"Tyrell, anak? Halika kay papa."
Hindi agad ako nagdalawang isip at lumapit sa kaniya. Pinakandung niya ako bago niya ako niyakap ng sobrang higpit.
I'm daddy's girl. Ika nga nila, saktan mo na lahat, wag lang ang babaeng tatay ang haharap.
Kaya sa tuwing may nagtatangkang umaway sa akin, isinusumbong ko agad kay papa. Si papa kasi ang palaging nandiyan sa akin, palaging nalalapitan kahit minsan napakahigpit niya. Si papa kasi ay superhero na ang tingin ko sa kaniya, kaya sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan, nasasaktan ako.
Hindi ko man sinabi sa kaniya ng direkta na mahal ko siya, alam kong ramdam niya. Alam kong masaya na siya at okay na sa kaniya na iparamdam kong importante at mahal na mahal ko siya.
"Ano po 'yun, papa?" nakatingin ako sa bintana na nasa harapan ko. Lulubog na naman ang araw, at ang ganda nitong pagmasdan.
"Kapag wala na si papa... palagi mong tandaan na hindi ginusto ni papa na iwan ka, ha? Mahal na mahal kita, anak... yan ang tatandaan mo."
Pitong gulang pa lamang ako ng sabihin niya sa akin iyon, at kahit sa murang edad alam kong wala talagang bagay na permanente sa mundo; lahat nagbabago at lahat mawawala.
"Bakit ka po mawawala, papa?" nangunot ang noo kong nilingon ang papa ko.
Maliit siyang ngumiti. "Basta't tandaan mo... pag nawala ang papa mo, wag kang sumuko sa buhay, ha? Laban lang ng laban!"
Kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya, ngumiti na lamang ako ng maligaya. "Laban lang ng laban!"
Sa murang edad ko, natutunan kong lumaban at tumayo, natutunan kong maging malakas at hindi pumatol sa mga kapwang hindi marunong rumespeto.
Kaya hindi ko lubos maisip kung paano kung iwan niya ako dahil pagod na siya? Paano kung oras na niya? Paano kung kunin na siya sa akin gayong kailangan ko pa siya? Natatakot ako. Natatakot na baka mawala ang superhero ko na nagliligtas sa akin.
"Surrender to the hurts that follow you through this life..." Seryoso siyang tumingin sa akin, nakapatong ang dalawang siko sa lamesa habang nagsasalita. "... face them and grow beyond them."
"Your psychiatrist... you may know what I feel, but you don't know what I've been through."
Maliit siyang ngumiti sa akin bago napasandal sa sandalan ng upuan, umiwas ng tingin bago bumuntong hininga. Akala ko'y hindi na siya magsasalita, ngunit nagkakamali ako.
"I don't know about you, but some of the hurts I have experienced so far have been on repeat." Bumaling ang tingin niya sa akin. "Sure, they may look a bit different each time I encountered them, but at the core, I was facing some of the same things over and over. Ignoring them didn't help; they would go away for a while only to present themselves again in a slightly different way. Eventually, I found myself asking and I want to ask you about that."
Hindi ako nagsalita.
"What can you do that's different this time?" tanong niya sa akin na nagpabigla sa akin.
Wala sa sariling napasagot ako. "Well, I could face it..." Nagaalangan akong sabi, hindi alam kung tama ba ang nasagot ko sa kaniya.
Tumatango siya, tila ba sang-ayon din siya sa sinabi ko. "That was also what I did. That was something different."
"Still, you hurt more... mas lalo kang nasasaktan." Napangiti siya sa sinabi ko, ngunit hindi naman niya pinansin ito at nagpatuloy.
"You know what? When I did that, things began to change." Napataas ako ng kilay. Of course, things will change if you face your problem, your battle alone.

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomanceTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...