Chapter 10 [x] Merry [/] Christmas

115 5 4
                                    

Chapter 10

"Best brad!"tapos kinalabit niya ako. 

"Yes, best brad?"tanong ko naman sa kanya. 

"Halika! May ipapakita ako sa'yo."hinila niya ako sa kamay papunta sa ibayong bahagi nitong farm.

"Anong meron?"Pilit ko siyang kinakausap habang hila-hila ako sa kamay.

Huminto kami sa malawak na damuhan. Pag tingin ko sa harap ko nasa isa pala kaming cliff at sa ibaba ay may malawak na asul na asul na dagat.

Alam mo yung pakiramdam na halos lumuwa ang mata mo sa sigla? Ganito talaga 'yun.

"What the B to the H! It's BEACH!!"di makapaniwalang sigaw ko. 

Bigla niya akong inakbayan. EDI WOW? First time niya lang ulit akong akbayan after the past months. After ng mga nangyari samin. Ang pagiging cold niya at awkward.

Hindi ko na nga lang papansinin ang akbay niya.

"Ang ganda diba?"baling na tanong niya. 

Tumango ako. "Oo sobraaa!"tapos hinahampas pa ng hangin ang buhok ko.

Hinila niya ang kamay ko at naupo kami sa damuhan. 

Bakit parang ang weird niya na naman? Kinakabahan na ako sa kanya. After nung kidnapping incident bigla siyang bumalik sa dati. As in parang walang nangyari. Yung tipong okay lahat. Hindi siya nagkwekwento ng kahit ano regarding sa cold incident na nangyari hindi na rin naman ako nag-ungkat pa. I just go with the flow.

"Gusto mong makarinig ng kwento?"basag niya sa katahimikan. 

"Gege. Push."I answered.

"May isang robot na naimbento ng mga Hapon. Napakahusay ng robot na ito. Nagagawa nitong makahuli ng mga sampung magnanakaw sa loob lang ng isang minuto."kwento nito.

Interesado akong humarap sa kanya. "Oh tapos?"

"Para mapatunayan ang kahusayan ng robot dinala siya sa America upang i-test. Tapos, ayun maraming nahuling magnanakaw ang robot. Para mas mapatunayan pa rin ang kahusayan ng robot dinala siya sa China. Eh di ang dami na namang nahuling magnanakaw.."huminto siya sa pag sasalaysay.

Hinampas ko ang braso niya. "Ano pa?"

"Ngayon, dinala siya sa Pilipinas..tapos ayun pinakawalan na 'yung robot para makapanghuli nga ng mga magnanakaw..wala pang sampung segundo. Alam mo kung anong nangyari?"

Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon