Pagkatapos no'ng intense na labanan nina Mac at Cai sa kanilang kwarto ay parang wala lang sila no'ng nag tanghalian at pati rin no'n naghapunan. Pagkatapos ay maaga rin silang natulog, halatang pagod.
Panibagong araw nanaman ang sumikat dito ngayon sa resthouse nina Mac dito sa Tagaytay.
Kasalukuyang nandito sina Mac at Cai ngayon sa first floor. Kasalukuyan sila ngayong nakaupo na sa napakahabang mesa at may mga pagkain na sa harap nila na nailuto nilang dalawa.
"Waaaaahh!!! Ano ba kasing mayro'n ngayon?! Inaantok pa ako!" Pagmamaktol ni Phena habang kinukusot pa ang kanyang mga mata habang pababa ng hagdan.
"Basta! May sasabihin lang naman kami ni Mac." Sabi ni Cai habang abot hanggang tainga ang ngiti.
Kahapon bago matulog ay napagpasyahan kasi nila na ipaalam kaagad nila upang matuwa rin naman ang kanilang mga magulang.
"Teka, ba't may malakong projector? Idadamay nyo ba kami sa business meeting nyo? Nako, 'wag ako! Bulok ako sa TLE! SWOT Analysis nga di pa ako marunong." Pagrereklamo ni Phena.
Kaya naman ay agad na nagkatinginan sina Mac ay Cai at pagkatapos ay bumulalas ng tawa.
"Sira! Basta, hindi ito business meeting." Sabi ni Mac habang abot hanggang langit ang ngiti.
Maya-maya pa ay dahan-dahan na ring dumarami sila ngayon sa first floor. Nagsibabaan na ang lahat.
Kanina kasi ay kinatok ni Mac ang lahat ng kwarto at ginising ang lahat. Tila nabulabog ang mahimbing na tulog ng kanilang mga kasama.
"Waaaaahh!!! Nagkiss na sana kami ni Junjun sa panaginip ko eh!" Sigaw ni baby Kwen habang kakarating pa lang dito ngayon sa first floor na magulo pa yung buhok.
Kaya naman ay napailing-iling nalang si Monica at Zach nang marinig nila 'yon kay baby Kwen.
"Shit! Nasira ang beauty rest ko! Nasayang tuloy y'ong cucumber na nilagay sa mata ko at facial cream." Sabi ni Ameur.
"Ano ka ba naman, ate. Hindi siguro tumalab y'ong cucumber na nilagay mo sa mga mata mo. Ate Ameur, remember. Rest lang walang beauty." Sabi ni baby Kwen.
Kaya naman ay agad na nabasag ang trip ni Ameur. Agad na naglaho ang kaninang maayos na mood ni Ameur.
Nagsitwanan naman sina Mac at ang iba pa nilang mga kasama rito nang marinig ang sinabi ni baby Kwen.
Kaya naman ay agad na napanganga si Ameur nang tingnan si baby Kwen.
"Hay, nako! Ewan ko sa'yo, baby Kwen. Kaunti nalang talaga, Phena. Masasaoak na kita. Kung ano-ano nalang pinagtuturo mo kay baby Kwen." Sabi ni Ameur.
Pagkatapos no'n ay agad na silang sabay na nagpray at pagkatapos ay agad na ring nagsimulang kumain.
"Ahmm... May i-aannounce sana po kami, tita." Nakangiting sabi ni Cai.
"Ano 'yon?" Nakangiting tanong ni Monica.
"Teka po muna. Mas maganda kung tawagan ko rin sina mama at papa." Nakangiting sabi ni Cai.
Pagkatapos no'n ay agad na nagcellphone. Maya-maya pa ay agad na naglakad si Mac patungo sa gawi sa projector at agad na inayos. Maya-maya pa ay agad na nagflash do'n ang nasa screen ng cellphone ni Cai.
Maya-maya pa ay agad din namang nakita nilang lahat ang ka call ni Cai.
"Wooooy! Rasheed, Maurissa, komusta kayo?" Nakangiting tanong ni Monica nang agad na nilapit kay Cai sa kanya ang cellphone.
Habang ang nga nakaupo naman malayo sa gawi nila ay nakatingin ang lahat sa projector upang makita nila ang papa at mama ni Mac. Naririnig din naman ng maayos ang call.
"Ayos lang naman kami. Kayo ba?" Nakangiting sagot at pagbalik tanong ni Maurissa, mama ni Cai.
"Ayos na ayos din naman kami. Saka rito pala kami ngayon nagbabakasyon sa Tagaytay at hindi na sa Laguna. Makulit kasi 'tong si Mac at gusto na rito na raw kami magbabakasyon sa resthouse namin sa Tagaytay." Nakangiting sagot ni Monica.
"Buti naman at nakamove on na kayo." Nakangiting sabi ni Rasheed, papa ni Mac. Kaya naman ay agad siyang siniko ni Maurissa.
"Tita, ano po'ng move on na sinasabi ng papa ni Cai?" Nakakunot noong tanong ni Rule.
Kaya naman ay agad na nagkatinginan sina Monica at Zachat natahamik naman mula sa kabilang linya sina Rasheed at Maurissa.
"A-Ahmm... Dati kasi nabagyohan 'to kaya nagkandasira-sira. Kaya ito, buti nalang at bumalik na muli sa mala paraiso nitong ganda." Nauutal ngunit nakangiting sabi ni Monica.
Kaya naman ay agad na lumiwanag ang mukha ni Rule at agad na napatango-tango.
"So, ano nang sasabihin nyo? Maaya nyo pa naman kaming binulabog." Sabi ni Phena na napakahaba na ng nguso.
"Ahmm..." Sabi ni Cai pagkatapos ay tiningnan si Mac at agad silang nagkangitian sa isa't isa.
Kaya naman ay agad na napakunot ng noo ang lahat. Pati na rin sina Maurissa at Rasheed mula sa kabilang linya ay napakunot ang kanilang mga noo saka nakatingin kay Cai na may mga nagtatanong na tingin.
"Buntis po ako." Nakangiting sabi ni Cai.
Kaya naman ay agad na sabay na nasamid sina Rule at Ximen sa kanilang kinakain. Agad na kinuha nila ang isang basong tubig at dalu-daling ininom.
"Buntis ka?!" Sabay-sabay na sigaw nina Ximen at Rule.
Agad din namang tumango si Cai at nginitian sina Ximen at Rule.
"Ngayon, sino ang weak sa ating tatlo mga tol?" Nakangiting tanong ni Mac at agad na inakbayan si Cai.
"Ang fast mo rin tol ah." Nakangiting sabi ni Ximen.
"Nipressure nyo kasi ako eh. Saka wala maman sa dugo namin ang weak kaya agad ko nang tinanggap ang hamon." Nakangiting sabi ni Mac.
"Waaaah!!! We're so very happy sa inyo mga anak!" Nakangiting sigaw ni Maurissa mula sa kabilang linya habang hawak-hawak ng kanyang dalawang palad ang kanyang magkabilang pisngi.
"Yes! Magkakaapo na ako sa'yo, anak! Salamat, anak!" Nakangiting sigaw ni Zach habang nakatayo at nagpalundag-lundag pa. Agad nitong nilapitan si Mac at hinilot-hilot pa ang magkabilang balikat nito.
"'Yan ang dugong Mondares, anak!" Nakangiting sigaw ni Zach habang hinilot-hilot pa rin si Mac.
"Oh my gosh! Son, magkakaapo na kami sa'yo!" Nakangiting sigaw ni Monica habang abot hanggang langit ang saya na kanyang nadarama.
"I'm speechless. Masaya ako para sa inyo, anak." Nakangiting sabi ni Rasheed, papa ni Cai.
Pagkatapos ay parang pinahid pa nito ang palad sa kanyang magkabilang pisngi.
"Ano ka ba naman, papa. Napakaemotionally weak mo pa rin. Thank you, dahil tanggap ninyo kami kahit na buntis ako." Nakangiti at sinserong sabi ni Cai.
Kasalukuyang nandito nanaman itong isang napakamisteryosong tao. Nakakuyom ang kamao nito at naniningkit ang mga mata habang nakatitig kina Cai at Mac.
"Hindi ako papayag na magkakaroon ng tagapagmana ang Jagouzhelle. Pero good thing, maaari kong gagamitin kay Mac bilang kahinaan ang kanyang mag-ina." Nakangiting sabi sa isip nitong isang napakamisteryosong tao habang pinagmamasdan ang nga nagsisiyahan na sina Mac at Cai.
BINABASA MO ANG
Who Did The Deed? (COMPLETED)
Misteri / Thriller(Published under Chapters of Love Publishing Company) "Waaaaahh!!! Mommy, daddy!!! Sina kuya Mac at ate Cai nagme-makelove nang walang family planning!!!" May isang mayamang pamilya na nakatira sa greenville. Ito ay ang pamilya Mondares. Ang pamily...