Chapter 40

6 0 0
                                    

Bagong araw nanaman ang sumikat ngayon rito sa hospital kung saan nakaadmit si Rule. Kasalukuyang nandito ngayon si Ameur sa kanyang tabi.

Kasalukuyang nakaupo si Ameur ss isang upuan sa tabi ng hinihigaan ni Rule. Pinagmamasdan niya ngayon si Rule at kitang kita niya pa rin si Rule na nanghihina saka parang nalalantang gulay dahil sa nangyari nito noong mga nakaraang araw.

Maya-maya pa ay nakita niyang dahan-dahang dumilat ang mga mata ni Rule. Kaya naman ay napatingin siya sa mga mata nito. Nang makita niya si Ruley ay nakita niyang may gumuhit na mga ngiti sa labi nito.

"Komusta ka na? Ayos ka lang ba? Nagugutom ka na ba? May dala akong pagkain rito." Sabi ni Ameur at pagkatapos ay nilapitan si Rule.

"Hindi pa." Nakangiting sagot ni Rule.

Agad naman na niyakap ni Ameur si Rule ng napakahigpit. Agad din namang naramdaman ni Ameur na tumugon rin sa kanyang yakap si Rule.

"S-Si Phena? H-Hindi ko pa siya nakikita." Nauutal na tanong ni Rule no'ng kumalas na si Ameur sa pagkakayakap sa kanya habang bakas na bakas sa kanyang boses na nanghihina pa rin ito.

Kaya naman ay agad na napapikit ng mariin si Ameur dahil sa tanong ni Rule na 'yon.

"Buti ka pa, nandito para sa'kin habang si Phena hindi man lang dumalaw sa'kin rito. Salamat, Ameur. Babawi na sana ako sa kanya no'n eh kaso huli na ang lahat. Nagkakomprontasyon na tayong apat at hunantong pa sa ganito." Sabi ni Rule.

Kaya naman ay agad na napatingin si Ameur kay Rule. Tila may mgs nanlalabo nang paningin si Rule nang tingnan niya ito dahil sa nagsisimula nang mamuo na mga luha sa mga mata nito.

"Buti ka pa inaalagaan ako kayss kay Phena." Sabi ni Rule.

"Rule, 'wag mong ikompara si Phena ng ganyan. Dahil kahit papaano ay napasaya ka pa rin niya sa mga panahon na magkasama kayo." Sabi ni Ameur na ngayon ay may basag nang boses.

"B-Bakit ba, Ameur? Minahal ko naman siya ah. P-Pero bakit nagawa niya sa akin 'to?" W-Wala ba siyang puso?" Nauutal na tanong ni Rule at ngayom ay nagsisimula nanamang magsibagsakan ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

"Please, Rule. 'Wag mo kaming ipagkompara. Si Phena at ako ay magkaiba. So stop comparing us." Sabi ni Ameur.

"Ikokompara ko si Phena sa'yo dahil si Phena ay walang puso. Walang awa at hindi man lang ako dinalaw di..." Hindi na natuloy ni Rule ang kanyang sasabihin nang biglang sumigaw si Ameur.

"Rule, patay na si Phena! Patay na sila ni Ximen! So, 'wag mo kaming ikompara. Kung inaakala kong mas inuna pa nins Phena ang pride nila pwes nagkakamali ka. Alam mo ang mga ugali nila at kung gaano sila kabait. Maraming taon na rin tayong nagkasama. Wala na sila. Kaya kung inaakala mong hindi ka mahal ni Phena pwes nagkakamali ka. Mahal ka niya. Hindi naman siya maiinis at maghihiganti kung hindi niya tayo nakitang nagtaksil eh. Hindi niya tayo gagantihan kung wala man lang siyang naramdamang pagmamahal sa'yo. Patay na y'ong tao, Rule. P-Patay na si Phena." Nauutal na sabi ni Ameur na ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi at may basag nang boses.

'Yon ang sabi ni Ameur na agad napatikom ang bibig ni Rule. Napapikit nalang ng mariin si Rule at sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha.

"All this time, hindi ko man lang alam na wala na pala siys. S-Sana mapatawad ako ni Phena. B-Bumabawi na sana ako no'n eh. P-Pero nahuli natin silang gumawa ng kataksilan." Nauutal na sabi ni Rule.

"Rule, tama na. Alam kong kung buhay man ang mga matatalik natin kaibigan at mga jowa natin ay alam kong dadalawin ka nila rito. Alam kong hindi ka nila matitiis dahil sa tagal ng ating pagsasama bilang matatalik na kaibigan. Kung buhay lang si Phena ngayon, Rule. Alam kong siya na siguro y'ong natulog ng magdamag dito. Alam kong siya na siguro y'ong nag-aalaga sa'yo rito. K-Kaya lang, wala na si Phena. Wala na siya, Rule." Sabi ni Ameur at pagkatapos ay muli nanamang nangilid ang kanyang mga luha.

"P-Phena, sana mapatawad moko." Nauutal na sabi ni Rule at pagkatapos ay pumikit ng mariin saka sunod-sunod nanamang tumulo ang kanyang mga luha ss kanyang pisngi.

"Rule, tama na. Baka mapasama pa sa'yo ang pag-iyak mo." Sabi ni Ameur at pagkatapos ay hinagod-hagod ang dibdib ni Rule.

"Ang mabuti pa maiwan na muna kita rito. Magpahinga ka muna." Sabi ni Ameur at pagkatapos ay agad na pinahiran ang kanyang mga luha gamit ang kanyang mga palad. Pagkatapos ay agad nang lumabas sa kwarto ni Rule.

Kasalukuyang nandito na ngayon si Ameur sa labas. Kasalukuyan na siyang naglalakad nang makita niya sina Monica, Mac, Cai, baby Kwen at Sharmaine. Nakita niya ang mga ito na nakaupo sa may di kalayuan sa kwarto ni Rule.

"Tita, bibilhan ko lang po ng pagkain si Rule. Pakibantay po muna si Rule." Sabi ni Ameur at agad namang tumango si Monica.

"Mommy, pupunta lang po muna ako sandali ng CR." Pagpaalam din ni baby Kwen.

"Oo, sige. Basta bumalik ka agad baby ah." Nakangiting tugon ni Monica na agad din namang tinanguan ni baby Kwen at pagkatapoe ay agad nang umalis.

Pagkatapos no'n ay agad nang nag-usap sina Monica, Cai, Mac st Zach.

Dahan-dahang nilingon ni Sharmaine si baby Kwen na naglalakad palayo. Ngunit agad na napakunot ang kanyang noo nang namalayan niyang ang tinatahak ni baby Kwen ay hindi ang daan patungong CR. Kaya naman ay agad na kinalabit ni Sharmaine ang kanyang tita Monica.

Agad din naman siyang nilingon ni Monica.

"Tita, pupunta lang po ako sa kwarto ni kuya Rule." Nakangiting pagkumpas ni Sharmaine ng kanyang mga kamay habang nakatingin kay Monica.

"Sige, basta bumalik ka kaagad ah. Alam nyo namang hindi tayo magtatagal dito, saglit lang tayo rito dahil y'ong mabait na guard pa y'ong nagbabantay ngayon. Kapag nagshift na ay palalabasin na tayo dahil mga bata pa kayo." Sabi ni Monica at pagkatapos ay ginulo ang buhok ni Sharmaine.

No'ng nilingon ni Sharmaine ang gawi kung saan niya nakita si baby Kwen kanina ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

Dahil nang makita niya si baby Kwen ay nakangiti na ito ng isang mala demonyong ngiti at agad na binuksan ang pinto ng kwarto ni Rule saka agad na dahan-dahang isinara.

Kaya naman ay agad nang naglakad si Sharmaine nang napakabilis. Pagkatapos ay agad niyang narating ang pintuan ng kwarto ni Rule. Pumikit muna ng mariin si Sharmaine at agad na humugot ng isang malalim na hininga.

Pagkatapos ay dahan-dahang binuksan ang pinto at pinagsusumikapang hindi marinig ni baby Kwen na nasa loob.

Nang mabuksan niya ang pinto ay agad niyang sinilip si baby Kwen gamit ang kanyang kaliwang mata habang natatakpan naman ang kanyang kanang mata ng pinto.

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang nga nakita. Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata dahil sa labis na gulat na nadarama. Nanlalaki na ngayon ang kanyang mga mata na para bang kung pwede pa itong mahulog sa lupa ay paniguradong nahulog na ito ngayon.

Nakita niya si Rule na tinatakpan ni baby Kwen ng unan ang mukha habang nakapatong si baby Kwen kay Rule. Nakita niya kung paano mangisay si Rule.

Kaya naman ay agad na nanginig ang mga paa ni Sharmaine dahil sa kanyang mga nakita.

Hindi pa nakontento si baby Kwen at kinuha pa nito ang oxygen na nakatakip sa bibig ni Rule saka muling tinakpan ng unan ang mukha ni Rule na para bang pinipigilan nito ang paghinga ni Rule.

Si Rule naman ay nangingisay na at pinagsusumukapang makalanghap ng hangin. Ngunit hindi pa nakontento si baby Kwen at agad siyang tumayo sa kama ni Rule saka agad na tinadyak-tadyakan ang mukha ni Rule. Ang panghuling tadyak ni baby Kwen ay mas diniin niya sa kung saan natakpan ang mukha ni Rule ng unan.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita nalang ni Sharmaine na hindi na nangisay si Rule at nakita ang kulay green na mga linya kanina na gumalae na ngayon ay naging isang tuwid na linya nalang. Saka agad na tumunog ang machine dahil sa pagiging tuwid ng kulay berde na linya sa makina.

Kaya naman ay agad na lumabas si Sharmaine. Agad na nagmadaling maglakad habang nakapikit ang kanyang mga mata ng mariin at hinayaang sunod-sunod na magbagsakan ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon