Kasalukuyang nandito na sina Ameur at Rule sa grass field kung saan naglalaro ng volleyball sina Mac, Cai, Phena at Ximen.
"Oh? B-Ba't sila ang naglalaro? Akala ko ba nakikipaglaro nanaman ngayon si Phena kay baby Kwen?" Nakakunot noong tanong ni Ameur kay Rule.
"Ewan, siguro natutulog lang y'ong bata." Sagot ni Rule na nagkibit balikat pa habang binigkas ang mga salitang 'yan.
Kasalukuyang masayang nagv-volleyball ang kanilang mgs kasama. Magkakampi sina Cai at Mac habang magkakampi rin sina Ximen at Phena. Kasalukuyang nakangiting naghahanda sa pagserve si Phena.
Pagkatapos ay hindi nagtagal at agad nang niserve ni Phena ang bola. Agad nang lumipad ang bola sa ere at ang lahat ngayon ay nakatingin na sa bolang lumilipad.
Pagkatapos ay malapit nang tatama ang bola sa gawi ni Cai. Kaya naman ay agad din nitong tinira ang bola na naging dahilan ng muli nanamang paglipad ng bola sa ere.
Kaya naman ay nakatutok nanaman ang mga mata at atensyon ng lahat sa lumilipad na bola ngayon.
Nakita naman ng lahat ang bola na malapit nang maglanding sa gawi ni Ximen kaya naman ay agad na tinira ng nakatopless na si Ximen ang bola.
Nakatopless si Ximen kaya naman ay kitang kita ng lahat ang naglilitawan nitong anim na mga pandesal. Si Ximen ay kulay kayumanggi ang balat at singkit ang mga mata. Isang chinito na moreno.
"See? 'Yan ang sinasabi ko sa'yo, Rule. Dapat ay hindi tayo magpapakampante. Dapat ay bantayan natin ang bawat galaw nina Phena pero sina Cai, Mac at XIMEN pala ang kalaro niya." Sabi ni Ameur kay Rule na diniinan pa ang pagkakasabi ng pangalan ni Ximen.
Habang ang mga mata naman ni Rule ay nasa naglalaro nilang mga barkada.
Abot hanggang tainga ang ngiti ng kanilang mga barkada habang naglalaro.
"Sa tingin ko ay ikaw lang naman talaga ang naglalagay ng malisya sa ginagawa nina Phena at Ximen, darling." Sabi ni Rule.
"Hindi. Alam kong mahirap kang kumbinsihin, Rule. Pero sana kahit itong sinasabi ko sa'yo ngayon ay makumbinsi ka na dapat nating tututokan ang ating mga jowa. Ayaw mo namang mawala sa'yo si Phena diba? Ayaw mo naman sigurong bumagsak y'ong negosyo nyo diba?" Tanong ni Ameur kay Rule na pilit na kinukumbinse si Rule.
"Syempre naman. Gagawin ko ang lahat para patuloy pa ring susuportahan ng pamilya ni Phena ang negosyo ng pamilya ko." Sagot ni Rule.
Halatang halata sa kanyang mga mata na buong buo ang kanyang desisyon na ayaw niyang may makaagaw kay Phena sa kanya.
"'Yon naman pala eh. Sana kahit ito man lang, Rule. Sana man lang, makumbinse kita." Sabi ni Ameur.
"Okay, fine. P-Pero darling, m-mahal ko talaga si Phena. M-Minsan iniisip kong mali 'tong ginagawa natin. N-Nakokonsensya na ako. Sa tagal na nating ginagawa ang mga hindi dapat ginagawa. Saka sa tagal na rin natin silang pinagmumukhang tanga." Nauutal na sabi ni Rule at bakas na bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong nararamdamang konsensya at pagsisisi.
"S-So, ayaw mo na sa'kin?" Nauutal na sabi ni Ameur.
"O-Oo." Nauutal na sagot ni Rule at napapikit nalang ito ng mariin.
"Rule, come on. Alam kong minahal mo lang siya dahil nag glow up na siya. Saka minahal mo lang siya dahil para maisalba ang negosyo ng pamilya mo." Sabi ni Ameur.
"H-Hindi, dahan-dahan ko na siyang natututunang mahalin. S-Sorry, Ameur." Nauutal na sabi ni Rule.
"H-Hindi. Hahalikan kita ngayon pag sasabihin mo 'yan ulit" nauutal na sabi ni Ameur na may nanlalabo nang paningin. Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa unti-unti nang namumuong mga luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Who Did The Deed? (COMPLETED)
Misterio / Suspenso(Published under Chapters of Love Publishing Company) "Waaaaahh!!! Mommy, daddy!!! Sina kuya Mac at ate Cai nagme-makelove nang walang family planning!!!" May isang mayamang pamilya na nakatira sa greenville. Ito ay ang pamilya Mondares. Ang pamily...