Chapter 5

9 1 0
                                    

Matapos no'ng kababalaghang nangyari sa kanila ni Ximen at Phena ay agad nang pumunta si Phena sa kwarto nina Rule.

Ngayon ay bago nanamang umaga at bagong araw ang sumikat dito ngayon sa kanilang resthouse sa Tagaytay.

Kasalukuyang narito sina Ameur at Rule sa pool area at nakaupo sa isang bench. Tila nagpapahangin sila ngayon. Samantalang sina Phena, Ximen, Cai, baby Kwen at Mac ay nando'n sa grass field sa entrance ng resthouse nina Mac.

Naglalaro ng volleyball ang kanilang mga kasama habang sina Rule at Ameur ay nandito sa pool area at kasalukuyang nag-uusap.

Kasalukuyang nag-uusap sina Ameur at Rule habang ang paningin ni Ameur ay nasa pool na may mga maliliit na mga alon na dala ng hangin.

Pinagmamasdan nito ang napakalinaw na tubig ng pool habang si Rule ay nakatingin sa kulay bughaw na langit habang naka shades.

"Rule." Pagtawag ni Ameur.

"Hm?" Tugon ni Rule.

"Anong hm? Tinatawag kita tapos 'hm'? " Naiiritang tanong ni Ameur.

"Anong hm? How much. 'Yon naman ang mga kinocomment ng mga matatanda ngayon na mga mahihilig sa online buying. Hindi na marunong magsalita." Sabi ni Rule

"Hayst, magseryoso ka nga." Sabi ni Ameur at pagkatapos ay napairap nalang dahil sa kalokohang sinasabi ni Rule.

"Oh, sige. Seryoso na." Sabi ni Rule.

"M-May napapansin ka bang kakaiba kay Phena? I m-mean may nahahalata ka bang kakaiba sa jowa mo?" Nauutal at nakakunot noong tanong ni Ameur kay Rule.

"Hmm... Wala naman. Bakit?" Balik tanong ni Rule.

"K-Kasi may napapansin akong kakaiba sa kanya. P-Pati rin kay Ximen." Nauutal na sabi ni Ameur.

"A-Anong kakaiba?" Nauutal at mahinang tanong ni Rule kay Ameur. Ngayon ay bakas na bakas na sa mga mata ni Rule ang kuryosidad.

"K-Kasi kagabi." Panimula ni Ameur.

"Oh? Ano mayro'n?" Nakakunot noong tanong ni Rule.

"T-Teka nga, anong oras ba pumunta ng kwarto nyo si Phena?" Nauutal na tanong ni Ameur kay Rule.

"Mga alas 11 na ng gabi." Sagot ni Rule.

"K-Kasi, narinig kong may kausap kagabi si Ximen habang naliligo ako. H-Hindi ako magkakamali. Naliligo ako no'n sa bagyo nang n-narinig ko talaga ang boses ni Phena na kausap si Ximen. S-Saka kahapon lang din nangyari 'yon. Kahapon nahuli ko nanamang nagmasturbate si Ximen. Kagaya nang dati kapag may vacation tayo ganyan naman talaga si Ximen. P-Pero ang kakaiba lang, m-may narinig akong boses ng babae. P-Parang boses talaga ni Phena." Nauutal at mahabang sabi ni Ameur habang bakas na bakas sa kanyang mga mata ang kasiguraduhan na boses talaga ni Phena ang narinig niya .

"H-Hindi naman siguro. K-Kasi ganito 'yon." Nauutal na sabi ni Rule.

*FLASHBACK*

"Haaaay, nako. Inaantok na ako." Sabi ni Rule. Kasalukuyang nandito na siya sa kanilang kwarto ni Phena.

"Hay nako. Baka nilaro nanaman no'n si baby Kwen sa kwarto ng mommy at daddy ni Mac. Hindi talaga naging mature si love kahit kailan." Sabi ni Rule sa kanyang sarili.

Kadalasan kasi kapag naghahanap ng kalaro si baby Kwen ay si Phena ang kanyang kalaro. Parang bata rin itong nakikipaglaro kay baby Kwen.

