Chapter 19
Lyra's POV
"Ano ba talagang kelangan mo sakin?"nakakabadtrip na talaga.
"Alam mo na naman diba gusto kita."nanlaki ang butas ng ilong ko.
"Wow! Ganon lang? Oh tapos? Anong gusto mong gawin ko ngayong gusto mo ako? Hindi porke nagsama tayo sandali nung Christmas eve eh nangangahulugang close na tayo, kasi sa totoo lang, I despise you."
"Hard! That's why I like you more."sabay wink niya sakin. Shucks!
"Magkapatid ba talaga kayo ni Alvenn? Kung siya hirap na hirap magsabi ng nararamdaman ikaw at heto pinangangalandakan sa harap ko. Alam ko na ang mga lalaking gaya mo. Ikaw 'yung tipo ng lalaki na nacha-challege sa malditang kagaya ko. Hindi matanggap ng ego mo na may babaeng ayaw sa'yo. Once a playboy, will forever be a playboy."
Nabigla ako ng ipadyak niya ang paa sa daanan. "Bakit ba ang sungit mo? Lalo tuloy akong napapamahal sa'yo."
"Wow! Boy pick-up ikaw ba 'yan? Muling nagbabalik?"pambabara ko pa rin. Hmp! Akala ng isang 'to madadala ako sa kagwapuhan niya lang. Never.
"Of course not, I'm Wency Padilla but one day I will be your boyfriend. And you will be mine. If that happens, magsisimula na ang forever natin."
"Shut up! Walang forever 'nu. Palabas meron 'yung kay Enrique Gil na Forevermore pero hanggang sa TV lang ang forever! No, kahit nga palabas nila magwawakas din eh. So wala talagang forever."tapos tinalikuran ko siya at mabilis akong nakapasok sa school namin.
"Hey!"narinig ko pa siyang sumisigaw.
Hmp! Hanggang dyan ka na lang boi. Bawal ang outsider dito sa campus namin. Bwahaha!
Maarteng nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Good afternoon, Lyrang sungit."bati ng lalaki kong classmate.
Tinanguan ko lang siya. Nasanay na rin akong Lyrang sungit ang tawag ng mga kaklase ko sakin.
Naupo ako sa pwesto ko. May lumapit na babae sakin.
"Girl,"untag ng classmate ko. "Naibigay mo ba kay Alvenn ang pinabibigay ko sa'yo?"
"Huh!?"wala sa loob na tanong ko sa kanya. "Alin?"
"Luh, alin pa ba eh di 'yung number ko. I told you to give it to him, right? I thought ilalakad mo ako sa kanya."nakangusong sabi nito.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...