Chapter 30
Lyra's POV
"Ate!!" humahangos na sigaw ko pagpasok sa kwarto namin.
"Ano??" she asked.
"Totoo ba??" tanong ko ulit.
"Alin??" tipid at iritableng tanong naman niya.
Naupo ako sa kama ko. "Totoo bang magkakaroon na tayo ng kapatid? Nagdadalang tao si Mama at-" hindi pa ako tapos magsalita ng putulin niya ang sinasabi ko.
"Oo! At ayokong pag-usapan ang bagay na 'yan." nagdadabog na sagot niya.
Problema niya? "Ayaw mo ba?" I asked. "Bakit?"
Nagdadabog na bumangon si ate. "Pakialam mo ba?!" tapos lumabas ito ng kwarto.
"Ang weird mo!" pahabol kong sigaw.
Ayaw niya samantalang ang saya nga magkaroon ng panibagong kapatid. Hmp! Binuksan ko ang phone at nagstatus sa FB. Habang nag-i-scroll ako napansin ko ang uploaded image ni Wency na may kasamang babae.
Bigla akong nairita sa aking nakita. "May kalandian na agad na bago?" kakainis naman ang isang 'to.
Sabagay bakit ba ako nagagalit kung at the first place ako naman iyong nanloko sa kanya. Tama siya na sinagot ko lang siya para pahirapan. Pero alam mo iyong sa kabila ng lahat ng nangyari tsaka ko na-realize na mahal ko na pala siya. Ang problema wala akong lakas ng loob na makipag-usap sa kanya. Hayyy! Ngayon nakahanap na siya ng iba.
Malungkot at nasasaktang clinick ko ang name niya. Agad-agad ay nasa profile na niya ako. Ito ang naging trabaho ko after namin maghiwalay. Naging tambay ako sa profile niya. Lahat ng updates sa buhay niya nalalaman ko kapag nagpo-post siya sa facebook. Until now nanghihinayang pa rin ako sa desisyong nagawa ko. That night narinig ko noong nag-confess siya sa bar. He is right. I was at the corner, watching him as he said how much he loves me. Hindi ko lang alam kung bakit naduwag akong lapitan siya sa stage. Natakot ako para ipaglaban yung nararamdaman ko para sa kanya. Sobrang daming inhibitions, and the result was this.
Masaklap talaga minsan pag nagmahal ka, akala mo kaya mo lahat. Akala ko nga matapang na ako eh, ang lakas ng loob ko na mag-advice kay Alvenn dati samantalang heto ako at mas duwag pa sa kanya. Dumarating pala talaga sa point na kahit gusto mo, kahit mahal niyo ang isa't-isa..may point na matatakot ka pa rin. That fear was so powerful and it made me this way. That fear made me into a looser. I lost him right there and then.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...