Chapter 17
"Bro?"
Pupungas-pungas na bumangon ako.
"Why?!"singhal ko sa nakatayong si Wency. "Ang aga pa para sirain mo ang araw ko!"
May ipinakita siyang papel sa mukha ko. "Ano 'yan?"
"Can't you see? Address 'to kung saan nandun ang best friend mo."sabay wink niya sakin. Biglang nagising ang natutulog kong diwa at akmang hahaklitin ko sa kanya ang papel pero inilayo niya. "Give me that! Where did you get it?"
Umiling-iling siya sabay ngiti. "Tumawag sakin ang private investigator at ibinigay ito."
"Give me that!"inis na sikmat ko.
"Only when you sign here."sabay abot sakin ng bond paper.
"Ano na namang kalokohan ito?"tanong ko pa.
Inabot niya sakin ang ballpen. Wow. Prepared talaga siya, effort kung effort. Ibang klase talaga ang lalaking 'to. "Mahirap na baka mamaya kasi magbago ang isip mo pag nakuha mo na ang gusto mo. Kaya naman gumawa ako ng contract, here bro, sign it here."sabay turo ng pangalan ko sa babang bahagi ng contract na binigay niya.
Pinasadahan ko ito ng mabilis na mabasa. May isinulat pa akong karagdagan dahil hindi pa ako satisfied. Pagkatapos ay pumirma na ako. "I'm done here. Where's the address?"inabot niya sakin ang listahan ng lungga ni Jean Paula.
"Ano to?!"sigaw ko. "Pinaglololoko mo ba ako Wency Padilla?!"napatayo ako sa inis.
"Of course not. Hahaha. Ikaw naman kasi bro, may pa beach beach at resort ka pang nalalaman nasa Bulacan lang naman pala siya. Akala ko ba nagpakalayo? Malayo ba naman 'yan? Wuahaha! Ang epic niyo talagang magkakaibigan! Bwahaha!"ang saya niya halos gusto kong pasabugin ang unan sa mukha niya.
"Badtrip! Kung alam ko lang ba eh! Binabawi ko na ang deal natin!"
"Hep hep!"sabay wagayway niya sa papel na naglalaman ng kasunduan namin. Naikuyom ko ang kamay ko. Putek! Bakit pakiramdam ko naisahan ako ng idiot na ito.
"Lumabas ka na nga!"pagtataboy ko sa kanya. "Bakit ba lagi kang nandito? Taga rito ka na ba? Tsk!"pumasok na ako sa banyo upang mag shower.
Ora mismo ay pupuntahan ko si Jean Paula.
• •
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...