Chapter 32 Drifted apart

19 4 0
                                    









Chapter 32




Alvenn's POV




Pumasok kaming magkakaibigan sa private room ng Mama ni Jean Paula. Kahapon isinugod pala ang Mama niya sa hospital hindi ko naman alam kasi bigla na nga lang siyang umalis. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero walang tao.


Tinatawagan ko siya pero unattended ang phone niya. Kay Lyra ko lang nalaman na nasa hospital sila. In-i-inform ko agad sa GK ang balita at inaya silang dumalaw.


"Potchi," tawag ko sa kay Lyra.


Nagsilapit namam agad ang mga kaibigan ko sa Mama ni Jean. "Tita Salve musta po ang pakiramdam niyo?" tanong ni Altheia.


Tumango si Tita. "M-medyo ayos na. Salamat sa pagdalaw." tugon ni Tita Salve.


Bumaling ako kay Lyra. "Nasaan ate mo?"


Awtomatikong sumagot si Lyra. "Hindi ko rin alam eh. Maaga siyang umalis kanina. Mukhang may pupuntahang importante."


"Wala ba siyang dalang phone? Unattended kasi kagabi pa." himutok ko.


Tinuro ni Lyra ang phone ni Jean Paula na naka-charge sa sulok. Ay kaya naman pala out of reach.

Ibintang ko na ang mga dala naming pagkain para kay Tita Salve. Bumili ako ng prutas at cake. Nag-ambagan naman ang GK at nag-grocery para sa kakainin ng mga bantay sa hospital.


"Salamat gangs." sabi ni Lyra. "Siguro parating na si ate hintayin niyo pa ba?" tanong ni Lyra samin.


Kampanteng naupo kami sa couch. Mahinang nag kwekwentuhan lang ang GK. "Private hospital 'to diba? Eh di malaki billings dito, sapat kaya ang pera nina Brad?" dinig kong bulong ni Rodel.


"Noong isang araw lang nga nagrereklamo si Paula Jean na kesyo ang laki raw ng gastos ng Papa niya dahil sabay sila ni Lyra na may binayaran.." sabi ni Khim.


"Anong gagawin natin?" tanong ni Jestine. "Saan tayo kukuha ng pera na upang itulong kay Brad?"


"Magpa-auction kaya tayo? Or fund raising? Urgh!" frustrated na suggest ni Altheia.


"Sshhh!" saway ko sa kanila. Baka maalimpungatan si Tita Salve sa bulungan nila. Si Lyra naman nakaidlip na rin sa kabilang kama mukhang puyat sa pagbabantay. Naalala ko si Wency hindi pa nga pala niya alam, tatawagan ko na lang siya mamaya para sabihin.

Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon