Chapter 18

7 0 0
                                    

Kasalukuyang katatapos lang nilang mag-agahan at ngayon ay kasalukuyan nang nandito sina Cai, Mac at baby Kwen sa kwarto nina Cai at Mac. Kasalukuyan itong seryosong nag-uusap at tila may pilit na inuusisa sina Cai at Mac kay baby Kwen.

"Baby Kwen, may tanong lang naman sana kami sa'yo. Kanina pa lang kami paligoy-ligoy pero hindi ka pa rin nadudulas at hindi pa rin namin nalalaman ang mga sagot sa katanungan na nasa aming isipan ng kuya Mac mo. Pwede bang magtanong?" Nakangiting sabi ni Cai.

"Hindi ka pa po ba nagtatanong sa lagay na 'yan, ate Cai? In fairness ah. Nakakahawa na rin pala ang pagiging boplaks mo, kuya Mac." Pamimilosopo ni baby Kwen kay Cai.

Kaya naman ay napahinga nalang si Cai ng isang malalim na buntong hininga.

"Ahmm... K-Kailan mo lang ba 'to nalalaman, baby Kwen? Be honest." Tanong ni Cai kay baby Kwen.

Kaya naman ay agad na napakunot ang noo ni baby Kwen.

"Ang alin po ba ate?" Nakakunot noong tanong ni baby Kwen kay Cai.

"Ahmm... I m-mean y'ong tungkol kina ate Phena at kuya Ximen saka kina ate Ameur at kuya Rule mo. Y-Y'ong ginagawa nilang pagm-make love." Nauutal na sabi ni Cai.

"H-Huh? Akala ko po ba nagrorole play lang po sila no'n? Hindi po pala 'yon part ng subject ninyo? Kasi sabi po ni ate Phena na kapag nasa high levels na daw sa school ay may sex education na." Sabi ni baby Kwen na napakainosente sa kanyang mga pinagsasabi.

Kaya naman ay agad na napailing-iling si Mac.

"Hay, nako! Baby Kwen, 'wag ka nang lumapit kay ate Phena mo. Bad influence 'yon. Hindi tama y'ong mga pinagtuturo niya sa'yo." Pangangaral ni Mac.

"Ahh, okay po. Pero kokompletohin ko lang po y'ong tasks ko hanggang level ten." Nakangiting sabi ni baby Kwen.

Kaya naman ay napairap nalang si Cai dahil sa isiping tila naaadik na si baby Kwen sa mga kabaliwang pinaggagawa ni Phena.

"S-So, w-wala na tayong mapapala kay baby Kwen. Didiretsohin nalang ba natin sila?" Nauutal na tanong ni Cai.

"Hindi, alam kong may alam si baby Kwen. Baby Kwen, be honest. Ano ba talagang alam mo tungkol kina ate Phena mo? Nakikita mo ba silang nagm-make love?" Tanong ni Mac kay baby Kwen.

Tila bakas na bakas sa mga mata ni Mac ang pagiging seryoso nito. Kaya naman ay agad na napalunok ng ilang ulit si baby Kwen.

"H-Hindi po. Y'ong role play lang nila sa tent y'ong narinig ko y'ong mga boses nila. Dubbing po ba ang tawag do'n, kuya?" Nakakunot noong tanong ni baby Kwen.

Kaya naman ay agad na napahugot ng isang napakalalim na buntong hininga si Mac.

"Hindi. Okay, seryoso na 'to. Baby Kwen, may jowa si ate Phena mo st si kuya Rule mo 'yon. Pero narinig mo naman na boses ni kuya Ximen mo y'ong narinig mo sa pagm-make love ni Phena do'n sa tent. Tapos may jowa rin si ate Ameur mo at si Ximen 'yon. Pero ang narini..." Hindi na tuluyan pang narinig ni baby Kwen ang inasabi ni Mac nang biglang...

"Ano ka ba, Mac?! Ayaw mong tunuturuan ng mga ganyang bagay ang bata tapos ikaw naman ang nagtuturo ng mga ganitong bagay. Ayaw mong tinuturuan ni Phena pero ikaw tinuturuan mo ng mga ganyang bagay si baby Kwen! Edi parang wala ka na ring ipinagkaiba kay Phena!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Cai habang ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa magkabilang tainga ni baby Kwen.

"P-Pero..." Hindi na natuloy ni Mac ang kanyang sasabihin nang biglang may sinabi si Cai.

"'Wag ka na nga magdahilan!" Sigaw ni Cai.

"O-Okay, fine." Nauutal na sabi ni Mac habang ang kanyang mga kamay ay nakataas na tila senyales ng pagsuko.