Siguro malilito ka pa kung sino talaga y'ong bata sa kanila. Kasi minsan nagiging isip bata si Phena lalong lalo na no'ng mga nakaraang vacation sa resthouse nina Mac sa Laguna. Do'n talaga lumabas ang pagiging isip bata ni Phena.

Likas na nerd no'n si Phena at isip bata. Kaunting pagbabago lang, naging dalaga siya by age. Ngunit ngayon ay medyo sexy na si Phena. Lahat ay nagulat dahil sa glow up niya.

Naging sexy si Phena at napakahot nito. Hindi man lang sinabi sa kanyang mga kaibigan at kahit ni Rule na jowa niya kung ano ang rason at sino ang inspirasyon ng manyang glow up. Tanging ngiti lang ang tinutugon ni Phena noon kapag tinatanong ng mga ganyang tanong.

"Hay, matulog na nga lang." Sabi ni Rule na napailing-iling pa. Pagkatapos at agad na itong humiga sa kama at agad na ipinikit ang kanyang mga mata.

Pagkatapos ng ilang oras ay agad namang napadilat ng kanyang mata si Rule dahil sa biglaang paglubog ng kama. Senyales na may taong humiga rin sa kama.

Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. No'ng naidilat na niya ng maayos ang kanyang mga mata ay agad niyang namita si Phena na para bang mahimbing na itong natutulog.

"H-Hoy, love." Nauutal na pagtawag ni Rule kay Phena habang niyuyugyog ito.

"Hm?" Ungol ni Phena bilang tugon sa pagtawag ni Rule.

"Anong oras ka na ba dumating? Di kita namalayan ah." Nakakunot noong tanong ni Rule.

"Kaninang mga 11 lang." Sagot ni Phena.

"T-Teka anong oras na ba ngayon?" Nauutal na tanong ni Rule.

"Ala una na, love. " Sagot ni Phena.

"Sa'n ka ba galing? Ba't ang tagal mo? Akala ko pa naman mas mauuna ka pa sa'kin rito." Nakakunot noong tanong ni Rule kay Phena.

"S-Sa Balcony lang, nagpapahangin." Nauutal na sabi ni Phena.

"Ahh. Grabe, bilis ng oras. Di ko man lang namalayan madaling araw na pala." Sabi ni Rule.

"Malamang tulog ka. Grabe ka talaga, love. Napakatalino mo talaga. Kaya mas naiinlove ako sa'yo lalo eh." Nakangiting sabi ni Phena ngunit may halong sarcasm ang tono ng pananalita ni Phena.

"Tss, ewan ko sa'yo love." Sabi ni Rule saka muli nalang ipinikit ang kanyang mga mata.

*END OF FLASHBACK*

"S-Sigurado ka?" Nauutal na tanong ni Ameur.

"Oo." Sagot ni Rule na punong-puno ng kasiguraduhan.

"Eh, pumunta naman ako sa balcony at wala naman akong nakitang Phena ro'n." Sabi ni Ameur.

"Baka nakikipaglaro nanaman ni baby Kwen si Phena. Remember? Nag glow up lang siya pero hindi nagbago ang attitude niya. She's still nerdy kagaya ng dati." Nakangiting sabi ni Rule.

"B-Baka gaganti sila sa atin." Nauutal na sabi ni Ameur na bakas na bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"No, darling. Si Ximen lang ang malibog tas kaya lang niyang magjakol. Si Phena naman naging sexy at hot pero isip bata pa rin. Kalaro nga niya nanaman si baby Kwen. Hindi sila magagalit at hindi nila tayo mahuhuli. Unless kung sasabihin mo sa kanila na may affair tayo." Nakangiting sabi ni Rule pagkatapos ay kinindatan pa si Ameur.

"Makakaasa kang lihim lang 'yon. Hindi 'yon kakalat, darling." Nakangiti rin namang sabi ni Ameur at pagkatapos ay napakagat nalang ito sa pang-ibaba niyang labi.

Pagkatapos no'n ay sabay na silang nagtungo papunta sa grass field kung saan naglalaro ngayon sina baby Kwen at ang iba pa nilang mga kasama.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon