Kasalukuyang nandito pa rin si baby Kwen sa kama rito sa kwarto nina Cai at Mac. Tila nakahiga pa rin ito at nakatingin mula sa kawalan.
"Hinding hindi ko makakalimutan si Mr. Faeldon. Napakalaki ng utang ko sa kanya." Sabi ni baby Kwen.
*FLASHBACK*
Kasalukuyang narito si Melissa nakahiga sa dalampasigan. Nakahiga siya sa isang dalampasigan na kung saan ay walang mga taong dumadaan.
Kasalukuyang nakahiga siya sa isang dalampasigan habang nanghihina pa rin ang kanyang buong katawan.
Dahan-dahang ibinuka ni Melissa ang kanyang mga mata. Nang ibinuka niya ang kanyang mga mata ay agad niyang nakita ang isang lalaki na kasing edad lang niya.
Singkit ang mga mata, maputi at may mga mapupulang labi. Nakikita niya rin ang tone na collar bone nito at ang kulay asul na mga mata nito.
Kaya naman ay agad na napakunot ng noo si Melissa. Agad itong napaupo mula sa pagkakahiga.
"S-Sino ka?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Melissa sa lalaki.
"Ako si Froilan. Froilan Sinadjan at ikaw si?" Sagot at pabalik na tanong ni Froilan.
"Ako si Melissa. Queen Melissa Gonzales." Sagot ni Melissa.
"Tama nga si boss. Ikaw, mukha ka nga talagang bata. Di ko akalain na kasing edad lang pala kita. Mukha ka kasing ten years old." Sabi ni Froilan.
"Tara na. Pupunta tayo kay Mr. Faeldon." Sabi ni Froilan kaya naman ay agad na napakunot ng noo si Melissa.
"Sino 'yon?" Nakakunot noong tanong ni Melissa.
"Don't worry, kakampi mo siya. Siya ang nag-utos sa'kin na pasundan ka palagi." Sagot ni Froilan.
"B-Bakit daw?" Nauutal na tanong ni Melissa.
"Naghihiganti rin siya sa mga Mondares dahil ito ang wine company na tumalo at pumalit ng pwesto sa wine company ni Mr. Faeldon sa top tasty wine sa buong mundo." Sagot ni Froilan kaya naman ay agad na napatango-tango si Melissa.
Pagkatapos ay agad na silang naglakad habang inaalalayan siya ni Froilan dahil bahagyang nanghihina ang kanyang katawan.
Narating din naman nila agad ang van kaya agad na silang sumakay at pagkatapos ay agad nang pinaandar ni Froilan ang van kaya agad na silang sumakay. Pagkatapos ay agad nang pinaandar ni Froilan ang van at tinahak ang daan patungo sa kanilang pupuntahan na si Mr. Faeldon.
"T-Teka, p-paano ako napunta rito?" Nauutal na tanong ni Melissa sa kanyang isip habang nasa kalagitnaan ng byahe.
*FLASHBACK*
No'ng muling idinilat ni Melissa ang kanyang mga mata ng kaunti ay nakita nalang niya na naglalakad na naglalakad at hindi nagtagal ay nasa harap na sila ngayon sa karagatan. Kasalukuyan na silang nandito ngayon sa gitnang parte ng tulay.
Nanghihina pa rin ang kanyang katawan. Hanggang sa muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Pagkatapos ay nang idinilat niya nanaman ng kaunti ang kanyang mga mata ng kaunti ay nakita niya ang mga nakaitim na lalaki na tila ba dinuduyan siya. Hawak ng mga nakaitim na lalaki ang kanyang mga paa at ang kanyang mga nakataas na mga kamay.
BINABASA MO ANG
Who Did The Deed? (COMPLETED)
Misterio / Suspenso(Published under Chapters of Love Publishing Company) "Waaaaahh!!! Mommy, daddy!!! Sina kuya Mac at ate Cai nagme-makelove nang walang family planning!!!" May isang mayamang pamilya na nakatira sa greenville. Ito ay ang pamilya Mondares. Ang pamily...