Chapter 25 Pageant

60 2 0
                                    

Chapter 25

Lyra's POV

"Bilisan mo nga!" sigaw ko kay Wency. 

Nagmamadali naman siyang lumapit sakin habang bitbit ang mga plastic na naglalaman ng pinamalengke namin. "Yes boss."

Sa sobrang kulit niya napag-isip isip ko na subukan ang suggestion ng kaibigan ko. Kaya heto sinagot ko na rin siya sa planong papahirapan at aalilain. Nakakainis lang kasi mag-iisang linggo ko na siyang inaalila pero nandito pa rin siya at nagtyatiyaga. 

Pumara ako ng tricycle. Sinabi ko yung address namin tapos sumakay na ako. "Anong itinatayo mo pa dyan?" sikmat ko sa tulalang si Wency. 

Natauhan naman siya at kikisap-kisap na nagtanong. "M-mag ta-tricycle tayo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Aba malamang anonf gusto mo mag helicopter tayo papunta samin?" tapos umusod ako ng upo para may maupuan siya sa tabi ko. "Sakay na! Bilis!"

Atubiling sumakay siya at hawak-hawak pa rin ang mga plastic na pinamalengke namin. "Siguraduhin mong hindi manlalaglag ang pinamili natin ha." 

Tahimik lang siya which is so rare of him. Napansin ko rin na namumutla siya at pinagpapawisan. Ang bilis ng patakbong driver at hindi niya siguro napansin ang humps kaya naman tumalbog kami pagdaan doon sanhi para mapauntog ang ulo ni Wency sa bubong ng tryke. "Aaaaaah!" 

"HOY! Wag OA makasigaw buhay ka pa. Ang tangkad mo kasi kaya sikip ka sa tricycle. Tsk. Minsan pala pangit din kapag sobrang tangkad." sabi ko sa kanya.

Bigla siyang lumingon sakin ng nagpapaawa. Shet ang kyot niya lang kahit pawisan. "I-i'm afraid," he whispered. "I've never been on this kind of ride my whole life."

Nanlaki ang mata ko. "Seriously?!" kaya naman pala ganyan ang hitsura niya. Hahaha! Parang gusto ko pa tuloy siyang torture-in.

"C-can I hold your arm?" he asked.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. As in, nasa tricycle lang kami at napaka-OA naman ng kasama ko pero hindi ko rin naman maikakaila na totoong hindi pa nga ata siya nakakasakay ng tricycle sa buong buhay niya. Totoo rin na kinakabahan siya kasi namumutla at pinapawisan siya isabay pang parang byaheng langit kung makapag-drive si Kuya. 

Tumango ako at bigla ay humawak ang malapad niyang kamay sa braso ko. Nanalaytay sa aking katawan ang nanlalamig niyang kamay. Hanggang sa makababa kami ay walang nagsasalita isa man samin. 

Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon