A/N:
"Sometime's all we need is the courage.."
Dahil ang brave ni Fatima Mae Arguelles dito..sige.
Listen to this music bago kayo mag umpisang magbasa. ^_^ "Brave" by Sara Bareilles
Enjoy reading! :D GBU!
Chapter 16
Alvenn's POV
"So tell me, kailan ang huling araw na nakita, nakausap at nakasama mo siya?"tanong ng kakilala ni Wency.
"Right after the school days end , March."I answered.
Pinanuod ko ang lalaki habang nagta-type sa laptop niya. "Nagkausap ba kayo ng personal? May nabanggit ba siya sayo about something?"
Nag-isip akong maigi pero wala talaga. Ang totoo hindi na nga kami gaanong nagkakausap for that past months. Umiling ako.
"Hmm. Sure ka wala?"paninigurado ng private investigator na kakilala ni Wency.
"Wala talaga eh."
"Nabanggit mo kanina na may nanliligaw sa kanya, what's his name again?"
"Xairus, ang alam ko wala rin siyang alam sa paglayo ni Jean Paula. Nagulat na lang din siya ng mabasa ang message nito sa kanya."
Tumango ang private investigator. "Let's talk about her favorites. Anong lugar ang partikular niyang pinupuntahan? Any specific favorite place of her?"
"Sa beach, kahit saang beach. Mahilig siyang maupo mag-isa sa dalampisagan at pakinggan ang mga waves."paliwanag ko.
Nagtype ulit ang private investigator. "When was the last time na pumunta kayo sa beach? Saang beach?"
"Sa private resort nina Renz Lloyd Tan."Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun. The day when I planned to confess was also the day I lost her.
"Uh-huh, is that all? Wala na bang special place for her?"
"As far I know, it's only the beach."
"Three months na siya mula ng umalis. Hmm. I will see what I can do Sir, but in this case I don't have any clue other than the beach.I'll start searching at every resorts near Manila."itiniklop ng private investigator ang laptop niya. Tumayo ito at sanhi na tapos na ang meeting namin.
Tumayo na rin ako. "Maraming salamat, aasahan ko ang mabilisang update mula sa'yo."
Nginitian naman niya ako. "I will do my best,Sir."nag-shake hands na kami at pagkatapos lumabas na ako sa office niya.
••
"Pads, ano? Naglalasing ka na naman?"naupo siya sa katabi ko.
"Hey, Fats!"pinilit ko siyang ngitian. "Why are you here?"
"Bakit nga ba? Haha, siguro nag-aalala lang ako sa'yo kaya napadpad na naman ako dito."last time kasi nakita na niya rin ako dito na naglalasing.
"One margarita here."sambit ni Fatima.
Nagpatuloy ako sa pagsipsip ng inumin. "Is it about your best friend again? Wala pa rin bang balita sa kanya?"
Mapait na ngumuso ako sabay iling. Ano bang nangyari sa samahan namin? For the past months we became very distant to each other. T'wing lalapitan ko siya lumalayo siya. T'wing aayain ko siyang lumabas, sasabihin niyang may date sila ni Xairus. Naisip ko na lang na ahh..siguro na-miss niya talaga ang first love niya ng sobra at halos wala na siyang oras sakin. I mean sino ba ako? I'm just his best friend---FOREVER.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...