Picture description: Ayan mukha kapag niya ng masampal ng phone sa mukha. Nyahaha! Aray ko Bhe! :3
Chapter 24
Jean's POV
"Nandito na kaming lahat ikaw na lang 'yung wala." sabi ko sa kanya. "Seryoso ako Xairus naiinip na sila. Sus! Oo na sige na." pinatay ko na tawag at bumaling sa mga kaibigan kong namumuti na ang mga mata kakahintay. Kanina pa kaming one pm dito sa mall kung saan gaganapin ang premiere ng Rorouni Kenshin Inferno na isang Japanese Movie.
"Anong sabi? Saan na raw ba siya?" ungkat ni Khim.
Sumimangot si Juna. "Naiinip na ako mga friend. Kung alam ko lang sana pala isinama ko si Ba." tukoy niya sa boyfriend.
Naupo na ako ulit sa pwesto ko. "Super pasensya sabi niya. Nahihiya raw siya sa atin ng sobra kasi two hours niya nga tayong pinaghintay. Nagkaroon lang daw ng konting aberya at inayos niya muna. Bilang kapalit at pampalubag loob sagot niya na lang daw ang ticket at foods natin." unti-unti at isa-isang nag-iba ang hilatsa ng mga mukha nila.
Nagsiunat ang mga kunot na noo. "Talaga? Mabuti naman naayos na niya ang aberya. Hay salamat! Concern ako sa kalagayan niya." saad ni Altheia.
"Ayan tayo eh nakarinig lang ng libre agad-agad concern?" bwelta ni Rodel. "Pero concern din ako sa kanya mas concern nga lang ako sa kung anong ililibre niya satin. Seafood? Buffet? Ano bang masarap guys?"
Hinampas naman siya isa-isa ng mga katabi niya sa upuan. "PG ka na rin ba?!" sita ni Khim. "Pero apir tayo dyan. Iisa talaga ang lukaw ng bituka natin, mah niggas!"
"Shut the mouth the nigga we're talkin' bout is comin'." mahinang babala ni Jestine samin.
"Hey! Gangers, I'm really sorry." agad na paumanhin ni Xairus paglapit na paglapit samin. Nagtayuan naman kami isa-isa.
"O-okay lang 'yun ano bang nangyari sa'yo?" tanong ko naman.
"Napaaway kasi 'yung kaibigan ko na dapat kasama ko nga ngayon ayun na-badtrip umuwi na lang." explain niya samin. Tiningnan naman niya kami isa-isa. "Where's your bestboy friend?" he asked.
Patay tayo dyan. Sinabi na nga ba hahanapin niya si Vin eh. The truth is, nandito na siya kanina kaso maarte ang lalaking yun at ayaw ng pinaghihintay kaya ang ending after an hour of waiting inis na nag walk-out na lang bigla. Walang lingon likod na tumayo at naglakad na palayo samin. Syempre na-badtrip na rin ako hindi ko na siya hinabol. Ano siya pa-chix? Tsk.
"Wag mo ng hanapin ang wala di--" pinutol ko na lang ang sasabihing kadaldalan ni Altheia.
"He's busy at the moment. So, paano tara na?" pag-iiba ko sa usapan.
Pesteng lalaki kasi 'yun kahit kelan feeler. Akala naman niya aamuin ko pa siya? Manigas siya. If I know makikipagkita lang siya sa mga ka-Clan niya sa game niya na ewan. Hmp! Bangis niya talaga. Sarap niyang araruhin.
"Alam ko na nagugutom na kayo so it's better if we'll eat first before we buy our tickets." Xairus said matter of factly.
Nagtinginan na lang kaming magkakaibigan at nakakaunawang napangiti. Kanina pa kasi talaga kaming nagugutom at nagbabalak na kumain nga sana muna. Mabuti na lang pala talaga hindi agad kami nakagastos sayang din 'tong libre. Ang usapan kasi kanina si Vin ang manlilibre tonight kaso nag walk-out nga.
Pumasok kami sa isang sikat na Grill's restaurant. Bumaha ang mga orders na pagkain at galit-galit na nagsikainan. Halatang-halata talaga na gutom kami. Hahaha. After naming kumain naglakad na kami papunta sa bilihan ng tickets. Tapos bumaba kami at nag-abang sa pagdating ng mga Rurouni Kenshin's stars.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...