Chapter 2

27 1 0
                                    

Continuation...

Kasalukuyang nandito sila sa Our Lady of Fatima Chapel.

"Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit." Pagdarasal ni Mac.

"Bigyan ko kami ng aming makakain sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin at 'wag mo kaming ipahintulot sa tukso at i-adya mo kami sa lahat ng masama. Amen." Tugon rin naman ni Cai sa pagdarasal ni Mac.

Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas at natapos na rin sila sa pagrorosaryo. Agad na silang tumayo at lumapit sa mga pari.

"F-Fr. Noly. Tapos na po kaming magrosaryo." Nauutal na sabi ni Cai.

"Very good. Pasalamat kayo at ang gamda ng kaparusahan nyo rito sa unibersidad natin. Dahil nagkasala pa kayo, mabubusog pa ang kaluluwa nyo dahil pagrorosaryo ang inyong kaparusahan. Hindi kagaya ng ibang mga unibersidad na pinapalinis pa sa mga kobeta. Oh siya, pwede na kayong umalis." Nakangiting sabi ni Fr. Noly.

"S-Salamat po." Nauutal ngunit nakangiting pagpapasalamat nina Cai at Mac.

Pagkatapos no'n ay agad na silang lumabas sa chapel.

"Hmp! Ikaw kasi! Napakakulit mo. Sabing 'wag mo na akong tulungan. Tamo naparusahan tuloy tayo!" Mahinang sigaw ni Cai kay Mac. Tila nagmistulang parang nilukot na papel ang mukha ni Cai ngayon.

"Oh, bakit? Sa tingin mo ba kung di ko y'ong ginawa ay di tayo paparusahan?" Tanong ni Mac kay Cai.

"Hmmm... Ewan! Basta dapat di mo 'yon ginawa. Alam mong mapagbintangan pa rin tayo pero tinuloy mo pa rin. Ode hindi na bintang 'yon dahil ginawa mo na. Hayop ka talagang manyakis ka." Sabi ni Cai at pagkatapos ay naglakad na palayo.

"Edi wow sayong tomboy ka!" Sigaw ni Mac.

Kaya naman ay agad na napatingin sa kanya ulit si Cai at pagkatapos ay nag...

"Pakyu!" Sigaw ni Cai na naka 'Fuck you' sign pa. Pagkatapos ay maangas itong nagpapatuloy sa paglalakad.

"Aba, mapapasabak ako sa tomboy na 'to ah." Sabi ni Mac sa kanyang isip.

*END OF FLASHBACK*

"Hinding hindi ko talaga malilimutan y'ong dahilan kung bakit kami naparusahan." Mahinang sabi ni Mac at pagkatapos ay bahagya siyang natawa. Nakatitig pa rin ang kanyang kulay butterscotch na mga mata sa kisame ng kanyang kwarto.

*FLASHBACK*

"Hay, nako! Kairita talaga 'to minsan si baby Kwen. Pinapabili pa ako sa canteen ng french fries." Sabi ni Mac habang nakatingin sa kanyang hawak na fries at saka nagmamadali itong maglakad para mahatid sa room ni Kwen ang fries at umabot sa kanyang quiz na magsisimula na maya-maya.

Boooogsshh!!!

"Shet!" Sigaw ng kung sino.

Nang tingnan ni Mac ay mahuhulog na ang milktea nito kaya naman ay agad na tinalon ni Mac ang milktea at mabilis itong kinuha upang hindi matapon sa sahig.

"Yes!" Sigaw ni Mac sa kanyang isip dahil sa napagtagumpayan niya na hindi natapon ang milktea.

"Hoy! Anong kalaswaan 'yang ginagawa nyong dalawa rito sa hallway?!" Sigaw ng kung sino.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon