Chapter 48

8 0 0
                                    

Matapos malaman ni Cai ang balita tungkol sa misteryosong pagkamatay ng kanyang nga magulang ay agad na itong napaluha.

Tila parang pinagsakluban ng langit at lupa si Cai nang malaman niya ito. Dahil sa labis na bigat ng nararamdaman niya ay mas pinili na unakyat agad sa second floor at agad na pumasok sa kwarto nina Mac saka doon mas piniling magkulong.

Hindi naman nakalock y'ong pinto kaya kahit papaano ay nakakapasok pa rin si Mac. Ngunit hindi nananghalian at hindi rin naghapunan si Cai.

Bagong umaga nanaman ang sumikat dito ngayon sa resthouse nina Mac at pasilip pa lang ang araw.

Kasalukuyang nandito na sina Mac, Cai, Ameur, Monica, Zach at baby Kwen sa mahabang mesa. Kasalukuyang bihis na bihis sina Cai, Ameur at Monica.

"Sigurado na ba talaga kayo?" Tanong ni Mac kay Cai. Tila bakas na bakas sa mga mata ni Mac ang labis na pag-aalala.

"Oo, gusto kong pumunta ng embassy. Gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyari at kung anong impormasyon mayro'n ang mga pulis na nag-imbestiga sa pagkamatay ng mama at papa ko. Hindi ako papayag na hindi man lang mabigyanng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko." Sabi ni Cai habang inaayos ang kanyang sinusuot na jacket.

"Sige, mag-ingat kayo. Hon, mag-ingat ka palagi. Alagaan mo si baby, saka stay healthy. Para healthy din si baby sa loob." Sabi ni Mac at pagkatapos ay niyakap si Cai.

"Sige. Aalig na po kami." Sabi ni Cai nang kumalas na si Mac sa pagkakayakap sa kanya.

"Siya nga pala, mag-ingat kayo rito ah." Sabi ni Monica bago pa sila makapaglakad.

"'Wag kang mag-alala, sweety. Magbabantay ako ng maigi rito. Kaya nga diba? Hindi nalang kami sasama sa inyo upang bantayan ang resthouse dahil baka pagbalik natin ay wala na tayong maabutan na mga pera. And worse, baka abo na ang resthouse natin kapag bumalik tayo." Sabi ni Zach.

"Sige, mauna na po kami." Sabi ni Ameur at pagkatapos ay nagpaalaman na sila.

Nagsimula nang maglakad sina Cai, Ameur at Monica patungo sa gawi ng pinto. Pagkatapos ay agad na binuksan ni Ameur ang pinto at agad nang lumabas ng resthouse.

Kasalukuyang hawak na ngayon ni Cai ang pinto at sandali pa siyang tumigil. Muli niyang nilingon sina baby Kwen, Zach at Mac.

Nang mapatingin siya kay Mac ay nahahalata niya ang bumabakas sa mga mata ni Mac. Tila bakas na bakas sa mga mata ni Mac ang pag-aalala para kay Cai.

Kaya naman ay agad na nginitian ni Cai si Mac upang sabihin na 'Magiging maayos din ang lahat' at pagkatapos ay agad nang isinara ang pinto.

Nang isara ni Cai ang pinto ay dahan-dahan nang natakpan nito si baby Kwen, si Zach at pagkatapos ay si Mac. Pagkatapos ay agad mang lumabas kasama sina Ameur at Monica.

Kasalukuyang narito na ngayon sina Cai, Ameur at Monica sa embassy ng Pilipinas. Kasalukuyang nandito na sila ngayon kasama ang isang agent na umasikaso sa concern nila. Agad silang inasikaso dahil sa lakae ng kapot ni Monica at ng buong pamilya Mondares.

"Yes? Ano po ang concern natin?" Tanong no'ng agent.

"A-Ang mga magulang ko po. Sina Rasheed Torecelli at Maurissa Torecelli. They died mysteriously in Italy." Nauutal na sabi ni Cai habang nanginginig ang mga labi na sumagot sa agent.

Kaya naman ay agad na hinagod-hagod ni Ameur ang likod ni Cai upang pakalmahin ito. Bakas na bakas sa mga mats ni Ameur ang pag-aalala ni Ameur para kay Cai. Pag-aalala para kay Cai at sa baby na nasa loob ng tiyan ni Cai.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon