Prologue

88 8 0
                                    

"What?!" 'Yan ang sabay na sigaw nina Monica, Cai at Ameur nang malaman nila kung sino ang killer. 'Yan ang reaction nila na para bang hindi makapaniwala nitong tumatawag sa kanila.

Nagimula na ngayong kumalabog ng napakalakas ang puso ni Cai dahil sa labis na kaba na nadarama. Kumakalabog na ngayon ng napakalakas ang puso ni Cai na para bang gustong gusto na nitong kumawala mula sa kanyang katawan.

Habang si Ameur naman ay nagsisimula na ring manindig ang kanyang mga balahibo sa kanyang katawan at kitang kita ang paninindig ng kanyang mga balahibo sa bandang likod ng kanyang leeg.

Si Monica naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nagsimula nang pagpawisan ang kanyang noo ng mga malalamig ng butil ng pawis. Pinagpapawisan si Monica ngayon ng mga malalaking butil ng pawis.

"B-Bakit siya pa? G-Grabe hindi ako makapaniwala." Nauutal na sabi ni Cai na ngayon ay may nanlalabo nang paningin dahil sa mga namumuong mga luha sa kanyang mga mata.

"T-Totoo ba 'to? Gosh! Tinuring natin siyang parang hindi na iba sa atin tas malalaman nalang natin na siya ang pumatay sa mga taong nasa ating palibot. Malalaman nalang nating siya ang may kagagawan ng lahat ng mga masasamang nangyari ng mga mahal natin sa buhay?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Ameur. Pinangingilabutan man ngunit hindi nito maiwasang mapalitan ng galit ang takot na nadarama.

Pagkatapos no'n ay sabay na napatingin sina Cai at Ameur sa ina ni Mac na si Monica. Kasalukuyan nang nag-uunahan na sa pagbagsak sng kanyang mga luha sa kamyang pisngi.

"B-Binigay naman namin ang lahat sa kanya ah. S-Saan ba kami nagkulang? S-Sa lahat ng pwedeng maging killer bakit siya pa? B-Bakit siya pa na..."

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon