Chapter 38
PJ's POV
"Akala ko ba hindi ka umiinom?" tanong ni Alvenn kay Jean Paul.
"Hindi naman talaga ngayon pa lang." namumula ang mukha ni Jean Paula at amoy alak ang buong katawan.
Inakbayan ni Alvenn si Jean Paula at inalalayan paglalakad. "Mukha kang nagahasa ng sampung kabayo."
"Grabe! Ang hard mo naman Bestie."
"Damn! Wag mo nga akong tawaging Bestie. Ako lang dapat tatawag sayo ng ganon. Ginagawa mo akong babae eh."
"Oh hindi nga ba? Sa sobrang arte mo nga dinaig mo pa ang babae."
Binitawan ni Alvenn si Jean Paula sanhi para matumba ito at mapaupo sa kalsada. "Aray ko!" sigaw ng huli.
"Aayos ka ba o aayos ka?" may pagbabanta sa tinig ni Alvenn.
"Sabi ko nga aayos na po.." tapos itinaas ni Jean Paula ang dalawang kamay upang abutin Alvenn.
"Inom kasi ng inom eh. Aish! Siguradong mayayari ako kay Tita Salve nito!" reklamo pa ni Alvenn sabay hila sa kamay ng kaibigan.
Nginisihan lamang siya ni Jean Paula. "Hindi yan. Peksman. Mamatay man ang kuko mo sa paa."
Pagsakay nila sa tricycle bigla na lang nagduduwal si Jean Paula. "Shit! Wag kang susuka Paula Jean! Subukan mo lang--"
"Uwaaarrk!" biglang naglabasan ang pinulutan ni Jean Paula sa inuman. Nagbagsakan lahat ng mga kinain niya sa hita ni Alvenn.
"Paaaaaakkkkkkkkkkyuuuuuuukaaa! Pakyu ka Jean Paula! Wuuuuuuchuuuu!" hindi maipinta ang mukha ni Alvenn. Ang taong maarte pa sa babae. Sensitive at clean freak ay nasukahan sa damit. "This is war!!" sigaw pa ni Alvenn.
Napabalikwas ako ng bangon. Paulit-ulit akong huminga ng malalim. "P-panaginip pala.." Posible palang mapanaginipan ang ang mga ala-ala na meron kami.
Nanlulumong bumangon ako para uminom ng tubig. Tiningnan ko ang wall clock. "Haaayyy!" nag-inat ako.
Naghanda na ako para sa trabaho. Marami akong scenes na dapat habulin dahil sa pagkakasakit ko.
"PJ? Are you ready?" tawag ng manager ko.
"Maliligo pa lang ako. Sorry ate." inform ko sa manager.
"Pakihintay na lang ako sa baba."
"Okay. Take your time."
Lumapit ako sa closet para maghanda ng damit na isusuot. Naghahalungkat ako sa drawer ng makita ko ang isang leather bag.Natulala ako ng mahawakan ang bag. Suddenly memories starts to flood my mind.
"Anong paarangkada naman ito?" tanong ko sa kanya.
Hinila ako sa kamay at pilit pinaupo sa tabi niya. Inaya niya akong maglakad-lakad hanggang sa mapadpad kami sa burol na ito."Tingnan mo!" sabay turo niya sa karagatan na tanaw sa ibabaw ng burol. "Ang ganda diba?"
Umihip ang hangin at narinig ko pang lalo ang paghampas ng alon sa batuhan. Bagama't nasa itaas kami ng burol naririnig ko pa rin ang tunog ng malalaking alon. "Wow!" I said. "Ang ganda nga. Paano mo nalaman ang lugar na 'to?"
BINABASA MO ANG
Torpe & Manhid, Collide by KimEanSukJ.♥ (HIATUS)
Teen Fiction"Why do we end up hurting each other, when all I ever wanted was to love you?"-Alvenn Prieto Padilla "Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palayo sa best friend ko. Sa taong mahal ko..at ikaw 'yun."-Jean Paula Sy Agravanteh BEST FRIEND. F...