Chapter 8

6 1 0
                                    

"Nako! Wrong move 'yan baby Kwen! Dapat tayo ang mga gumagastos sa mga lalak..." Hindi na tuluyan pang narinig ni baby Kwen ang sinabi ni Phena nang biglang lapitan ni Mac si baby Kwen at tinakpan ang magkabilang tainga.

"'Wag mo na nga turuan pa ng mga ganyan y'ong bata, Phena." Sabi ni Mac.

"Okay, fine. Cheap naman pala talaga kayong mga lalaki eh. Hay, nako! 'Yan kasi y'ong dapat na marealize ni baby Kwen at her very young age." Sabi ni Phena na tila nag-eexplain pa with a hand gesture.

Kaya naman ay napailing-iling nalang ang mag-asawang sina Monica st Zach. Pagkatapos ay pinili nalang nitong magtungo sa kwarto nilang mag-asawa.

"Baby Kwen, next time ko nalang ibibigay y'ong new lesson mo na ngayon mo na sana matutunan. Kasi 'yang kuya mo, ayaw iparealize sa'yo na silang mga lalak..." Hindi nanaman narinig ng tuluyan ni baby Kwen ang sinabi ni Phena dahil tinakpan nanaman ni Mac for the second time ang kanyang tainga.

"Ano ba, Phena?! 'Wag ko nga turuan y'ong bata ng mga ganyan." Sigaw ni Mac na tila naiirita na.

Habang ang kanila namang mga barkada ay nagtatawanan na at humahagikhik pa y'ong iba habang pinagmamasdan sina Mac at Phena na nagtatalo.

"K, fine. Bye, baby Kwen. See you later sa remedial class natin. Dahil ayaw ng kuya mo na matuto ka ng lesson ngayon." Sabi ni Phena at pagkatapos ay inirapan si Mac at agad na itong naglakad palayo.

Ang kanilang mga barkada ay humahagikhik pa rin ng tawa habang nakatingin kay Mac na nakatakip pa rin ang mga kamay sa magkabilang tainga ni baby Kwen.

Kasalukuyang nandito na sina Monica at Zach ss kanilang kwarto. Kapwa sila nakahiga sa kanilang kama habang nakatingin sa kawalan. Nakaakbay ang kaliwang kamay ni Zach kay Monica. Habang nakahilig naman ang ulo ni Monica sa mga matipunong dibdib ni Zach.

"Limang taon na ang nakalipas mula no'ng huli tayong nagbakasyon rito. P-Pero sariwang sariwa pa rin sa'kin ang buong pangyayari, sweety. Oo, aaminin ko. Bahagya nang natakpan ang mga malulungkot at masalimuot nating mga alaala dito mula no'ng dumating sa buhay natin si baby Kwen. P-Pero ngayong nandito na tayo. I-Iba pa rin eh." Nauutal na sabi ni Monica na ngayon ay may nanlalabo nang paningin dahil sa namumuo na nitong mga luha sa kanyang mga mata.

Nanlalabo na ngayon ang mga mata ni Monica habang nakatingin pa rin sa kawalan.

"Ano ka ba, sweety? Matagal na 'yon. Limang taon na rin ang lumipas." Sabi ni Zach habang bahagyang hinaplos-haplos ni Zach ang balikat ni Monica gamit ang kanyang kaliwang kamay na nakaakbay kay Monica.

"P-Pero paano kung hindi pa pala patay si Mr. Faeldon? I-Ipinabalita lang 'yon na pinatay. P-Pero malay natin. Paano nalang sina Mac na anak natin. P-Pati y'ong mga kaibigan niya. Paano nalang sila? B-Baka madamay pa sila sa gulo ng ating pamilya. M-Mula no'ng bumalik tayo rito. M-Muli nanamang nanumbalik sa'kin ang alaala." Nauutal na sabi ni Monica na ngayon ay dahan-dahan nang bumabagsak ang kanyang mga luha.

"Alam mo naman na ako ang pumatay kay Mr. Faeldon. Well, bagay lang sa mga traydor 'yon. Pero sweety, one I'll say na patay na siya. Patay na talaga siya." Nakangiting sabi ni Zach na punong-puno ng kasiguraduhan na patay na talaga si Mr. Faeldon.

"P-Pero paano nga kung buhay?" Nauutal na tanong ni Monica.

"Hindi nga, wala na siya." Sagot naman ni Zach kay Monica.

"P-Pero sweety, basaga ng mukha ni Mr. Faeldon sa news. Hindi tayo nakakasigurado kung siya nga ba talaga 'yon. S-Saka sa baaat galaw ko rito ay parang may matang nakatitig sa bawat galaw ko." Nauutal na sabi ni Monica.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon