Kasalukuyang narito na ngayon sina Cai, Mac, Ameur, Zach, baby Kwen at Monica. Kasalukuyang nandito na sila ngayon sa malaking mesa rito sa first floor ng resthouse nina Mac dito sa Tagaytay ngayon.
Kagagaling nanaman ng tatlong pulis dito kanina at kinunan nanaman sila ng imoormasyon dahil sa krimen sa dahilan na may kaugnayan sila kay Sharmaine.
Oo, nalaman na nila ang nangyari may Sharmaine.
Hindi pa rin lubos maisip ni Cai nang makita niya ang bangkay ni Sharmaine.
Kaya naman ay napahilamos nalang si Cai sa kanyang mukha habang nakatingin sa mesa. Tila bakas na bakas sa kanyang mga mata na tila ba pilit niyang binabalikan ang nakaraan.
Mga nakaraang nangyari kanina. Mga nakaraan na nangyari na sana ay hindi niya nalang nakita at hindi nalang siya pumunta sa crime scene.
*FLASHBACK*
Kasalukuyang narito ngayon sina Cai, Mac, Zach, Monica at Ameur sa mahabang mesa. Kasalukuyan silang nagmemeeting at nagpapasya kung pababalikin ba rito si Sharmaine. Tila bumalik na no'n sa huwisyo si Zach at medyo lumamig na rin ang ulo nito.
"Tumawag sa'kin si Imelda, ang kapatid ko na mama ni Sharmaine." Panimula ni Zach at pagkatapos ay nasapo nalang ang noo nito.
"Bakit po, dad? Ano po'ng sabi ni tits Imelda?" Nakakunot noong tanong ni Mac habang bakas na bakas sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala.
"Hindi niya raw pinabalik si Sharmaine. Pinalayas na raw niya." Sagot ni Zach kaya naman ay agad nalang napasabunot si Mac sa kanyang ulo.
Agad din namang nagkatinginan sina Monica, Ameur, Cai at Mac.
"Dapat nating magpasya ngayon habang maaga pa at malamang ay hindi pa nakakalayo y'ong si Sharmaine rito. Malamang hindi pa 'yon nakakalabas ng main entrance ng village rito sa ville kung nasaan ang ating resthouse." Sabi ni Zach.
"So, anong pasya natin? Pero teka muna, wala pa si baby Kwen." Sabi ni Monica.
"Bata pa lang si baby Kwen, Monica. Pwedeng tayo nalang na mga nandito ang magpasya kung pababalikin ba natin si Sharmaine. Dahil isa pa, hindi pa naman tayo sigurado na siya nga ang may gawa ng pagkawala ni Rule. Saka hayaan mo na muna na maglaro si baby Kwen sa grassfield. Nagpaalam na rin naman sa'kin ang batang 'yon." Sabi ni Zach.
"Ako gusto kong pabalikin y'ong bata." Sabi ni Monica.
"Ako rin." Sabi ni Cai.
"Ako rin, dahil hindi naman natin sure na siya talaga ang pumatay kay Rule." Sabi ni Ameur. Pagkatapos ay agad na silang napatingin ngayong lahat kay Mac kung ano ang pasya nito.
Kasalukuyang nakatingin na ngayon ang lahat kay Mac na tila ba hinihintay ang pasya nito. Kaya naman ay agad na inayos ni Mac ang kanyang sarili.
"Ako gusto kong paba..." Hindi na natuloy ni Mac ang kanyang pagpasya nang biglang bumukas ang pinto at agad napatingin silang lahat sa banda kung nasaan ang pinto.
Agad nilang nakita si baby Kwen kasama ang mga pulis.
"Mommy! Si Sharmaine!" Sigaw ni baby Kwen na nanlalaki pa ang mga mata at bakas na bakas ang pagkakataranta. 'Yon pa lang ang nasigaw ni baby Kwen ngunit agad na silang nagsitayuan at tumakbo sa gawi nina baby Kwen at ng mga pulis.
"Anong nangyari kay Sharmaine?!" Natararants nang sigaw ni Monica habang bakas na bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Sinigaw ni Monica ang mga salitang 'yon habang hawak ng magkabilang balikat ng pulis.
"May natagpuan po kaming bangkay sa playground. Kinikilala ang bangkay na si Sharmaine Romualdez. Nakilala ito ng babaeng nag adapt nito sa pamamagitan ng suot ng babae." Sagot ng pulis.
"What the?! Nakilala nalang sa pamamagitan ng suot?!" Nagugulantang na sigaw ni Ameur. Agad din naman itong tinanguan ng pulis.
Kaya naman ay agad na silang tumakbo papunta sa playground.
Nang marating nila ang playground ay nakita nila ang mga taong nagkukumpulan kaya naman ay agad na silang nakisiksik sa mga taong nakikumpu at nakitingin rin sa bangkay.
"Tabi! Tabi!" Sigaw ni Zach at patuloy na naglakad kasama sina Cai, Mac, Ameur, Monica at pati na rin si baby Kwen.
Nang makarating sila sa playground ay do'n na nila nakita ang nagdadalamhating si Imelda, ang tita ni Mac na siyang nag adapt kay Sharmaine.
"Sharmaine! Anaaaak!!! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa'yo at hindi na sana kita pinalayas!!!" Sigaw ni Imelda habang nag-uunahan ang kanyang mga luha sa pagbagsak sa kanyang pisngi.
"S-Sorry, kung alam mo lang anak. Kung alam mo lang kung gaano katindi ang nararamdaman kong pagsisisi. Sana ay kung pwede pang mabalik ang oras ay hindi kita pinalayas. Kung alam ko lang na g-ganito ang sasapitin mo." Nauutal na sabi ni Imelda na may basag nang boses.
Nang tingan ni Cai ang tinitingnan ni Imelda ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa labis na gulat na kanyang nadarama.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Cai dahil sa kanyang mga nakita. Nanlalaki na ngayon ang mga mata ni Cai na para bang halos luluwa na ito mula ss kanyang katawan.
Nakita niya si Sharmaine na nagkandalusog-lusog ang katawan. Puno ng mga taga at halatang halata na itak ang ginagamit ng gumawa nito.
Nakita pa ni Cai ang mala embutido na pagkahiwa ng mga putol na kamay at paa ni Sharmaine. Nakita niya ang mga taga sa katawan ni Sharmaine na naging sanhi upang maging kulay pula ang dating kulay puting damit nito.
Nakita niya rin ang mukha ni Sharmaine na punong-puno ng taga. Hindi niya mabilang kung ilang beses ito pinagtataga dahil ang daming taga sa mukha nito na naging dahilan upang hindi ito kaagad makilala kung pagbabasehan lamanj sa mukha.
Nang tingnan nila ang suot ay nakumpirma na nila kaagad na si Sharmaine ang bangkay. Dahil may katabi rin itong maleta na bitbit nito kanina at mga damit na inihagis ni Imelda no'ng umuwi si Sharmaine sa bahay nila.
*END OF FLASHBACK*
"Kailangan na nating mag-isip kung anong paraan ang gagawin natin. Dahil malamang ay nandito lang nag killer sa paligid natin. Maaaring nasa loob lang ng village ang killer. Kahit anumang oras ay pwedeng pwede niya tayong saksakin, barilin o pagtatagain. And worse, baka totoo ang mga sinasabi nyong mga mata na palaging nakatingin sa atin rito na binabantayan ang bawat galaw na ating ginagawa. Baka may kasama tayo ritong ibang tao nang hindi man lang natib nalalaman." Mahabang sabi ni Zach.
"Tama, simula bukas ay dapat na bantayan natin ang bawat kilos o pag galaw ng mga nasa paligid natin. 'Wag nating palampasin kahit hangin lang na dumaraan ay dapat na lingonin." Sabi ni Mac na agad din namang tinanguan at sinang-ayunan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Who Did The Deed? (COMPLETED)
Mystery / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "Waaaaahh!!! Mommy, daddy!!! Sina kuya Mac at ate Cai nagme-makelove nang walang family planning!!!" May isang mayamang pamilya na nakatira sa greenville. Ito ay ang pamilya Mondares. Ang pamily...