"Lex, you should rest," umiling ako.
Nakatulala lang ako habang hinihintay lumabas ng doktor mula sa kwarto. Subrang lakas ng tibok ng puso ko at mababa ang mga paghinga. Nagdarasal ako sa Maykapal na sana maging maayos ang pagkaka-opera kay papa.
"Come on, Lex, papa will never be happy if he saw you like that," sabi ni Kuya Thrion.
Umiling ako. "Maghihintay ako ng resulta, Kuya."
Gustohin ko mang magtanong kung bakit may sakit si papa, hindi ko magawa. Gusto ko rin itanong kung ano ba talaga ang sakit niya, ngunit hindi ko kaya.
"Papa is strong, Lex," pagpapalakas-loob niya sa akin.
"Kaya nga maghihintay ako."
Hindi na siya sumagot at tinabihan na lang ako sa pagkakaupo sa harap ng kwarto kung saan siya inoorasan. Napakuyom ko ang kamao ko at yumuko, pinikit ang aking mga mata, nanalangin na sana makakasama ko pa si papa ng matagal. Humihiling sa Maykapal na kung ano mang sakit ni papa ay malalampasan niya.
"He already has that illness, Lex," basag niya sa katahimikan.
Napangat ang ulo ko kay Kuya Thrion na nakatingin lang sa harapan bago ito napatingin sa akin.
"He didn't tell you about that because he didn't want you to worry about him," pagpapatuloy niya.
"S-Sa tingin niya ba hindi ako m-magaalala ngayon?" Basag kong boses na tanong.
"I'm sorry."
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.
"He thought that it would never come to the point that he needed to go to the operating room," sabi ni Kuya Thrion habang tinitingnan ko ang orasan.
Bakit ang tagal ng oras? Sabi nila, mabilis umikot ang oras, pero bakit ngayon ay pakiramdam ko ang bagal nitong umikot?
I have been running all my life, but why do I still feel like I have reached nothing?
Hindi ko alam kung bakit ang mga taong naging mabait sa mundo ay sila pang unang kinuha, habang ang mga taong masasama ay tila sila pa ang may mahabang buhay na natitira. Mga taong kahit kailan walang kasiguraduhan at walang pananalig sa Kaniya, mga taong iba ang tinahak na buhay sa mundong ito, ang mga taong higit na mas masama pa—sila ang mga taong mahaba ang buhay sa mundong ito.
Ayoko lang dumating sa puntong kailangan ko pang maging masama para humaba ang buhay ko.
"Ty! Kung balak mong sumunod kay Tito, wag ka na talagang magpakita sa akin," sabi sa akin ni Jace nang ilayo ko ang plato na may laman na pagkain.
"Umiisik ako," sagot ko.
"Tyrell, successful naman ang operasyon ni Tito, diba? Hintayin na lang natin na gumising siya." Umupo si Jace sa harap ko. "Kaya imbis na madepress ka kakaisip diyan, bakit hindi mo na lang isipin ang kapakanan mo sa ngayon? Kailangan mong umusad, Ty."
Napaangat ang ulo ko mula sa pagyuyuko at tinignan ang kaibigan ko na ngayo'y maliit na ngumiti sa akin.
"Hindi sa lahat ng bagay ay kailangan mong tumigil sa isang sitwasyon na akala mo mawawala pati kinabukasan mo. Sure, you may stop, but only for a few minutes, and after that, you will start walking the path that you have chosen. Hindi mo kailangan tumigil ng ilang araw sa isang bagay na kahit gaano pa ito ka-importanteng."
Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa bago niya ito hinawakan ng mahigpit. "Kailangan mong umusad, Tyrell. Dahil kahit anong tigil mo at kahit anong gawin mo sa isang sitwasyon, wala paring magbabago. Nasa Kaniya parin ang desisyon; wala sa'yo."

YOU ARE READING
My Ex-Boyfriend Is My Professor (New Version)
RomanceTyrell, an architecture students struggles to move on from past that hurt and hunt her but still deeply missed. Just as she try to forget, fate unexpectedly brings the person back into her life-Draven, her first love and forcing them to confront unr...