Chapter 34
Khim's POV
"Sows! Ayun lang ba?" tanong ko sa kanya. "Bakit ba interesado ka sa friendship nung dalawa? Hindi ka makapag move-on, eh totoo namang magkaibigan lang sila.." kausap ko kasi ngayon sa phone si Viceral. Binalita niya sakin na nag-guest si DJ at PJ sa show niya. "Ewan ko sayo. Ano pa bang angal mo eh close rin naman kayo ni DJ? What? Her ex?" tinatanong niya ako kung sino daw ang ex-bf ni PJ. "I-i don't know. Basta hindi celebrity pero gwapo at hot. Kaso wala na sila nag-break din sila nung college." totoo naman lahat ng sinabi ko. Kaya nga lang ayoko ng idetalye pa kasi pag nalaman niya na magkakaibigan kami pati ang ex ni PJ baka magkaroon ng leak sa media sa sobrang daldal ng bruha na ito. "Wala nga! Ikaw tantanan mo si PJ," babala ko sa kanya.
Nakasakay ako ngayon sa van papunta sa mall show ko. "Sige ka, kung gusto mong maging close ang awarded action actress na si PJ p'wes wag mong ungkatin ang past niya. Heed my advice 'cos I know her better than anyone else." Nagpaalam na kami sa isa't-isa bago siya nag-end call.
Bruhang bakla at ako pa ang pinatayan ng tawag. Hahaha. Sumandal ako sa kinauupuan at nag-scroll sa phone. Walang paramdam sa GK ah. Busy kasi sa business namin.
After four years, natupad din ang pangarap namin na magtayo ng sarili naming business. Naghati-hati kaming GK sa puhunan. Ngayon may dalawang chains na ang restaurant namin. Syempre pa dahil sikat na sikat si PJ at ako naman ay na-discover na singer, hayun at kami na rin ang model ng aming resto.
Nag-group chat ako sa kanila gamit ang facebook messenger. "Annyeong haseyo GK! Musta ang business? Sinong toka sa main office ngayon? Dadaan ako dyan mamaya after ng show ko."
Biglang may sumagot. "Aynako, busy kami may event mamaya rito. Next week ka na dumaan." salbaheng sabi ni Rodel.
"Utut mu! Anong event 'yan? Mas maganda nga na andyan ako. Aba malay mo arkilahin pa akong singer oh edi may dagdag income ang business natin. Psh," sagot ko sa message.
Sumagot naman si Jestine. "May point ka dyan,"
"Asan ba kasi ang peymus actress natin? Para mas maligayahan ang client natin later." tanong naman ni Junalyn.
"Ewan ko dyan kay PJ! Tok! tok! tao po, artistang siga na busy online ka ba? Or naka-offline ka lang kahit online naman talaga?" tanong ko sa chat box.
"Napanood niyo ba guesting niya sa GGV kasama si DJ? Trending sila that night. Naka-nangs! :P" singit ni Altheia.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...