Chapter 3 Confused

260 5 6
                                    

 Jean: HOY! Ikaw! OO IKAW! Kapag hindi mo binasa to susuntukin kita. You want ha? You want? 

LOL! Brad eh! Pagbigyan niyo na si Zuma! ^_^ Zuma fever! 

Chapter Three

Jeyn's POV

Anong problema nun? 

Nakamasid ako sa sinakyan niyang jeep. Naghintay ako na baka sakaling bababa siya ng jeep at babalik sakin pero maraming jeep na ang muling dumaan at hindi siya bumalik hanggang sa matamlay na sumakay na rin ako sa dumaang jeep. 

Tulala pa rin ako. 

Ang lungkot na naman sa byahe kasi wala akong kasabay. Nasanay na kasi ako na lagi kaming magkasabay eh. Lately, feeling ko iniiwasan niya ako. May nagawa ba akong mali? 

Bakit ba ganoon siya? Alam naman niya yung about kay Xairus first year pa lang. Nakwento ko na sa kanya yung about dun. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon eh ganyan na lang siya kung makapag react.

Inilabas ko yung phone ko..itetext ko sana siya pero nagbago yung isip ko.

Bakit ko siya itetext? Anong feeling niya susuyuin ko siya? Nauna siyang magwalk-out 'nu. Wala akong kasalanan. Inis na ibinulsa ko ulit ang phone.

Nagmasid na lang ako ng mga tao sa byahe. Lumanghap ng usok at pinuno ng alikabok ang aking ilong. Shabu pa more. It's still more fun in the Philippines. 

Naglalakad na ako kabababa ko lang ng jeep ng makita kong hila-hila niya si Lyra. Napahinto ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What's wrong with me?

Huminto sila at dinig ko mula sa pwesto ko ang pag sigaw niya. 

Ayokong isipin pero?? Sila na ba ni Lyra?! Kaya ba lagi silang magkatext? Kaya ba nakita namin sila sa canteen na magkausap nung nakaraan? 

Hindi ko maunawaan pero kumirot yung puso ko. 

Lalong sumama ang pakiramdam ko. For three years na mag best friend kami never pa akong nakaramdam ng ganito.

Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon