Chapter 16

8 0 0
                                    

Kasalukuyang nandito pa rin sina Cai at Mac sa kanilang tent. Kasalukuyang nakatingin ngayon si Cai kay Mac na ngayon ay nakatingin mula sa kawalan.

"Oh, nakatulala ka naman hon. Ano nanaman ba iniisip mo?" Nakakunot noong tanong ni Cai kay Mac. Bakas na bakas sa mga mata ni Cai ang pag-aalala.

"W-Wala." Nauutal ngunit nakangiting sagot ni Mac at pagkatapos ay tumingin kay Cai.

Nakatingin na ito ngayon kay Cai ng may nanlalabong paningin dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata.

"I know you, hon. Please, Mac. Umamin ka naman sa'kin. Ano bang iniisip mo?" Nakakunot noong tanong ni Cai kay Mac.

"N-Naaalala ko nanaman kasi y-y'ong n-nangyari sa amin rito noon." Nauutal na sabi ni Mac at ngayon ay nagsimula nang pumatak ang kanyang luha.

Binigkas ni Mac ang mga salitang 'yan na bakas na bakas sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Ano ka ba? 'Wag mo na nga alalahanin 'yon. Total patay naman na y'ong taong pumatay sa mga lolo at lola mo. It means na wala nang makakapanakit pa sa atin rito ngayon." Sabi ni Cai habang hinagod-hagod ang likod ni Mac.

"P-Pero ba't gano'n? K-Kahit gano'n ang iniisip ko ay parang may mali pa rin eh. P-Parang may mga matang nakatingin sa bawat galaw na ating ginagawa rito ngayon. P-Parang may kasama tayong ibang tao na hindi man lang natin nalalaman." Nauutal na sabi ni Mac na ngayon ay nag-uunahan na sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

Bakas na bakas sa mga mata ni Mac ang pag-aalala.

"S-Sigurado ka?" Nauutal na tanong ni Cai.

"P-Pakiramdam ko lang. H-Hindi pa ako nakakasigurado. N-Nararamdaman kong parang may kasama tayo ngayong ibang tao rito sa resthouse nang hindi man lang natin napapansin o nakikita pero tayo ay binabantayan. Binabantayan ng taong kasama natin ngayon rito ang bawat galaw natin. P-Parang may iba tayong kasama nang hindi man lang natin nalalaman na inimbita pala natin sila at nandidito pala sila." Nauutal na sabi ni Mac.

"Siguro kaya naiisip mo 'yan ngayon dahil sa nasaksihan mong karumal-dumal na kamatayan ng lolo at lola mo noon." Sabi ni Cai na tila pinapakalma si Mac.

"P-Pero iba eh." Nauutal na sabi ni Mac.

"Pa'nong iba?" Nakakunot noong tanong ni Cai na ngayon ay bakas na bakas na sa kanyang nga mata ang pag-aalala.

"B-Basta, hindi ko maipaliwanag. Basta isa lang ang sigurado ako. May mga matang nakatingin sa atin rito ngayon at binabantayan ang bawat galaw natin. Sa madaling salita, may kasama tayong ibang tao rito ngayon." Sabi ni Mac.

"S-Sige, dapat ay masabi natin kaagad kina tito at tita 'yang sinabi mo." Sabi ni Cai at pagkatapos ay niyakao ng napakahigpit si Mac.

"A-Ayokong m-may magaganap nanamang karumal-dumal na krimen rito, hon. A-Ayoko nang masaksihan ang mga patayan. S-Saka ayokong may mamamatay nanaman rito. N-Noon, ako ang pumili na dito kami magbabakasyon kasi maganda. Tapos nangyari y'ong karumal-dumal na krimen. Tapos n-ngayon ako nanaman ang pumiling dito magbabakasyon. A-Ayokong may mawawala nanaman nang dahil sa'kin." Nauutal na sabi ni Mac na ngayon ay nag-uunahan nanaman sa pagbagsak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

Pagkatapos ay tumugon rito ng isang napakahigpit na yakap kay Cai.

"'Wag kang mag-alala. Sigurado akong walang mangyayaring masama rito sa atin ngayon. Saka kung mayro'n man ay nandito naman sina Phena at Ximen, mga blackbelt 'yan at sanay sa away. Alam mo naman y'ong mga 'yon. Hinding hindi magpapahuli ang dalawang 'yon sa pakikipagbasag-ulo." Pagmamalaki ni Cai.

Who Did The Deed? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon