"Gising ka na pala. Akala ko hihintayin mo pa ang katok ko." bumungad ang mukha ni Jace nang buksan ko ang kwarto, ang kamay niya ay akmang kakatok sa pinto.
"Nakakahiyang paghintayin si Tita," nasabi ko na lang.
Binaba niya ang kamay niya. "Oh, dapat lang, dahil siya pa naman ang nagluto."
Maliit na akong ngumiti sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto at naglakad pababa, kasunod niya.
Pagkatapos akong kausapin ni Teacher Daisy, lumabas na ako at tahimik na naglakad pauwi. Gaya ng dati, pagkatapos ng school ay umuuwi ng bahay, kahit gusto ko sanang pumunta sa ospital, hindi ako pinayagan ng kuya ko.
Gusto kong magalit sa kaniya, pero hindi ko kayang gawin ito dahil baka nga tama siya. Baka kailangan kong unahin ang pag-aaral ko.
Nung papauwi ako, nandoon na si Tita, ang mama ni Jace. Nakatayo siya sa harap ng gate at nang makita niya ako, agad niya akong inanyayahang matulog sa bahay nila. Sa una, ayaw ko dahil kaya ko naman ang sarili ko, pero pinilit niya ako kaya kahit nakakahiya, hindi na lang ako umangal.
Nang dumating kami sa kanilang bahay, nakipaglaro sa akin ang kambal, at hindi ko na tinanggi dahil gusto ko munang mawala ang mga pag-aalala ko kay Papa, kahit pansamantala.
Pero kahit ganun, wala paring pinagbago sa takbo ng buhay ko. Paulit-ulit na lang at nagsasawa na ako.
"Wala ka bang practice sa volleyball mo, Ate Ty?" tanong ni Jail.
Napatigil ako sa pagtatahi at tinignan siya. Nakababa ang binurdang tela at nakatingin siya sa akin, naghihintay ng sagot.
"Hindi kami nakasama. Mga college student ang maglalaro sa next competition."
"Astig rin ng school niyo, no? Every grade level may maglalaro sa mga laro kung may competition na sinalihan ang school."
Napailing ako. "Hindi rin, dapat nga hindi na kasama ang mga college kasi dagdag oras lang nila 'yan. Hindi nga nila kayang i-balance ang oras nila, mas lalo silang ma-stress niyan."
At makikita mo na lang sa Facebook na magpo-post sila ng mga nas-stress na sila sa academic works. Hindi lang college students ang gumagawa niyan kundi pati ang ibang grade level. Ibang klaseng estudyante.
"Kung hindi na nila kayang i-balance ang oras nila, bakit sumali pa sila?"
"Aba, ewan ko, malay ko sa kanila," sabi ko kay Jail.
Pinagpatuloy ko ang pagtatahi hanggang matapos ito. Nagpaalam ako kay Jail na uuwi na muna ako upang maglinis ng bahay, at hindi niya rin naman ako pinigilan.
Nang naglalakad ako papuntang bahay, napatigil ako nang makakita ng isang bulto ng taong nakatayo sa gate.
Bumukas ang labi ko nang makilala ko kung sino ito at nilapitan ko siya. "Drav! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya habang papalapit.
"Ty, hindi mo sinasagot ang tawag ko," mahina niyang sabi.
Napatigil ako at kinapa ang sarili ko. Hindi ko na maalala kung saan ko nga ba nilagay ang cellphone ko at naisip ko na lahat ng gamit ko ay nasa guest room sa bahay nila Jace.
"Sorry, nalimutan ko ang cellphone ko sa bahay nila Jace."
Nawala ang ngiti niya sa hindi ko malamang dahilan. "So? Ahm..." Nakita ko ang pagalinlangan sa mga mata niya. "Bakit walang tao sa bahay niyo?"
Natigilan ako sa sinabi niya. "Diba alam mo naman?"
"What I mean is, saan si Thrion? Yung mama mo?"

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
Storie d'amoreTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...