Matapos no'ng intense at napakainit na naganap sa kanila ni Rule at Ameur ay mapayapa naman silang nakapagbihis at ngayon ay kasalukuyan nang nandito ang buong magbabarkada kasama sina baby Kwen at ang mon at dad ni Mac sa kanilang grassfield.
Kasalukuyan nilang dinaos ang kanilang nakaugaliang tinatawag na bonfire. Kasalukuyang nakasquat ang mga magbabarkada habang nakatayo naman sa harapan ng lahat ang mom at dad ni Mac.
Kasalukuyang nasa harapan ang mon at dad ni Mac. They are wearing a very wide smile as they see their son bonding with his friends and loved one.
"Magandang gani sa lahat!!!" Sigaw ni Monica na abot hanggang tainga ang ngiti at nakataas pa ang dalawang kamay.
"Magandang gabi po!" Pagbabalik bati rin naman ng mga magkakaibigan.
"So, heto nanaman tayo sa ating nakaugaliang bonfire. Syempre hindi makokompleto ang ating pagbabakasyon nang walang nagaganap na bonfire. Ang bonfire activity natin ngayon ay hindi gaya ng nakaugalian na natin. Hindi ito games, napakasimple lang nito. You will share your thoughts in front of us and then that's it." Nakangiting sabi ni Monica.
"Yes, 'yan lang ang ating activity pero may changes tayo ngayon! Kung dati ay babalik tayo sa loob ng resthouse para matulog, ngayon ay himdi na! Nakikita nyo 'yang tents na 'yan? D'yan na tayo matutulog! May mga designated names of people 'yan para malaman kung saan kayo na tent matutulog tonight." Nakangiti namang sabi ni Zach.
"So, ano pang hinihintay natin? Let's start now! Sinong gustong mauna?" Nakangiting tanong ni Monica.
Ngunit makalipas ang ilang minuto ay walang sumasagot at walang gustong mauna. Nagkakahiyaan pa rin ang mga ito. Dahil hindi gaya ng dati na games ang kanilang activity.
Ngayon ay sharing of thoughts na kaya naman ay nagtitinginan na ngayon ang mga magbabarkada kung sino ang mauuna.
"So, walang nagvolunteer. Okay, magsisimula tayo sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata." Nakangiting sabi ni Zach.
"Yeaheeeeyyy!!!" Nag-uumapaw sa saya na sigaw ni baby Kwen.
"Hoy! Sweety, dahan-dahan ka sa pagsasalita mo riyan. Hindi ba pwedeng sabihin mo nalang na mula sa youngster hanggang younger?" Nakangiting tanong ni Monica.
"Okay, fine. Ikaw nga pala ang pinakaYOUNGSTER sa ating lahat dito ngayon." Nakangiting sabi ni Zach at pagkatapos ay bahagya pa itong tumawa.
Kaya naman ay agad na kinurot ni Monica ang tagiliran ni Zach.
"So, magandang gabi sa inyong lahat. Salamat dahil nagparticipate pa rin kayo sa vacation natin ngayon kahit hidni na tayo sa Laguna nagbabakasyon this time. Salamat dahil nandito na tayo sa Tagaytay nagbabakasyon ngayon ay pumayag pa rin kayo at nagparticipate. So, 'yon lang. At siya nga pala, salamat sa napakamaunawain kong sweety. I love you, sweety." Nakangiting sabi ni Monica.
"I love you, sweety." Sabi ni Zach at pagkatapos ay agad din namang ginawaran ni Zach si Monica ng halik.
"Waaaahhh!!! Sweet nyo po talaga, tita!" Nakangiting sigaw ni Phena na nakataas pa ang dalawang kanay.
"Syempre naman." Sabi ni Zach at pagkatapos ay sumunod na itong magshare ng thoughts sa harapan ng lahat.
Makalipas ang ilang minuto ay nagshare ng thoughts si Mac tapos sumunod si Cai. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din naman agad si Cai.
Kasalukuyang nags-share na ngayon ng thoughts si Ameur.
"Ahmm... Unang una sa lahat. Thank you tito Zach and tita Monica para sa pag-imbita sa aming muli na magspend ng whole sembreak vacation kasama kayo. Salamat dahil dinala nyo kami sa matagal na ninyong tinatagong paraiso rito sa Tagaytay. And to my val. My one and only val, Ximen. I love you, Val." Nakangiting sabi ni Ameur.
"I love you too, val." Sabi ni Ximen at pagkatapos ay agad na nilapitan si Ameur at agad na sinunggaban ito ng halik.
