Chapter 13 Kilometrong layo

102 5 3
                                    

A/N:

        Na-miss ba ako? lol

        Okay, sorry sa matagal na pananahimik..bakasyon nga kasi. Busy ang tema. Oh siya, heto ire-release ko na ang another "OST" ng ating story.."Kilometro" by Sarah Geronimo. 

Enjoy reading! 

-KimEanSukJ.♥
 

Chapter 13

Jestine's POV

Naglakad ako pasakay sa kotse ni Aldrich. Wala makiki-hitch lang kami syempre. Tatambay kami sa bahay nina pareng Xairus eh. "Astig!"unang beses ko pa lang kasing makasakay dito sa kotse ni Aldrich. 

"Told you."pagmamalaki naman ni Juna na nakaupo sa harap sa tabi ni Aldrich.

"Put on your seatbelt."utos ni Aldrich. 

Tapos ayun lumipad na ang cool niyang sasakyan sa kahabaan ng daan.

May libreng soundtrip sa kotse niya..woo. "Sarap sa feeling na naka-sportscar 'nu?"bulong ko sa tenga ng nasa unahan ko.

"Agree."Juna answered

Nag-play ang next song..Bamboo again. Aww, avid fan nga pala ni Bamboo si Aldrich Keith. I rember nakanuod kami dati ng libreng concert dahil niya.

Pagbaba namin kotse tumabad ang mansyon. Di na ako na-amaze medyo nasasanay na ako lately dahil sa mga yamanin naming tropa. Wew. "Nagtext si Alvenn, on the way na daw siya."

"Sige. Sige."sagot ni Juna.

"Mga beks?"sigaw ng bunganga ni Altheia. Nako, si lapel na naman po. Paano kaya nakakatagal sa kanya si Renz Lloyd!?

"Ang tagal niyo naman. Namamaos na ako pagkanta dito mag-isa eh wala manlang akong karelyebo."reklamo niya na nakaupo sa couch.

Kung epic sa labas ng bahay lalo naman dito sa loob. Grandeur talaga. Naupo ako sa pang-isahang couch. 

"Where's Jeyn?"I asked. Naks, kaya niyo english yan?

"Wala ka kay Jean Paula diretso agad sa kusina. Haha! Ipinapakilala kasi ni Papa Xy sa Mommy niya kaya ayun kinaladkad agad dun naiwan kami nitong Young hotsband kong epal dito."reklamo ni Altheia at inirapan si Renz na sambakol ang mukha. Ayoko ng manghimasok mahirap ng madamay sa galit ng bulkang mayon.

"Pumili na kayo ng kanta."sumulpot si Xairus kasama ang nakangiting si Jeyn. Saya, masyadong obvious.

Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon