napatango-tango siya. "I understand, and again I'm sorry."
"Wala na yun! Ano ka ba!"
Magsasalita na sana siya ng may tumawag sa kaniya, dahilan para sabay kaming mapatingin sa pinanggalingan ng boses, ngunit napairap na lang ako nang makita kung sino ang papalapit sa amin.

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomanceTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...