Kasalukuyang nandito pa rin si Mac sa loob ng kanilang kwarto ni Cai. Kasalukuyan pa ring nakaupo si Mac sa kanyang kama habang nakatitig sa kawalan. Kasalukuyan pa rin nitong inaalala ang nangyaring pagtatalo nila ni Cai.
Bakas na bakas sa kanyang mga mata na binabalikan nito ang naganap na pagtatalo nilang dalawa ni Cai.
*FLASHBACK*
"Gusto mo lang naman palang malaman nila na masama ang kanilang ginawa eh. Hon, malaki na sila. Alam na nila kung ang ginagawa nila ay tama o hindi! Masasabihan naman natin sila at hindi na kailangan pang idaan sa open forum!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Mac.
Kaya naman ay agad na napatulala si Cai kay Mac. Kasalukuyang nakatingin si Cai kay Mac ng may nanlalabong paningin dahil sa unti-unting namumuong mga luha sa kanyang mga mata.
"S-Sorry, n-nasigawan kita." Nauutal na sabi ni Mac.
"K-Kung ganitong hindi tayo magkakasundo. K-Kung ganitong magjowa pa lang tayo ay hindi na tayo magkakasundo. P-Paano nalang kung maikasal ako sa'yo, Mac?" Nauutal na sabi ni Cai habang nakatingin pa rin kay Mac. Nagsisimula nang mag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
"L-Look, I'm sorry. Nabigla lang ako, hon. P-Please, I'm sorry." Nauutal na sabi ni Mac na ngayon ay tila nagsisimula nang pagpawisan ang kanyang noo.
Tila pinagpapawisan na ngayon si Mac ng mga malalaking butil ng pawis. Pinagpapawisan ngayon si Mac ng isang napakalamig na pawis. Pinagpapawisan ang kanyang noo at ang parte ng kanyang mukha sa lagayan ng bigote.
"Sorry? M-Matapos mokong sigawan? B-Bakit, Mac? Ha?! Ineexplain ko lang naman sa'yo y'ong side ko ah! Nagpapaliwanag lang ako tas sinisigawan mo na ako agad! 'Yan ang problema sa inyong mga lalaki eh, napakasuperior nyo! Gusto nyo lagi kayong nasusunod tapos 'pag hindi nasusunod ay gagamit kayo ng babae para pagselosin kami! W-Wala ba akong karapatan, Mac?" Nauutal na tanong ni Cai na ngayon ay patuloy pa rin sa pangingilid ang kanyang luha.
"S-Sorry, h-hindi ko sina..." Hindi na natuloy ni Mac ang kanyang sasabihin nang biglang dumapo ang palad ni Cai sa kanyang kaliwang pisngi. Dahil sa lakas no'n ay napalingon si Mac sa bandang kanan.
"Ewan ko sa'yo!" Sigaw ni Cai pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng kwarto.
*END OF FLASHBACK*
"Shit! Ba't ba naman kasi ginawa ko pa 'yon?!" Nanggagalaite sa galit na sigaw ni Mac at pagkatapos ay agad na pinagsusuntok ang unan. May mga nanlalabo na ngayong mga tingin si Mac dahil sa unti-unti nang namumuong mga luha sa kanyang mga mata.
"Tama na 'yan." Sabi ng kung sino.
Kaya naman ay agad na napatigil si Mac sa pagsusuntok sa unan. Tila napako ito sa kanyang pagkakaupo rito ngayon sa kama.
Pagkatapos ay dahan-dahang napalingon sa pinanggagalingan ng isang napakapamilyar na boses.
"H-Hon." Nauutal na pagtawag ni Mac. Nang nilingon niya ang pinanggalingan ng pamilyar na boses ay nakita niyang nakatayo sa may pintuan si Cai.
BINABASA MO ANG
Who Did The Deed? (COMPLETED)
Misterio / Suspenso(Published under Chapters of Love Publishing Company) "Waaaaahh!!! Mommy, daddy!!! Sina kuya Mac at ate Cai nagme-makelove nang walang family planning!!!" May isang mayamang pamilya na nakatira sa greenville. Ito ay ang pamilya Mondares. Ang pamily...