Chapter 28 Past

26 3 0
                                    










Chapter 28





Wency's POV





"Brow, labyuu!" tapos hinila niya ako pababa ng stage.


Inalalayan din ako ni Aldrich Keith. May sinasabi pa siya pero sa sobrang hilo ko na, hindi ko na maunawaan. Pagdating sa table namin pabagsak na sumubsob ako sa mesa.



She's not here..




***




Naalimpungatan ako at narinig ko ang pangalan niya.

"Hello? Lyra nasan ka?" narinig ko ang boses ni Jean.


Nanatili akong nakaub-ob sa mesa. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog.


"Ahh..sige. Si Wency kasi nalasing," patuloy akong nakikinig sa sinasabi ni Jean. "Okay ka lang? Sure ka wala ka talaga rito? Oh sige. Bye."


"Oh anong sabi niya?" tanong ng tinig ni Altheia.


"Nasa bahay raw siya eh." sagot ni Jean. What am I expecting? That was just a mirage. She is not here. She has never been here.


"Past midnight na gangs. Uwi na tayo." aya ni Juna.


"What about Wency?" I heard Stephen asked.


Namagitan ang katahimikan. "Aldrich?" tinig ni Clint James.


"Dude naman kasama ko girlfriend ko. Wag ngayon." tanggi ni Aldrich Keith.


"Nandyan naman kapatid niya eh," pahayag ni Renz Lloyd.


"Renz!" sita ni Altheia.


"Why? What did I do? Nagtatalo pa kasi sila sinabi ko lang naman yung totoo." paliwanag pa n Renz Lloyd.


"Shut up! Hindi ka nakakatulong." saway ni Altheia.


Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon