Chapter 31

3 0 0
                                    

Kasalukuyang nandito si Phena sa first floor at nagcocomputer sa isang cubicle. Nandito na siya ngayon kung saan ginanap ng video activity kasama ang kanyang studyante na si baby Kwen.

Kasalukuyang nasa kalagitnaan sa pagcocomputer si Phena nang biglang sumulpot si baby Kwen sa kanyang tabi.

"Oh, baby Kwen. Anong ginagawa mo rito?" Nakakunot noong tanong ni Phena.

"Nakita nyo po ba si Sharmaine? Hindi ko po kasi siya nakikita ngayon mula no'ng nagbreakfast tayo." Tanong ni baby Kwen.

"Ahh. Nando'n siya sa kwarto ng kuya Mac at ate Cai mo." Sagot ni Phena.

"Ahh." sabi ni baby Kwen at pagkatapos ay napatango-tango pa. Pagkatapos ay agad nang tumalikod si baby Kwen.

"Baby Kwen." Pagtawag ni Phena.

Kaya naman ay muling napaharap si baby Kwen kay Phena. Nang tingnan niya si Phena ay tila nakangiti na ito ngayon at abot hangang tainga ang ngiti.

"Ano po 'yon, ate?" nakakunot noong tanong ng walang kamuang-muwang na si baby Kwen.

"Gusto mo bang matuto ng another lesson?" nakangiting tanong ni Phena.

" Ano po bang lesson, ate?" nakakunot noong tanong ng walang kamuwang-muwang na si baby Kwen.

"RP." nakangiting sagot ni Phena.

"Ano po ba 'yon, ate?" tanong nanaman ni baby Kwen.

"Basta. Halika rito." sabi ni Phena na ibinigay pa kay baby Kwen ang isap ang upuan na katabi ng inuupuan ni Phena.

Kaya naman ya agad na umupo si baby Kwen at pagkatpaos ay agad niyang tiningnan ang screen ng computer.

"Mira Chivaree. Sino po 'yan, ate?" nakakunot noong tanong ni baby Kwen.

"Ako." nakangiting sagot ni Phena.

"Huh? Eh, Phena Tamayo po kayo ate eh." sabi ni baby Kwen.

"Baby Kwen, RP means Role Play. Lahat ng nandito sa mundo ng RP ay fake, means peke. Maraming mga nagkakarelasyon rito sa RP at kadalasan ay 'yon pang mga taong pinagbabawalan ng kaniang mga magulang na magjowa sa RW dahil honor sila at baka makaapekto sa pag-aaral. Everythng in RP is fake, pati ang pagmamahal ay fake. Kung minahal mo ng totoo, talo ka." pagpapaliwanag ni Phena.

"RW?" nakakunot noong tanong ni baby Kwen.

"Real World. Real World kung saan tayo gumagalaw ngayon, baby Kwen. RPW means Role Play World, ang mundo kung saan nasa computer or other gadgets ka lang gumagawa. Bawal dito ang magpapakita ng face dahil nasa golden rule. Pero may mga over confident na akala mo naman maganda tulad nito. Akala mo naman maganda. May mga matitigas talaga ang mukha, baby Kwen. Nagpapakita ng mukha kahit na bawal at ang tawag sa kanila ay toxic." mahabang sabi ni Phena.

" Alam mo, baby Kwen? Ang mga relasyon rito kadalasan nasa hours, days at weeks lang. Pero mayro'n pa rin namang mga nagseseryoso na umaabot ng years. Pero kadalasan talaga na nagkakarelasyon rito ay nauuwi sa hiwalayan. Saka alam mo ba na may jowa ako rito? Pero syempre fake lang. Kasi may jowa siya sa RW so kwits lang kami." sabi ni Phena.

"Hala. Chat mo siya, ate. Promise di kita isusumbong kay kuya Rule." nakangiting sabi ni baby Kwen na niyuyugyog pa ang braso ni Phena,

"Sige, mamaya kapag online na siya." nakangiti rin namang tugon ni Phena.

"Ngayon ay makikipaglandian muna tayo, baby Kwen. Ngayon ay gagawin muna natin ang challenge na tinatawag na isasayaw." nakangiting dagdag ni Phena.

"Ano po'ng challenge 'yan?" nakakunot noong tanong ni baby Kwen."

"Isasayaw challenge. Y'ong magp-play ang lyrics ng kanta na 'Isasayaw' tapos may fake pictures syempre dahil nasa rp ang kachallenge ko. Tapos scroll lang nang scroll pero una sa lahat ay magmemessage ka pa muna ng 'Isasayaw' tapos port mo then rereplyan ka niya ng karugtong na lyrics saka port niya. Gano'n." mahabang pagtawag ni Phena.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon