Chapter 22
Jean's POV
"So that's it. Goodluck Ms. Agravanteh."pahayag ni Dean bago tuluyang lumabas ng room.
Speechless lang ako. Hindi ko pa rin matanggap na dahil sa trip ni Rodel kaya nandito ako sa sitwasyong ito. Naramdaman kong may umakbay sakin. Amoy palang alam ko na. "Wala ako sa mood. Okay?"badtrip pa rin ako sa lahat hanggang ngayon.
"Ayusan na kasi Brad."seryosong sabi ni Alvenn at nakaakbay pa rin.
Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. "Ang bigat ha."
"Mga Bae's kain na tayo mamaya na kayo mag-away."sita ni Rodel.
"Isa ka pa!"sikmat ko kay Rodel. "Kasalanan mo lahat ng ito eh, pwede namang si Junalyn or Altheia. Bakit kasi ako pa? Paano ako magre-relax kung buong week kelangan kong mag-modelling?!"
"Sorry na nga eh," apologetic na napakamot si Rodel sa batok. "Malay ko bang bawal na palang palitan 'yung representative."
"Urrrrghh!"inis na hinila ko ang bag ko at tumayo.
"Oy, saan ka pupunta?"sumunod si Vin sakin.
"Tatalon, bakit sasama ka?"inis na sabi ko.
Nag-pout lang si Vin. "Kasi naman eh.."pilit siyang sumasabay sa paghakbang ko.
Naglakad ako hanggang sa mapadpad ako sa Garden sa school kung saan madalas kaming tumambay. Pasalampak na naupo ako sa bench. Naupo rin siya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa malayo.
"U-uy,"untag ni Vin.
Hindi ko siya pinapansin. Hanggang bigla na lang akong umiyak. "Sheet!"he cussed tapos bigla akong hinila at niyakap. Napasubsob ako sa may balikat niya.
Naramdaman kong tinatapik niya ang likod ko.
"Tahan na. Wag ka namang umiyak. Nate-tense ako sa totoo lang."sincere na sabi ni Vin.
"Kasi naman eh bakit ako pa? Ayoko talagang mag-join sa contest. Can you do something about it? 'Di ba mayaman ka rin naman tsaka kilala mo naman 'yung mga Rich Kids. Sige na."pagmamakaawa ko. Sobrang ayoko talagang sumali. Hindi ko ma-imagine na magsusuot ako ng heels at rarampa sa stage kung saan manunuod an mga students.
Narinig kong nagpakawala siya ng buntong hininga. "I wis I can do something but I can't. I can only lend you my shoulders and give some comfort. School matters are out of my control."
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...