Kasalukuyang nandito na ngayon si Ameur sa taxi nakasakay. Papauwi na ito pabalik ng resthouse. Dahil napagpasyahan na mismo ni Rule nang magising ito na iwan muna ito saglit do'n sa hospital.
Kaya naman ay heto at kasalukuyang nakasakay ng taxi si Ameur.
No'ng pumunta kasi si Ameir sa kwarto nila ni Ximen ay kagagaling pa lang nito sa hospital. Kasabay niyang umuwi sina Cai at Mac.
Hindi nakasama sa hospital sina Monica at Zach dahil binabantayan nila sina baby Kwen at Sharmaine. Dahil bawal pa itong pumasok sa hospital dahil sa napakamurang edad.
Pagkatapos no'ng magpunta si Ameur sa kwarto nina Ximen ay agad na itong nagtungo sa pool sandali upang mahimasmasan man lang ng view ng pool ang kanyang stress na nadarama.
Pagkatapos no'n ay muling bumalik na ng hospital si Ameur at siya nalang ang nagbantay kay Rule sa buong magdamag.
Matapos ng ilang minuto ay agad naman na nakarating si Ameur dito sa resthouse nina Mac sa Tagaytay kung saan sila nagbabakasyon ngayon.
"Sa tabi lang po." Sabi ni Ameur.
Kaya naman ay agad na tumigil ang taxi sa harap ng grassfield at pagkatapos ay agad nang bumaba si Ameur saka agad na binayaran ang taxi driver.
Sandali pa siyang naglakad ngayon sa grassfield at hindi nagtagal ay agad din naman niyang narating ang pinto. Pagkatapos ay agad nang binuksan ang pinto.
Nang buksan niya ang pinto ay agad din namang nanlaki ang kanyang mga mata.
Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata dahil sa labis na gulat na nadarama dahil sa kanyang mga nakita ngayon rito sa kanyang harapan. Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata na para bang halos luluwa na ang kanyang nga mata.
Nakita niya ang isang cabinet na namabukas at kitang kita niya ang dumudugo na wala nang buhay na katawan nina Ximen at Phena. Nakabukas ang pinto ng cabinet na may napakaraming butas at nakita rin ni Ameur ang napakaraming kutsilyo na nakataob sa katawan nina Phena at Ximen.
Napakaraming dugo ng mga damit na nakalagay sa cabinet. Nakita niya rin ang nakadilat pa rin na mga mata ni Ximen at nakatingin ito kay Ameur ngayon. Nakahubad ang katawan nina Ximen at Phena. Kitang kita ang mga sensitibong parte ng katawan nina Ximen at Phena.
Nakita niya rin kung gaano katagos sa katawan nina Phena at Ximen ang mga kutsilyo na nagmumula sa kanilang likuran. Kitang kita niya rin kung gaano katagos ang mga kutsilyong nakataob sa harapan ng katawan nina Phena at Ximen at tumagos ito sa likuran nilang dalawa.
"Waaaaahhh!!!" Sigaw ni Ameur.
'Yan ang sigaw ni Ameur na naging sanhi ng agad na pagbukas ng nga pinto ng kwarto sa second floor. Nanginginig na ngayon ang mga tuhos ni Ameur habang nandito pa rin at nakatayo sa harap ng dalawang bangkay.
Narinig ni Ameur ang mga mabibigat na tunog ng paa na tumatakbo patungo ngayon sa hagdan ngunit ang kanyang atensyon ay nasa dalawang bangkay pa rin na may nakataob na kutsilyo at sa cabinet na nagkandasira-sira dahil sa napakaraming kutsilyo na nakataob.
"Anong nangyari?!" Natatarantang sigaw ni Cai kay Ameur nang makita niya si Ameur na nakatulala lang at may tinitungnan sa harap nito.
Agad na napatakip ng bibig si Cai nang makita niya ang wala nang buhay na sina Phena at Ximen.
"Anong mayro'n?!" Natatarantang tanong ni Mac nang makarating na ito kasama si Sharmaine, Zach, baby Kwen at Monica.
"T-Tingnan mo." Nauutal na sabi ni Cai habang nakatingin pa rin sa dalawang bangkay.
BINABASA MO ANG
Who Did The Deed? (COMPLETED)
Tajemnica / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "Waaaaahh!!! Mommy, daddy!!! Sina kuya Mac at ate Cai nagme-makelove nang walang family planning!!!" May isang mayamang pamilya na nakatira sa greenville. Ito ay ang pamilya Mondares. Ang pamily...