CHAPTER 20

585 41 0
                                    

"Aalis kami para sa debate na gaganapin bukas," sabi ko, may pagalinlangan.


Napatigil sila sa pagkain nang ianunsyo ko ang pagalis ko bukas. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba habang tahimik nilang minamasdan ako, para bang kinikilatis ang pagkatao ko.


"Kasama ba si Jace diyan sa debate na 'yan?" tanong ni Mama.


Pinagmasdan ko ang mukha ng aking ina at naisip ang nakita ko kahapon. Hindi ito nawala sa isip ko pagkauwi ko. Parang isang bomba na handang sumabog sa harap ko ang nakita kong lalaking kasama ng aking ina, at tila naglambingan sila sa harap ko na parang isa silang masayang mag-asawa. Napakatindi ng sakit nun para sa akin.


"Hindi po..," naging mahina ang boses ko bago ako lumunok, dahil pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. "Ako lang po kasi ang napili."


"Aba eh, bakit mo lang ngayon sinabi sa amin 'yan, Tyrell? Hindi mo man lang sinabing may debate kang sasalihan." matigas na sabi ni Papa, na nagpaiwas sa akin ng tingin sa aking ina.


"Sasabihin ko naman po, kaso halos hindi ko na kayo gaanong nakikita sa bahay," sagot ko kay Papa sa may paggalang na boses.


To be honest, totoo naman. Maliit lang kami sa bahay, apat lang kaming nakatira. Pero pakiramdam ko, ang layo nila sa akin dahil sa hindi ko sila madalas makita sa loob ng bahay.


Pilit kong iniintindi ang sitwasyon nila, ngunit nangibabaw sa isip ko ang pagbabago sa aming pamilya. This is not us anymore, this is not my family anymore. Parang palaging bumabaon sa akin ang lungkot tuwing wala sila sa bahay pag-uwi ko at walang nagkukumusta sa akin pagkabukas ko ng pinto galing sa pag-aaral.


I love my family, but this house doesn't feel like a home to me anymore.


Nakita kong natigilan sila sa sagot ko bago mabilis na nakabawi. Malungkot na ngumiti sa akin si Papa.


"Sensya na anak ha? Kailangan kasing kumayod ni Papa."


"Naiintindihan ko po 'yun, Pa." Iintindihin ko na lang kahit pagod na pagod na ako kakaiintindi sa kanila, pero hangga't kaya ko, kakayanin ko.


"Pero, Tyrell, sa susunod, magsabi ka ha? Hindi yung ginugulat mo kami," ani ni Mama sa akin na hindi ko binalingan ng tingin.


I bowed down my head and sighed silently, hoping they wouldn't notice how disappointed I was with them. To my family. Is this what a happy family means? Because I never feel happy anymore. Siguro kasi ubos na ako at pagod na pagod na sa pag-intindi sa kanila.


I know how to understand, but not all the time. I also get tired.


"Tyrell, are you listening?"


Nabalik ako sa huwesyo ng hawakan ni Kuya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako ng may pag-aalaala. Huminga ako ng malalim bago tumango sa kaniya kahit hindi ko na alam kung ano ang sinabi niya kanina pa.

My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)Where stories live. Discover now