UTOS: Paki-play muna ng kanta sa gilid. "I DARE YOU TO MOVE" :"D
Chapter 11
Jean's POV
Ano bang problema ng isang to? "Wait lang Xairus ha? Iihi lang ako."tapos sinundan ko na siya sa loob.
Aba, magkakape nga si loko. "HOY!"tawag ko sa kanya.
"Oh? Bakit? Kukunin mo na ba ang kape para sa bisita mo? Tss. Di makapaghintay? Atat?"nilapitan ko siya.
Hindi ako nagsasalita. Inoobserbahan ko lang siya. "Oh? Di ka makaimik? Di mo na idedepensa ang bisita mo? Tss. Balik ka na dun kawawa naman yun mag-isa lang dun baka lamukin yun." Patuloy pa rin siya sa pagsasalita.
Hinawakan ko siya bigla sa baba at inangat abg mukha niya. Nagtitigan kami. Siya din ang unang sumuko at nagbawi ng tingin. "Confirmed."sambit ko.
"H-ha? Ang alin? Confirmed na hot ako? Oo naman 'nu. Di hamak na mas hot ako dun sa first love mo. Tssh. Yun ba? Yun ba yung iniyakan mo ng tatlong taon dahil lang sa pang who-who you niya sayo? Hindi kita maintindihan eh..ang bilis mo namang makalimot Jean Paula. Di ba pinaiyak ka lang nun? Iniwan ng biglaan. Tapos one day bigla ka na lang niyang babalikan at lalandiin."
"WAHAHA! Oh kalma lang, yung kape mo pumapait lalo dahil dyan sa pag bi-bitter mo. Sabi na eh, kumpirmado nga..nagseselos ka nu?"nginisihan ko siya ng mapang-asar.
Nanlaki ang mata niya at nabitawan ang hawak na kutsara. "A-anong i-ibig mong sabihin? Selos?? Bakit naman ako magseselos??"
"Sus! Maglolokohan pa ba tayo bestie?"nilapitan ko siya at inakbayan. "Don't worry naiintindihan ko naman ang pinaghuhugutan mo Vin..dama kita." Ngayon mas malinaw na talaga sakin lahat ng nangyari noon sa beach. Noong una kong malaman ang secret relationship nila ni Lyra. Nagselos din ako kagaya niya. Normal lang pala yun bilang isang matalik na kaibigan. Haay. Makakatulog na ako ngayon ng mahimbing. Buti na lang obvious na obvious itong si Vin sa pag-iinarte niya. "Nagseselos ka kasi feeling mo maagaw na ako sayo. Feeling mo mawawalan ka na ng best brad na cool. Diba? Awwchu. Wag ka ng mag-alala..kilala ko yun si Xairus malinis ang record nun sa NBI. Kaya pwede ka ng kumalma ha? Tsaka tantanan mo yang pagbibitter mo kay Xairus masyado kayang obvious mamaya kung ano pang isipin nun satin. Nako maudlot pa ang namumuong sama ng panahon sa pagitan namin. Hahaha! Halika na dalhin na natin yang kape sa kanila."nilagay ko sa tray yung ibang mga tasa ng kape at binuhat na palabas."Tara na!"tawag ko pa sa kanya. Tulala si loko. Haha.
"Huh? Oo sige susunod na ako.."sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...