Habang patagal nang patagal ang kanilang halikan ay nakatingin naman sa kanila ang lahat.
Habang patagal nang patagal ang kanilang paghahalikan ay nagiging mapusok ang kanilang paghalik.
Kaya naman ay agad na nanlaki ang mga mata ni baby Kwen at bahagya pang umawang ang bibig nito. Kaya naman ay no'ng makita ni Mac na nakatulala si baby Kwen sa naghahalikan na sina Ameur at Ximen ay agad nitong tinakpan ang mga mata ni baby Kwen.
"Ahem. Tama na 'yan, pwede nyo 'yang ipagpatuloy mamaya ss tent." Sabi ni Zach ng may maawtoridad na tono kaya naman ay agad na napatigil sa paghahalikan sina Ximen at Ameur at sabay itong tumawa.
Pagkatapos ay bumalik na rin ito sa kanilang pwesto.
Pagkatapos no'n ay sumunod naman sa pags-share ng thoughts si Rule. Sumunod naman si Ximen na sinundan ni Phena.
"The last but not the least pagdating sa daldalan! Ang inaabangan ng lahat at ang pinakamakulit kong anak! Please help me welcome! Baby Kwen!!!" Sigaw ni Monica habang abot langit ang ngiti.
Kaya naman ay agad na tumayo si baby Kwen. Ngunit agad din namang nanlaki ang mga mata ng lahat no'ng hunarap si baby Kwen.
Nanlalaki na ngayon ang mga mata ng lahat na para bang halos luluwa na ang kanilang mga mata mula sa kanilang katawan.
Dahil no'ng tiningnan nila si baby Kwen ay napakalungkot no'ng mukha ni baby Kwen. Bakas na bakas din sa kanyang mga mata ang labis na lungkot na nadarama.
"Huhu. Makungkot ako. K-Kasi wala akong kahalikan." Nauutal na sabi ni baby Kwen.
Agad namang mas nanlaki pa ang mata ng lahat dahil sa sinabi ni baby Kwen.
"Pa'no ba naman kasi sina kuya Ximen at ate Ameur naghahalikan sa harapan ko! Hindi man lang ginalang ang pagiging single ko! Huhu! Alam nyo namang nagdadalamhati pa ako kay Junjun! Palibhasa hindi nyo pa kasi naranasan na mabroken hearted kasi ang babata nyo pa! Bago pa kayo sa mundong ito! Huhu! Ba't ba ang sakit ng nararamdaman ko? B-Bakit ba ganito? Ang sakit-sakit, lord!" Sigaw ni baby Kwenna ngayon ay may paiyak-iyak pa ang peg at may pahawak-hawak pa sa dibdib niya at umaarteng nasasaktan.
Kaya naman ay agad na nabahala ang lahat. Ngunit agad din namang nawala ang pagkabahala ng lahat nang biglang...
"Waaaahh!!! Mission success kana sa task mo, baby Kwen! Success kana sa performace task mo! Whoooaaahhh!!! Kuhang kuha mo talaga sng acting nina Vilma Santos at Nora Aunor! Waaaaah! I'm so proud of you!!! Waaaaaahh!!! Kung kuha mo ah!!!" Nakangiting sigaw ni Phena na nakataas pa ang dalawa nitong mga kamay.
"Syempre! Hahaha! Ako pa ba, ate?!" Sigaw din naman ni baby Kwen habang abot hanggang tainga ang ngiti.
"Pero siya di mo man lang makuha-kuha." Sabi ni Phena.
[Hindi Na Nga by This Band is Now Playing]
'Yan ang sinabi ni Phena kaya naman ay agad na bumagsak ang mundo ni baby Kwen no'ng marinig niya y'ong sinabi ni Phena. Kitang-kita mo pa sa mukha niya na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Ate Phena!!!" Sigaw ni baby Kwen kaya naman ay wala nang ibang nagawa si Phena kundi ang tunakbo palayo.
Agad din naman itong hinabol ni baby Kwen.
Kaya naman ay agad na nagtawanan ang lahat habang naghahabulan sina Phena at baby Kwen. Napailing-iling nalang si Monica.
"Mature na talaga ang anak natin. Marunong nang mahiya." Nakangiting sabi ni Zach kay Monica.
Agad namang tumango si Monica na senyales ng pagsang-ayon.
BINABASA MO ANG
Who Did The Deed? (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "Waaaaahh!!! Mommy, daddy!!! Sina kuya Mac at ate Cai nagme-makelove nang walang family planning!!!" May isang mayamang pamilya na nakatira sa greenville. Ito ay ang pamilya Mondares. Ang pamily...