"Baby Kwen, be honest. Please, sabihin mo ngayon sa amin ang lahat na nalalaman mo." Sabi ni Cai na bakas na bakas na ngayon sa kanyang mga mata ang pagmamakaawa.

"W-Wala po eh. Sorry po. Wala po talaga akong alam." Nauutal na sabi ni baby Kwen na may nanlalabo nang paningin dahil sa mga namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Baby Kwen, 'wag kang umiyak." Sabi ni Cai at pagkatapos ay kaagad na niyakap ng napakahigpit si baby Kwen st pagkatapos ay doon na nagsimulang magsibagsakan ang mga luha ni baby Kwen sa balikat ni Cai

"S-Sorry po sa inyo, ate. W-Wala man lang po akong maitutulong sa inyo. S-Sorry po talaga. H-Hindi na po talaga mauulit. Sa susunod po ay promise na po talaga. B-Babantayan ko na po sina ate Phena. S-Sorry na rin, kuya Mac. F-Feeling ko po tuloy, napaka useless ko na bata." Nauutal na sabi ni baby Kwen na patuloy pa rin sa pangingilid ang kanyang luha.

"Don't be sorry, baby Kwen. Look, napakarami mo nang napasaya. Napasaya mo kami ni ate Cai mo. Actually, hindi lang kami. Kundi pati na rin buo nating pamilya, y'ong extended family natin na sina ate Phena mo." Sabi ni Mac bilang pagpapakalma kay baby Kwen.

Pagkatapos ay agad na niyakap ng napakahigpit si baby Kwen.

"H-Hindi po kuya eh. Hinding hindi ko po mapapatawad y'ong sarili ko. Nanunumpa pa naman po kami sa girl scout na 'On my honor, I will try to serve God and my country, to help people at all times, and to live by the Girl Scout Law.' Kaya kuya Mac, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko! Waaaaaaahh!!!" Sabi ni baby Kwen na nakagirl scout sign pa.

Pagkatapos ay agad na umiyak na parang batang inagawan ng laruan.

"Baby Kwen, hayaan mo na. To serve God naman pala eh. Saka hindi naman to discover chismis. Kaya hayaan mo na." Mahinahong sabi ni Mac.

Kaya naman ay agad na napatigil sa pag-iyak si baby Kwen at kaagad na napatingin kay Mac.

"Oo nga pala no?" Tanong ni baby Kwen at pagkatapos ay agad nang pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga palad.

Agad namang tumango-tango si Mac.

"Tsss. May pinagmamanahan pala talaga 'tong si baby Kwen kahit na adapted lang. Delikado 'to, nakakahawa na pala ang kaabnoyan." Sabi ni Cai sa kanyang isip at pagkatapos at napairap nalang.

Boooogsh!

Booogsh!

Boooogsh!

'Yan ang tinig na kaagad na pumukaw sa kanilang atensyon. Agad na nanlaki ang mga mata nina Cai, baby Kwen at Mac. Nanlalaki na ngayon ang kanilang mga mata dahil sa labis na gulat na nadarama.

Nanlalaki na ngayon ang kanila g mg mata dahil sa kanilang mga narinig na mga tunog na 'yon. Nanlalaki na ngayon ang kanilang mga mata na para bang halos luluwa na ang kanilang mga mata mula sa kanilang katawan.

"A-Ano 'yon?" Nauutal na tanong ni baby Kwen.

"Tingnan mo sa labas, baby Kwen! Baka kung ano ang nangyari!" Natataranta nang sigaw ni Cai.

"Sige po! Girl Scout Leader of Tiger Patrol Honey Mariah Kwen Mondares to the rescue!!!" Sigaw ni baby Kwen na nakadarna pose pa at pagkatapos ay agad nang tumakbo papunta ng pintuan.

Pagkasara na pagkasara ni baby Kwen sa pintuan ay kaagad na nilock ni Cai at Mac ang kwarto.

Pagkatapos ay agad na nagkatinginan sina Cai at Mac. Pagkatapos ay agad itong sabay na humagalpak ng tawa.

Knock!

Knock!

Knock!

"Waaaaaaahhh!!! Kuya, ate!!! Niscam nyo lang naman ako eh!!! Waaaaahhh!!! Buksan nyo naman po ang pinto ate!!!" Sigaw ni baby Kwen habang kumakatok sa pintuan ng kwarto.

"Whahahaha! Bahala ka riyan!" Sigaw ni Mac at pagkatapos ay muli nanamang bumulalas ng tawa na sinabayan rin naman ni Cai.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon