Chapter 7

10 1 0
                                    

Bagong araw nanaman ang sumikat dito ngayon sa resthouse nina Mac dito sa Tagaytay. Kasalukuyang nandito ang buong magbabarkada, si baby Kwen at pati na rin sina Monica at Zach na mom at dad ni Mac.

"Hay, nako! Mommy naman eh! Ba't nga ba hanggang dito lang ako sa bahay?" Pagmamaktol ni baby Kwen habang nakasimangot at ang haba na ng nguso.

Nakacross arms pa ito habang tinatanon sina Monica at Zach ngayon na nakaupo sa sofa.

Nakatayo si baby Kwen habang tinatanong ang kanyang mom at dad na para bang mas nakakatanda pa kina Monica at Zach. Tinatanong sila ni baby Kwen na para bang magulang na nililitis ang kanyang anak.

"Eh, kasi anak. Baka mapa'no ka pa ro'n sa labas. B-Baka nando'n pa y'ong killer na may gawa no'ng karumal dumal na krimen na sinapit no'ng bata sa playground. Kaya minabuti nalang muna namin na rito ka lang muna sa bahay." Sagot ni Monica sa tanong ng kanyang adapted daughter na si baby Kwen.

"Ano ka ba naman, mom! Hindi namam ako ang pinatay eh. Y'ong ibang bata naman." Paghahanap ng rason ni baby Kwen upang payagan itong makalaro ito ulit sa playground.

"Sorry, anak. Pero treasure ka namin eh. Kaya inaalagaan ka namin." Nakangiting sabi ni Zach.

"Wow! Sanaol treasure! Ba't di nyo nalang ako ibaon?!" Tanong ni baby Kwen na halatang halata sa tono ng kanyang pananalita ang pagiging sarcastic.

"Anak, 'wag na makulit please." Pakiusap ni Monica.

"Ano ba naman 'yan. 'Di na nga ako nicrushback no'ng crush ko tas di pa ako papayagang maglaro sa playground. Pwede po ba akong makihiram ng cellphone?" Tanong ni baby Kwen na ngayon ay ang haba pa rin ng nguso.

"Ano nanaman bang gagawin mo sa cellphone?" Tanong ni Mac na ngayon ay nandito na sa sala. Tila kakababa lang nito kasama ang buong magbabarkada.

"Wala, hindi nyo po maiintindihan. Mom, ang sakit ng nangyari sa'kin. Ang sakit no'ng ginawa niya." Sagot ni baby Kwen na may pahawak-hawak pa sa kanyang dibdib at pa iyak-iyak effect.

Pagkatapos ay nagdahan-dahan pa itong nagmove backward saka itinaas ang kanyang kanang kamay at inilapag ang kanyang palad sa dingding.

Pagkatapos ay dahan-dahang nag walling pagkatapos ay sinabing "Waaaaah! Ang sakiiiit!!!" Sigaw ni baby Kwen habang nag walling.

Kaya naman ay agad na napakunot ang noo sina Monica at Zach. Pati naman sina Mac, Cai, Rule, Phena, Ameur at Ximen ay nagkatinginan na kapwa nakakunot din ang mga noo.

Nagkatinginan sila ngayon nang may mga nagtatanong na tingin at napakalaking question mark sa kanilang noo.

"Baby Kwen, hindi nagbibiro si mommy. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit gusto kong hiramin y'ong phone ko?" Pag-uulit ni Monica sa kanyang tanong.

"Totoo nga po! Hindi ako nagbibiro. H-Hindi ako nicrushback ng classmate ko. Si Junjun, y'ong pogi kong classmate. Waaaah! Mommy naman eh! Pinapaulit pa y'ong malungkot ko na lovelife!" Sigaa ni baby Kwen na sumisinghot singhot pa.

"Hay, nako! Tama na 'yan, anak. 'Wag kana muna maglovelife. Magtapos kana muna ng pag-aaral. Total, nandyan lang naman 'yang mga lalaki sa tabi-tabi. Wala lang 'yan kapag nakapagtapos kana sa pag-aaral." Pangangaral ni Monica.

"Hay, nako! Palibhasa sa inyong mga matatanda, mommy. Sinasabihan ng mga magulang mo si daddy na mag-igih ng tubig sa poso para pampaligo sa'yo. Saka pinapasaka pa si daddy sa sakahan ninyo. Eh, ngayon mommy iba na. Dapat kapag nagchat na saka sinabing 'Will you be my girl?' y'ong boy sa'yo dapat pakipot ka muna. Pero after one week dapat sagutin mo na." Sabi naman ni baby Kwen saka inirapan pa si Monica.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon